Tuesday, January 26

Just married: 10 years validity



Napangisi ako at sabay iling nang makita ko sa GMA News ang balita hinggil sa proposal ng mga kababaehan na ipasa bilang batas ang marriage with expiration date. Sampung taon ang itatagal ng kontrata. Kung sa tingin ninyo'y kayong dalawa ang itinadhana para sa isa't-isa, i-renew at pagtibayin pang lalo ang inyong pagsasama. Sounds cool di ba? Para ka lang namili ng isang kagamitan na kung ayaw mo na at may nakita kang mas kaaya-aya, ay iiwan mo siya. Pero konting pasensya at tiis nga lang, dahil sampung taon pa ang gugugulin para makasama ang bagong mamahalin.

Ang panukalang ito ay pakana ng 1-Ako Babaeng Astig Aasenso o 1-ABAA. Adbokasiya ng makakaliwang grupo, este partylist group pala na hikayatin ang bawat babae na maging bukas sa larangan ng negosyo, magkaroon ng magandang trabaho, at sa paraan na sila'y maging stable sa pananalapi.

Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging konserbatibo, lalong-lalo na karamihan sa atin ay mga katoliko. Sa tingin n'yo ba'y makakalusot ang probisyong katulad nito? Bilang isang kristyano, ipinamulat sa akin na sagradong maituturing ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Ipinangako ng bawat isa na walang makapaghihiwalay sa hirap man o ginhawa, at hanggang sa malagutan man sila ng hininga (ganun talaga, always tragic ang ending).

Alam kong 'di ako bihasa sa mga paksang gaya nito, sino ba naman ako para manghusga at pumuna gayong 'di ko pa nararanasan ang makapag-asawa. Pero sa mura kong kaisipan (naks! feeling virgin…), nakakabaliw ang panukalang ito. Hindi ko lubos maisip na sa hinaharap ay papalit-palit ako ng misis. Hindi ba pwedeng punan na lang ng pang-unawa at pagtitiis, kapag may mga bagay na sa tingin mo'y hindi kanais-nais? Talagang hindi perpekto ang pagsasama ng mag-asawa, parte ito ng buhay para ang inyong relasyon ay lalong tumibay. Kaya bago magpatali sa inyong mga dyowa, pag-isipan ng maigi kung ika'y handang-handa na nga bang talaga!

•ŠLŸ•

15 comments:

Jepoy said...

Hindi ako sa agree sa panukalang iyan! Anu yan car registration merong expiration date. Parang tanga lang! nakakahiya sa ibang bansa naturingan pa man din tayong Christian Nation. I hate it (di naman ako galit, nag eexplain lang)

DRAKE said...

Isa lang ang ibig sabihin nyan.... Kinokonsintente natin ang kasalanan, kaya lalong sumasama ang tao.

Hays pero on the other hand baka magamit ko rin yan pag nag-asawan na ako, kaya ayaw kong magsalita ng tapos!hahaha

Jam said...

Slyyy..la lang ako man natawa nung binabasa ko tong post mo na to..ibang klase talaga mga pinoy lahat ng imposible minamagic at ginagawang posible..at kung mangyayari yan e di dagdag populasyon na naman db nila naiicip un..hayyy ewan gudlak na lang sa kanila..Grabe..anyway nice post..TC

SLY said...

[JEPOY] kaya nga todo react din ang CBCP sa isyung ito. lalong ginugulo ng grupong ito ang buhay ng mga tao..

oo, di ka nga galit :)

[DRAKE]parekoy baka bubuo ka din ng grupo? tatawagin nating 1-AKO LALAKING ASTIG AABUSO hehehe

[JAm] salamat sa komentong nice ang post ko. nakakataba ng puso kung sawi.. (lapit na kasi balentyns!)

iresh said...

Naks! laglag panga ko sa blog mo na'to. hihihi....But you are right! :)

isladenebz said...

Natawa ako sa news. But come to think of it. Meron din naman sigurong redeeming value ang panukalang yun. May mas maraming babae ang (tingin ko lang to ha, walang basehan) gustong humiwalay sa lalaki lalo na kung hindi rin naman ito faithful at tamad sa bahay. Dito sa panukalang ito, kaya nga siguro babae ang nag-sponsor e dahil nakikita nila na sa loob ng isang kasal, mas maraming sakripisyo ang mga asawang babae kesa asawang lalaki.

