Tuesday, January 12

Kool kong INA

Ermat, Mama, Berk Chit at Tita Titz.. 'Yan ang kadalasang tawag ko at ng mga barkada sa pinakamamahal kong Ina. Hindi ko na gaano matandaan kung san nagsimula ang Berk Chit at Tita Tits. Marahil doon 'yun sa kasikatan ng Youth Oriented Show ng Dos na ang pamagat ay "BERKS". Ito'y pinagbibidahan nina Heart Evangelista, John Prats, Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Kung 'di nyo talaga ma-gets, paki-ask na lang si Henyong Google.

 
Extreme si Ermat pagdating sa pananamit at sa kanyang lifestyle. May panahon na donyang-donya ang ayos, at may oras din na gusgusin ang dating. Okey lang sana kung sa bahay , pati ba naman sa pamamalengke minsan ay punit-punit ang susuotin?! Walastik talaga! Sa kasalukuyan nyang edad na 66, nagmamaneho at nakikipagkarerahan pa yan gamit ang bulok naming wheels. Nagbibisikleta papuntang simbahan na akala mo'y sasali sa cycling marathon. Pero simula noong siya'y natumba at tumilapon sa kalsada, pinakadena ko na ang paborito niyang bisikleta. Nakupo, aantayin ko pa bang mababalian siya?

Barkada ni Ermat ang mga kaibigan ko. Minsan nga pakiramdam ko'y sila na ang magbabarkada at ako ang kanyang istriktong ama! Kung may dadalaw na kaibigan hindi ako ang unang hinahanap, siyempre sino pa ba kundi siya. Pero ok na rin at least bagets pa rin si Tita Tits. Nitong buwan nga nakipagreunion siya, pero hindi sa kanyang mga ka-batch, kundi sa mga beterinaryo kong kaeskwela. Ganyan siya katindi! Hardcore! At nagdahilan pang siya raw ang proxy. Haayyy.. nakakamiss talaga ang aking Ina at ang mga barkada. Lalong-lalo na kapag ika'y nag-iisa sa ibang bansa. Ikaw? Ka-Barkada mo ba ang iyong Ina?

Trip nyo ba'y pruweba kung gaano ka-KOOL ang aking ina? Ito ang ilang larawan kasama nang kanyang mga katropa :


Ang DEBUTANTE at kanyang mga ESCORTS (L-R: Paul, Gemma, Gay, Ermat, Hamsa, Chengot at Mark), .


Kayo lang ba marunong ng ganitong peace sign?!


Sa araw ng kanyang kasal, 'di sumipot ag GROOM(L-R: Mark, Melissa, Love2, Hamsa, Ermat, Maricel at Angie).


Posing na man dyan mga repa pipz! (w/ Atty. Gel)

16 comments:

RJ said...

Cool nga si Tita Titz! Hahah! U

Sana 'yong picture last reunion ang nakapaskil dito, Sly.

Hinahanap ko ang picture na nakabisekleta ang nanay mo. o",)

Jam said...

Walastik din nmn ang Mom mo parang ansarap barkada sobrang cool lucky ka ka bihira ng Ermat na ganyan..Salamat nga pla sa pagbisita sa blog ko..

Darius said...

favoritism ang pictures...
sly mas umaarangkada sa ratings si tita, wala ng makatalo jan sa kanya...sexy parin, pakisabi ingatan ang sarili wag basta basta sagutin ang mga manliligaw, baka masaktan lang ang mga manliligaw...

SLY said...

[RJ] uso pa ke tita titz ang "snail mail" kaya di ko na naantay ang mga latest pics. hyaan mo, tuturuan ko pa si ermat na maging hi-tech :)

[JAm] kaya nga mahal na mahal ko kasi walang katulad 'yan sa mundo.

[DARIUS] favoritism? dahil ba sa wala ka sa mga litrato? bawi na lang tayo sa susunod kaibigan, pati nga ko wala dun e hehe.

Douglas said...

cool nga ang mommy mo.

namimiss ko na din ang nanay ko. kinuha na kase sya ni Lord :D

SLY said...

[DOUGLAS] salamat at napadaan ka :)
nakaka-miss talaga pag may taong nawala sa tabi mo, sana tatagal pa ang stay ni ermat dito sa mundo.

DRAKE said...

san ka sa riyadh bro!

Ingat lagi at hayaan mo babasahin ko mga entries mo

jean said...

nice tribute to your cool inay, t.sly!

SLY said...

[DRAKE] naks tuwa naman ako at babasahin mo entries ko. congrats sa pagkapanalo sa PEBA! talagang mag-iingat ako rito, hehehe.

[JEAN] di pa yan sapat para punan ang mga hirap at pasakit na dinulot ko sa kanya, nag-emote!! hahaha
nami-miss ko kasi si ermat kaya dinaan ko na lang sa pagsusulat :)

Kosa said...

wala ngang duda Parekoy
kool na kool so Tita Tits!

SLY said...

[KOSA] salamat sa dalaw parekoy!

BlogusVox said...

Cool din ang yumao kong ina. Pero mas cool ang nanay mo! Konserbatibo pa kasi sa amin, nandoon pa rin ang ugali'ng hindi pantay ang mga bata sa mga matatanda.

poging (ilo)CANO said...

astig naman ang ermats mo.bagets na bagets ang dating!!!

napadaan lang ako mula dito sa kabilang disyerto..hehe

SLY said...

[BLOGUSVOX] basta mga NANAY, siguradong sila'y da BEST!

[POGING ILOCANO] sana madalas ang daan mo dito kabsat :)

anjoyce said...

cute! inggits!!!

isladenebz said...

I would love your mom, Sly! I'm sure of it!