Thursday, April 22

India: kapos sa kubeta


India has more mobile phones than toilets: UN

 ...India's mobile subscribers totalled 563.73M, enough to serve nearly half of the country's 1.2B population

....But just 366M people around a third of the population had access to the proper sanitation.(Arab News, 4-16-10, p. 5)

Ito ang artikulo sa diyaryong hindi maalis-alis sa isipan ko at pilit na nakakapit sa aking ulo na parang kuto. Tama! Nagbabasa din naman ako ng peryodiko paminsan-minsan, para naman may alam ako sa aking mundong ginagalawan. Mamaya nyan nabuntis uli si Madam Auring, ako na lang ang kaisa-isang nilalang na hindi pa nakaka-alam. Hindi ba't masaklap ang ganun? 'Di mo man lang natutukan ang makulay at aktibo nyang love life at sexcapades.


Mabalik na nga tayo sa talagang usapin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay bibabagabag pa rin ako ng balitang ito. Kung tutuusin ay di naman ito ang dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng climate change kay Inang Kalikasan. O ito ang puno't dulo ng problema ng pagbagsak ng ekonomiyang ating nararanasan. Hindi nga ba?

Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang mabasa ko ang kahindik-hindik na balitang ito. Pati kubeta pala ay problema sa India? Ganoon na kahirap at pati inidoro ay endangered na? Kaya ba ganun na lang ang amoy ng mga "pana"? Putok dito at putok doon ang ginagawa! Minsan naisip ko ito ang pwede at epektibong pamalit sa biological warfare. Mangalap ka lang ng isang batalyong lahi nila at ibagsak sa isang bansa, tiyak umpisa na ng World War III.


Matagal na siguro akong nasiraan ng bait kung wala ni isa mang palikuran na mapupuntahan. Ano na lang ang iyong gagawin kung saka-sakaling bigla kang nae-ebs habang namamasyal? Biglang sumakit ang tiyan dahil nakakain ng caviar? Hindi dahil sa sira o bulok ang caviar, kundi dahil nalaman mong presyong ginto pala ang walang kalasa-lasang gabutil na mga itlog. Huwag mong sabihing maghuhukay kalang sa lupa na parang mga pusa? O bibisita sa dalampasigan para magpakawala ng yellow submarine? Sabi ko na nga ba't mauuwi rin sa tae ang usapan!


Nakakalungkot isipin na ganito ang kanilang sitwasyon (seryoso na...), kung tutuusin ay gumaganda na ang takbo ng kanilang ekonomiya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mas inuuna pa ang mobile phone kumpara sa kubeta na isang pangangailangan sa ating buhay. Wastong kalinisan at kalusugan ang kailangan para uunlad ang isang bayan. Walastik! Pang-slogan ang dating. Til then, nae-ebs na ako e. LOL

11 comments:

Kosa said...

hahaha.
natawa ako ng very very nice Doc!

Oo nga noh? ahhhhh... baka naman share share sila sa kubeta dun sa india... kaya ganun...
Hindi naman kase kailangan tig-isa ang kubeta ehhhh... eh ang celpon? kailangan tig-isa..
waaaaaahaha.

Eh ang Pinas doc?
Kubeta at celpon status?
baka ganun din ang sitwasyon.. hehe

SLY said...

gnun din ata ang sitwasyon parekoy sa 'tin, kaso lamang tayo ng 3 kubeta sa kanila. Lol

Style daw kasi nila dun, iilan lang ang toilet sa isang village.. Tinanong ko kc sa indyanong katrbaho ko.

DRAKE said...

Ganyan din naman sa atin.

Mas marami ang cellphone kesa sa kubeta.

Pero sa atin kasi talu-talo na! Isang supot lang ang katapat. Then hagis sa kung saan pwedeng ihagis! See nakapag field trip pa ang tae mo!

Ingat

kcatwoman said...

anyway, kung caviar ang kinakain mo malamang sa high end ka kumakain. may CR dun. nice post ah.. siguro kahit progresibo yung bansa nila, marami pa ring kulang na necessities. yung celphone kasi napagkakitaan .. unlike CRs

SLY said...

[drake]

Hehehe ayos yang supot na yan ah, sigurado akong swerte ang makapulot nyan. sobra pa sa jackpot winner sa lotto.

[kcatwoman]

Salamat nmn po at nadalaw kayo dito (pakyut mode).. At dahil dyn bibisita rin ako sa bahay mo at isasali kita sa blogroll ko. Hehehe

No Benta said...

Dito sa saudi nahihirapan din akong maghanap ng kubeta. Muntik na akong matae sa jeans ko sa kakahanap noong namasyal kami sa jeddah.

Halos pareho ang mentality ng mga pinoy at indiano pagdating sa celfone. Yun nga lang, mas maabilidad tayo pagdating sa usapang ebak!

SLY said...

[no benta]

tama ka parekoy, mas madiskarte tayo kumpara sa mga indyano.. Kaya di gaano pansin ang kakulangan ng kubeta sa atin. Hehe

Anonymous said...

The truth is: kahit naman saan, mas marami ang cellphones kesa CR.

In our household here in Saudi, each person has two cellphones; while our house only has one loo.

Baka naman ang counting nila ay 1 palikuran sa 1 tao? Kulang nga sya. I think the article of Arab News -- although true -- is somewhat misleading.

an_indecent_mind said...

di lang dami ng kubeta but ung hygienic status nito...

dito sa saudi, tingin ko kapos din sa kubeta at sa malinis na kubeta.. makakaraos ka ba kung ang amoy at appearance ay di kaaya aya? malamang sa hindi ano?

in that case, magtitiis na lang ako at magtetext para malibang! hehehe!

SLY said...

[nebz]
UN ang may promotor nito e.. Malamang sa malamang, in-exagerate na lang nila.

Salamat sa walang sawang pagbisita sir!

[indecnt mind]
Yan din pansin ko prekoy, wlang maayos na kubeta d2 sa riyadh. pati ata ebs matatakot lumabas

Anonymous said...

台湾辣妹视讯 , 美女视频同城交友 , 美女裸体视频聊天网站 , 美女激情聊天室 , 网爱吧视频娱乐 , 免费视频交友聊天室 , 美女主播 , 真人互动视频直播网站 , 午夜激情视频聊天室 , 在线视频语音聊天室