Wednesday, January 20

Hithit-buga



Cigar, yosi, tabako, sigarilyo… 'yan ang tawag sa bagay na hinihithit at usok ang ibinubuga. Isang paglilinaw lang mga ka-tropa ito lang ang alam kung bagay na hinihithit at usok ang dinidighay at wala ng iba, peksman… mamatay ka man! Sa Ingles, Cross my heart and hope you'll die. (Malala na sakit ko sa kakornihan, pati ako'y nasusuka na.)

Dito sa Saudi, ito ang lagi mong napapansing eksena. Hithit doon, buga rito. Palibhasa'y bawal ang alak dito sa disyerto, kung meron man hindi brewer's yeast ang pinagmulan, kundi malt ang source ng inumin. Kung ikaw ay lasingerong tulad ko, tiyak maninibago ka, pero swak na rin sa panlasa. Mabuti na ang meron kesa sa wala, kaya pinag-aralan kong makuntento habang maaga pa. Problema nga lang hindi ka malalasing. Kung tatamaan ka man, sigurado akong hindi 'yun sa alak nangggaling. Dahil lasing ka sa nagasto mong inumin.

Sari-saring brands ng yosi ang makikita mo. Syempre di mawawala ang nakasanayan nating si Pareng Marlboro at Phillip Morris. Katabi nito sina Ginoong Davidoff at Dunhill. Iilan lang 'to sa mga brands ng sigarilyong bubungad sa'yo. Dati-rati'y si Pareng Marlboro ang aking kapiling subalit ngayon nag-iba ang ihip ng hangin. Opo, nakakapag-yosi ako rito mahal kong Inay. Huwag ako ang pagagalitan… Ibuntong mo ang galit sa Saudi, at subukang mag-rally sa harap ng embassy na gawing legal ang alak dito sa Saudi. J

Isang araw nagkataong wala si Pareng Marlboro, kaya si Ginoong Davidoff ang aking sinubukan. Ayos ang feeling sa lalamunan, "ultra light" nga ang iyong mararanasan. Matapang kasi at tila lagi akong uhaw pag si pula ang aking natitikman. Dito ko napatunayan na sa yosi 'andaming matitigas ang ulong kagaya ko. Tila walang epekto ang "Government / Health Warning", at lalong di napapansin ang iba't-ibang naidudulot na sakit at sa mga nakakadiring larawang nakadikit. Hindi ko naman ito sinasawalang bahala, alam kung ito ay masama kaya nga moderate lang ang aking paghihithit-buga.

•ŠLŸ•

9 comments:

Jam said...

Mas mganda kung shisha hahaha..medyo sosyal kya mag mumukha kng bwakaw sa usok hahaha..musta po napadaan lang at salamt din sa pag daan sa blog ko..

RJ said...

[(Ngayon ko lang nalamang nagyu-yosi ka pala...)]

Uhmn... magkano ba ang isang paketeng 'pula' diyan? Dito sa Au napakamahal ng sigarilyo, average ng Au$20/pack.

May 'sin taxes' ba diyan sa KSA?

SLY said...

[JAm] ita-try ko pa yung shisha, sabi nila nakakahilo raw :) nasa maakayanan ko hehehe

[RJ] tagal na akong ngyoyosi dok, di nga lang sa publiko kaya di mo pa ko kita during our college days, at hindi tayo nakapag-1-on-1 sa inuman. nagyoyosi ako lalo na paglasing hehehe

walang tax, yan ang ikinaganda rito. sais lang ati ang isang pakete, ngayon siete na :(

abe mulong caracas said...

sige lang yosi lang bro...

teka lang magkakila kayo doc sly and doc rj?

galing ah, dalawang vet!

DRAKE said...

Buti na lang natigil ko na ang paninigarilyo kaya di na ako gaanong humihitit nyan (katol na lang)

Add na kita sa blogroll ko pre!ingat lagi!

isladenebz said...

BI. Isa kang BI sa mga batang mambabasa mo (na kagaya ko!).

Matagal ko nang gustong iwan ang kaadikan ko sa suba. Kaso habang gusto kong pigilan, lalo naman akong nag-e-enjoy. Panakaw pa nga minsan dahil bawal dito sa office. E alam mo naman kapag bawal di ba, mas masarap gawin...

I'm including you in my list of Saudi-based bloggers. Magbasa muna ako sandali sa bahay mo.

SLY said...

[ABE mULONG] schoolmate kami ni doc rj bro, idolo namin yan sa college! institusyon namin yan (tama ba na gawing gurang si doc, hehe bro lang po).

[DRAKE] lakas ba amats ng katol parekoy? masubukan nga rin yan minsan.. salamat sa pag-add mo sa akin :)

[ISLADENEBZ] naks, buti po napadaan kayo sa aking tahanang bagong gawa. nagagalak ako at nababasa nyo ang entries ko, lalong-lalo na kapag mga PEBA awardees ang bumibisita. maraming salamat po!

Jepoy said...

Sir Maraming Salamats sa pag follow sa walang kakwenta kwenta kong blog. At dahil dun meron kang premyo sakin. Ito ay ang aking friendship at add narin kita sa kokonting taong inaadd ko sa blog roll ko. (GUmaganown)

God Bless!

SLY said...

[JEPOY] at talagang "Sir" ang tawag sa akin, nagmukha tuloy akong kagalang-galang. sana mapapadalas ang inyong pagbibisita :)