Saturday, December 3

Balik SG ang drama...

Balik SG ang drama kaya napapanahon para blog address ay palitan na. Hindi naman talaga akma kung patuloy ko pang gagamitin ang buhayriyadh, sa halip pinalitan ko lang ng buhaysingapura (No-brainer? E sa wala akong ibang maisip. Pasensya at may hang-over pa sa iba't-ibang lasa ng alak kagabi. Sino aking mga kasama? Mga bigating artista! Sa susunod na kwento ko na lang sila ibibida... Hwag atat!). [ngayong naging lasinggero na...]

So from Riyadh, balik Singapore na naman ako. Pasalamat sila at nadagdagan ang kanilang bansa ng gwapo! Yup, tama ang basa mo.. GWAPO! Yung tipong nakakalaglag panty (akseptabol na rin ang laglag-brief!) sa kagwapuhan.  Wag na umalma, kristmas naman di ba? :)

Very very very short lang muna entry ko. Nagbyu-byutipol eyes na me. Ayos lang kahit puyat kagabi, masaya naman at nadagdagan pa aking mga bagong kaibigan.  YOU ALREADY SG Bloggers!

Thursday, May 5

Lab U Ermat!

Mother's day na naman pala. Ispesyal na araw para sa mga magigiting nating ina. Ilaw ng tahanan. Wonderwoman. At kung anu-anong pang pauso na bansag natin sa kanila. Sila ang ating guro.. umaalalay at nagsisilbing magandang halimbawa para lumaki tayong maging mabuti sa kapwa. Nagiging doktor kapag nagkakasakit. (Naranasan mo rin bang kumain ng nilagang itlog at Royal TruOrange kapag may lagnat? O kakaiba lang ang paraan ng paggagamot ng aking ina?). At tagapagtanggol kapag tayo ay naaapi, kahit minsan na obvious na tayo naman talaga ang mali at unang nanuntok!

Mahirap nga ang trabaho ng pagiging ina. Isipin mong ilang taon, buwan, araw, minuto at segundo ka nilang binabantayan. Simula sa unang araw na flawless ka pa, hanggang sa nagkabuhok ka na. Kung saang parte ng katawan ang tinutukoy ko, bahala ka ng sagutin ito. Simula sa oras na pangit ka pa, hanggang sa lumaking pangit pa rin. Ganyan... Ganyan kadakila ang iyong ina. Matiisin. Lahat ng hirap susuongin. Kaya maswerte si ermat, di nya naranasan ang ganyang klase ng hirap. (Biglang nagkakulog at kidlat!).

Okey payn, alam kong kumu-corny na ang mga banat ko. Kaya simulan ko na ang pagpapakaseryoso. (I'll try!..) Bilang mother's day nga ang tema, syempre sino pa ba ang gagawin kong artista? Kundi ang napakaganda kong ina! (Sorry guys, nasa lahi na namin ang ganito, yung tipong nagsasabi lang kami ng totoo. Hehe).

Dahil sa nakwento ko na kung anong klase siyang ina, di ko na tuloy alam kung sa anong paraan ko pa siya gawing bida. (Kung hindi nyo pa nababasa, KLIK HIR!). Siguro ito'y isa ng paraan para pasalamatan ko siya at bigyang halaga ang lahat ng mga sakripisyong ginawa niya.

Sa bawat luha at hirap na dinanas niya, sana nasuklian ko man lang ito ng isang dosenang sako ng ligaya. Sa mga itinuro nyo sa aking pagtanda, sana nagawa ko ito ng maayos at tama. Hindi man perfect score, sana ako ay nakapasa at hindi pasang-awa. Bilang anak na iniluwal nyo dito sa mundo, asahan nyong nasa tabi nyo ako. Ibibigay ang lahat hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng aking buhay.

Lab u ERMAT!

Saturday, February 19

Patil o Pastil?

Kanina lang ay nakatanggap ako ng larawan galing sa isang kaibigan. Na-excite ako, akala ko kasi sexy pic na ni Gretchen Fullido. Bakit siya? Alam kong hindi siya artista, pero masama ba kung siya ngayon ang bago kong pinapantasya? Lilinawin ko lang, di po ako manyak. Sa katunayan napakabait kong bata simula nung ako'y ipinanganak! :P


Ito ang tinutukoy kong litrato na naka-TAG sa FB account ko. Marahil karamihan sa inyo hindi alam kong anong klaseng pagkain ang nasa larawan. At sa mga nakakaalam, siguradong pareho tayo ng pinanggalingan. PASTIL/PATIL ang tawag namin dyan. Delicacy ito ng mga kapatid nating muslim, kung di ako nagkakamali, mga Maguindanaons. At huwag nyo na akong tatanungin kong kailan nila ito pina-uso, di na kaya ng powers ko ang tamang kasagutan

Ano ang lasa nito? Ihalintulad mo na lang sa nakasanayan mong pagkain ng adobo. Noong una, tsiken lang talaga ang kanilang tinitinda. Pero kalaunan meron na ring karne ng baka at baboy. Marahil ang iba ay allergic at nasusuka na sa tsiken, o talagang business-minded lang ang mga negosyante at ini-apply ang supply and demand. Naks! Malay natin, may iba pang gawa liban sa manok, baka at baboy. Nakatikim ka na ba ng kuting? E, ng asong bago lang nasagasaan? Nagtatanong lang naman :)

Sa unibersidad na kung saan ako nagtapos, ito ang pagkaing patok sa mga estudyante. Pang-masa. Ika nga nila student meal. Sa baon mong limang piso, solb na solb na ang bituka mo. Pero sa tulad kong biniyayaan ng malaking katawan, dalawa o tatlong piraso ang kailangan.

May tamang paraan kung paano ito dapat kainin. Tulad lang ng pagkain natin ng suman o  ng saging. Yan ang turo sa akin ni Hamsa (si BFF.. Hehe, sipsip!). Kung may angal ka at sa tingin mo mas may tatama pa. Sa kanya kana magpaliwanag! Paniguradong tatamaan ka! Pero kung maarte ka, o di kaya'y ayaw mong maTURN-OFF ang BF na iyong kasama, pwede ka namang gumamit ng tinidor at kutsara.

Salamat PAPA TARS (Oo, Parang Papa P a.ka. Piolo P.lang!) sa pamamahagi mo ng larawang ito. At dahil dito nakabuo ako ng kwento. Pahabol... bwisit ka! Bigla ako nagutom at na-home sick nang akin itong nakita! O diba, sweet ko talaga! :P