Monday, February 1

ROSAS, walang kupas


Anak ng putakti! Buwan na ng Pebrero… ibig sabihin putukan blues na naman! Este balentyns dey pala. Magsusulputan na naman na parang kabute ang mga bagay-bagay na korteng puso. S'yempre always present ang nakakatabang tsokolate at keyk na hugis puso. Ume-epal din ang mga naglalakihang stuffed toys na kung hindi man heart-shaped, e may nakaburda namang "I Love You.. blah.. blah.. blah!#$%&@". At eto pa, mawawala ba naman sa eksena ang paboritong binibigay tuwing araw ng mga puso – ang sariwa at malalagong bulaklak gaya ng mga rosas. Putik! Sariwa at malalagong bulaklak? Hindi rosas ang naiisip ko, pero kakaibang bulaklak nga lang ito…oppsss.

 Teka mabalik na tayo sa usapang rosas, baka tuluyang mawalan ng mambabasa ang naghihingalo kong blog. Dahil interesado ako sa mga rosas (kahit na wala naman akong pakabigyan), minabuti kong alamin kung ano ang istoryang bumabalot sa iba't-ibang mga kulay nito. At dito ko nalaman na hindi lang pala sa kulay ng rosas may kabuluhan, pati ang bilang nito ay may kahulugan. Gustuhin ko mang isalin sa tagalog ang bawat kahulugan, inunahan ako ng takot at baka 'di ko mabigyang wasto ang ibig sabihin. Baka ako pa ang sisisihin kapag palpak 'yung naibigay kong meaning. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, heto na sila:

 
Color of Roses
RED – Love, Romance, Respect, Courage and Passion
WHITE - Purity, Innocence, Sympathy, Secrecy and Worthiness
PINK – Love, Gratitude, Elegance and Appreciation
YELLOW – Freedom, Joy, Friendship and Get Well
ORANGE – Passion, Desire, Enthusiasm and Fascination
LAVENDER – Love at first sight, Enchantment and majesty

Number of Roses
1 – Love at first sight; You are the one
2 - mutual love, deeply in love with one another
3 – I love you
6 – I wanna be yours
7 – I'm infatuated with you
9 – An eternal love, together as long as we live
11 – You are my treasured one; The one I love most in my life
12 – Be my steady
13 – Secret admirer
15 – I am truly sorry, please forgive me
20 – Believe me, I am sincere towards you
21 – I am devoted to you
24 – Can't stop thinking about you, 24 hours everyday
33 – Saying "I Love You" with great affection
36 – I will remember our romantic moments
40 – my love for you is genuine
50 – Regretless love, this is
99 – I will love you for as long as I live
100 – Harmoniously together in a century
101 – You are my one and only love
108 – Please marry me
365 – Can't stop thinking about you, each and everyday
999 – Everlasting and eternal love

Sa mga loverboys, may ideya na kayo kung anong kulay at ilang rosas ang dapat ibigay sa mga minamahal. Kaya siguro hindi ako sinasagot ng aking nililigawan ay dahil sa kulay at bilang ng rosas ay wala akong pakialam. Malay ko bang merong mga kaek-ekang gaya nito, disin sana'y nagka-syota na ako! Lintik! Tae! Ano?! Ako..Bitter Ocampo? HINDI ah, kool pa ako!!!!

•ŠLŸ•
Sources: http://www.proflowers.com/; http://www.loveletterbox.com/; google

11 comments:

Jam said...

Sly para namang biyernes santo ang description mo para sa valentine mo hahaha..wala ka kamong pagbigyan ng roses pede mong ipadala skin tutal baka 1st time kong mktanngap ng roses sa Valentine nyahahaha...Idaan mo na lang sa Shisha ang Valentine..TC

kayedee said...

wow valentines n nman pla!tsk!
i thnk wla nman yan s kulay or bilang ng roses e.. kc pra s mga babae masarap at msya ang mkatanggap ng bulaklak =)

SLY said...

[JAM] hahaha! halata ba ang pagka-bitter ocampo ko? hayaan mo kapag may budget padadala ko at magpapaka-high ako sa shisha sa araw ng mga puso.

[KAYEDEE] oo balentyns na :) panahon na para i-pressure ang dyowa hahaha

salamat sa dalaw.

Kosa said...

Tingin ko parekoy, kahit mga babae, iilan ang nKakaalam nyan... Hahaha
salamat sa pamamahagi!!

RJ said...

Huhmn!

At sino naman kaya ang nagbigay ng kahulugan sa mga ito?! Sa tingin ko mga businessmen (taga flower shop)! Hindi kasama kung ano ang meaning ng 4 at 5 roses.

Sino kaya sa mundong ito ang nakapagbigay na ng 999 roses sa isang tao?

Dami kong tanong, tama na nga 'to.

SLY said...

[KOSA] kaya um-order na ng dose-dosena para sa iyong sinisinta.

nakapag-reply na ba si sunshine? wahaha tsismoso..

SLY said...

[RJ] doc, wag ako ang pagbalingan sa iyong mga katanungan, talagang di ko masasagot yan. wahahaha

tingin ko nga din pauso lang ito ng mga flowershop owners, nang makapagbenta sila ng bongga!

999 roses? napapanood ko 'to sa mga pelikula. 'di ko lang alam kung may nagbibigay din nito sa totoong buhay.

DRAKE said...

Mas maganda yung rosas na gawa sa panty, Lalong mas maganda yun rosas na nasa likod ng panty!

BASTOS MO DRAKE!!! BEHAVE!!!!

Ingat

SLY said...

[DRAKE] Rosas ba na iba ang kanyang halimuyak? At tinutubuan ng damo sa paligid?

Eeewww drake, bastos! Di ko nga naisip yan habang ginagawa ko ang paksang ito (biglang kumulog, pero walang kidlat!).. Bwahaha

ingat din sila sa'yo!

Jepoy said...

Napaka informative ng iyong post :-D

SLY said...

[JEPOY] informative? ngayon lang yan parekoy, sineseryoso ko kasi kung pano ko mapapasagot ang nililigawan ko. nyahaha

sana nakatulong ako sa mga mambabasa :)