Monday, August 2

Na-MISS ko kayo!

Matagal din akong nawala sa mundo ng blogosperyo. Aminado ako na-miss ko kayo. Sana naman ako’y na-miss niyo rin (sige na, yes ka na! subukan mong makipagplastikan kahit ngayong araw lang). Nakaka-miss ang magsulat ng kung anu-ano, kahit alam mong parang tae lang ang nasusulat mo. Gayunpaman, ang mahalaga ay naibahagi ito sa mga taong nauuto, tulad mo! Hehehe..

Ang mga susunod kong paksa  ay base sa mga karanasan at obserbasyon ko dito sa Riyadh, na iyon naman talaga dapat dahil Buhay Riyadh ang titulo ng blog ko (tanga ko talaga!). Lingid sa inyong kaalaman, mag-iisang taon na ako sa Saudi. Akmang-akma lang para maibahagi ko sa inyo ang mga kakaibang mga kaganapan dito sa disyerto.

 Tipong “TOP 10” ang magiging style ng pagsusulat ko. Ito ang mga bagay-bagay na napuna bunga ng kalikutan/kalokohan/kabastosan/katangahan ng aking kaisipan. Ito ang mga eksenang tumatak na sa aking bumbunan. Hindi ko na patatagalin pa, ito ang una kong nagawa…

  1. Kung tinatamad kang magtrabaho at may kliyenteng nagpapakyut at nagtatanong sa’yo, “Mafi malohm arabi(can’t understand Arabic) lang ang isasagot mo. Malas mo lang kung ang arabo na iyon ay edukado, wala ka ng kawala kundi gamitin ang natitirang ingles na baon.
  2.  Mainam sa balat ang tubig ng Saudi. Dahil sa init nito, siguradong patay ang an-an at buni na ilang dekada ng kumakapit sa katawan ninyo!
  3.  At dahil sa sobrang init ng tubig sa disyerto, kumuha ka lang ng tasa at bumili ng kape sa bakhala (sari-sari store). Voila! May instant coffee ka na, iwas gastos pa sa mamahaling Satrbaks.
  4.  Feeling mayaman ka dito sa Saudi, sapagkat “limousine” ang tawag sa taksing lagi mong sinasakyan.
  5. Kung nais mo naming makatipid at gustong panindigan ang pagiging masa, walang pumipigil sayo at welcome na welcome ka sa bus na iyong masasakyan. Doble ingat lang at baka tetano ang aabutin mo. At tibay ng sikmura ang kailangan para sa sari-saring “putok” na iyong masisinghot.
  6. Usaping limousine pa rin, umupo sa likurang bahagi ng taxi. Lalong-lalo na kapag ang driver ay Pakistani. Wala yata silang pinipili kahit na mukhang sinabugan ng bomba ang iyong pagmumukha. Sa tingin ko, “the uglier, the better” ang kanilang motto. Thanks GOD, I’m soooo gwapito!
  7. Sa mga poging tamad mag-japorms na tulad ko, iwasang magsuot ng shorts kapag nasa pampublikong lugar kayo. Ewan kung anong meron sa cargo shorts ko, o baka ngayon lang sila nakakita ng mala-TROSOng hita na meron ako? Palaisipan pa rin sa akin ang pangyayaring ito.
  8. Ngayon kung gusto n’yo pa ring magshorts, wala na akong magagawa. Basta ba huwag ako ang sisisihin kapag ang mga tao sayo’y nakatingin. Kilatisin muna ng mabuti ang sarili, baka naman talo mo pa ang cover of the month ng FHM sa suot mong shorts na pagkaiksi-iksi! (Nyeta! Bruha ka! Lols)
  9. Huwag makipagtitigan sa kahit sinong tao na makakasalubong mo, at baka pag-initan ka at may balak gawin sa’yong milagro. Pero kung si “Nicole ng Subic” ay iyong ini-idolo, wala na akong masasabi pa kundi GO lang ng GO!
  10. Matuto kang kumain ng shawarna at kapsa (parang tsiken inasal at sari-saring butil ng herbs na inilagay sa kanin). Dahil hindi sa lahat ng oras ay kagustuhan  mo ang nasusunod. Paminsan-minsan ay dapat ka ring makisama at makihalo-bilo, para mas makilala at maintindihan ng husto ang kulturang matagal na nilang nirerespeto.