This should serve as an eye opener to men.

RJ said...

Kung hindi labag sa Banal na Kasulatan ang panukalang ito, susuporta ako. Isa kasi ako sa mga taong mabilis magsawa, lalo na sa trabaho. Gusto ko palaging may bago. Honestly, iniuugnay ko ang trait kong ito pagdating sa pag-aasawa- baka magsawa rin ako.

Anonymous said...

Sana marami pang lalaki katulad mo. This is the main reason kaya magulo ang buhay - ung mali ipinaglalaban at ang batas ng Diyos, kinakalimutan. To each his own and any wrongdoing we do has its consequence so good luck na lang sa mga supporters ng bill na ito.
Nice post!

SLY said...

[IRESH] nakapag-c0mment ka ngayon ah?! hehe happy birthday tatits!

[ISALADENEBZ] oo nga no, babae ang madalas nagsasakripisyo..bat di ko naisip agad yun?! sana nga magising na ang mga lalaking nakikipaglokohan lang sa kanilang asawa. they should stand up and take the responsibility being the head of the family..yan ang totoong lalaki! :)

[RJ] naku doc pareho tayo ng sakit, madaling magsawa..wag naman sana pati sa pag-aasawa

[ANONYmOUS] TY po sa komento. mas maigi po sanang makilala ko kayo nang makapagpasalmat ng lubusan.

Kosa said...

para maiba naman...

ako eh hindi pabor dito... Kung pabor man ako dito eh bakit hindi nalang kaya Divorse ang isabatas?

Opo, isa tayo sa iilang bansa sa mundo na may malalim na paniniwala sa kristyanismo... at isa nalang din tayo sa bansa na wala "pang" legal na batas na pumapayag sa divorse.

imbes na parubahan to,
Divorse nalang ang ipasa!
parang ganun din yun!

naniniwala kase ako na ang isang mag-asawa na hindi na masaya sa isat isa eh may karapatang lumaya.

yun lang po..
vowwwww..
(peace:D)

princess aves said...

"Hindi ko lubos maisip na sa hinaharap ay papalit-palit ako ng misis." Haha. Hindi ko rin ma-imagine t.sly;o)

Mahirap ngang magsalita laluna wala tayo sa sitwasyon. Pero buti na lang may mga halimbawa tayo na nagpapatatag ng paniniwala natin na ang tinatawag na "wagas na pag-ibig" (yay!;o) ay hindi isang idealism lang.

Madalas kasi, binabase natin ang pag-ibig sa kung ano lang yung nararamdaman natin. Nakakalimutan natin na hindi ito ang ultimate na sukatan.

Sa buhay, may mga bagay at desisyon tayo na hindi pwede ang trial and error;o)

SLY said...

[KOSA] ganyan din ang reaksyon ni Sen. Pimentel, di nga daw napag-uusapan ang diborsyo..iyong marriage expiration pa kaya.

ingat.

[PRINCESS AVES] buti napadaan ka uli jean. mUkhang ekspert na sa larangan ng pag-ibig ah? kwento ka naman dyan, hehehe.

God bless!

princess aves said...

haha. expert? hindi ako;o) pero may sarili akong pananaw pagdating dyan... pananaw na nare-refine ng panahon. hayaan mo magsusulat ako nito balang araw;o)

BlogusVox said...

Sa isang banda, ang panukalang ito ay praktikal at makabuluhan.

Hindi na magiging ipokrito ang mag-asawang hindi natutulog sa isang kama. Maiiwasan na ang habang-buhay na pighati at kumukulong damdamin na kung minsan ay napupunta sa karahasan.

Gasino ba naming e-renew ang kontrata sa mag-asawang totoong nagmamahalan.

SLY said...

[PRINCESS AVES] go! go! go jean! sulat ka na, now na!

[BLOGUSVOX] maraming salamat sa opinyon kabayan.. baka iiba din ang pananaw ko kung magkaka-asawa na ako. babalikan ko ang isyung ito para ipamahagi sa inyo :)

ingat!