Ilan lang ito sa eksenang aking napuna. Mga pangaraw-araw na bahagi na ng kanilang buhay. Nakakapanibago, nakakatawa, at minsan ay parang lokohan lang. Pero minsan ay nangyari ito sa buhay ng mga ordinaryong pinoy OFW.

18 comments:

kayedee said...

OO na ikw na ang gwapo! ahahh. bkit nman pde mag short? eh gusto q lge nka short e! ehehe.. ah basta nmiz lng kta!!! balik n kuya?:)

SLY said...

[kayedee]
allergic ata sila sa makikinis at mapuputing logs este legs pala! sana todong tuloy na ito :)

NoBenta said...

wow parekoy, sobrang na-miss ko ang tambayan na ito. welcome back, balakubak!

sa loob ng isang taon ko dito sa saudi ay naranasan o pareho rin tayo ng observation. yun nga lang, 'di ko pa narinig na limousine ang tawag sa taxi dito sa yanbu!

blogenroll \m/

SLY said...

[no benta]
maraming salamat! dalaw lang ng dalaw parekoy. congggrrraaatulations uli sa PEBA!

2ngaw said...

namiss ba kita? hindi ata lolzz

pero bakit di pwede mag short?

Jam said...

Dokkkkkkkkkkkkkkkkkkk..namissssssssssss k nmin.....akala ko e natraffic ang sinsakyan mong eroplano at d stock kn sa ere hahahaha..welcome bak! Minsan kse try mo rin ang Camel sakyan mas mgnda yun for Travel hahaha! Peborit ko shawarma lalo na yung maraming garlic paste at girgir na dahon hahaha....

SLY said...

[lord CM]
aminin na kasi, miss mo ako! lols
di naman sa bawal, baka mali lang ang nasuot kong shorts at kita na singit ko, ahaha..

[jam]
ramdam ko nga ang pagka-misssss mo:)
hayaan mo, sa susunod try ko ang camel. shukran sa dalaw...

David Edward said...

open city na rin ba ang riyadh? kugn hindi it means na my day na hindi ka puedeng magmall, right?

SLY said...

[david edward]
konserbatibo pa sila rito kaya maraming bawal sa kanilang mundo. sa madaling salita, Killjoy! lols

ty sa pagbisita..

an_indecent_mind said...

welkam bak! hehehehe!

dito sa amin sa jubail, di na maxadong mahigpit, pwede na rin ang nakashorts at idisplay ang logs..

pero ingat pa rin sa taxi, di pa rin ako basta sumasakay unless trusted contact ko yung driver...

ingats parekoy!

SLY said...

[indecent mind]
di ko feel ang pag-welcome mo, hugs nga dyan?! bwahahaha

ingat sila sayo dyan :)

Jepoy said...

welkam back koya!

RJ said...

Thanks for taking me to Riyadh with this post.

Talagang matapang siguro ang sari-saring mga amoy sa bus, at 'yan ang tumatak sa isipan mo, SLy. Huh!

Anonymous said...

ahaha. sobrang nakakarelate ako. 5 taon na ako dito at sa wakas malapit nang makalaya! yipee. hehe

never pa akong nakakasakay sa taxi mag - isa. takot ko na lang. pati sa bus never pa din, ahaha. peborit ko dito sa riyadh eh yung Broasted chicken sa CFC sa Batha. haha. ok naman yung Kabsa ahhh.

ingat kabayan!

SLY said...

[jepoy]
salamat parekoy!

[rj]
welcome na welcome ka dito sa disyerto dok. tama ka, kakaiba talaga ang amoy dito..ang dumidikit pa ito sa damit, walastik talaga kung makakapit! hahaha

[cloud airheart]
thank you sa dalaw :) wag magsawang bumisita...
tama ka, masarap ang broasted nila, lalo na pag-spicy, tsampyon!

Anonymous said...

Amiable post and this enter helped me alot in my college assignement. Gratefulness you seeking your information.

Anonymous said...

Bigla kong namiss ang Saudi. Hehe.

I like number 4. True. Sa Saudi lang ako nakakasakay ng 'limousine'.

SLY said...

[anonymous]
naku baka bumagsak ka dahil lang sa akin :)

[isladenebz]
salamat sa dalaw sir nebz..