Friday, February 5

Seryoso ako, peksman!


Akala ko hindi na darating ang araw na ako'y magpapaka-cheesy, pero andito ako ngayon kahit sabihin ng iba na ako'y horny corny. Tunay ngang kakaiba pagtimaan ka ng pag-ibig, at pinatindi pa lalo dahil nalalapit na ang araw ng mga puson puso! Kaya sa araw ding ito, gusto kong ibahagi ang sulat na ginawa ko para ipakitang nagkaka-lovelife din ang isang tulad ko. Hehehe

-=oOo=-

 
Mahal kong AheM,

 
Noong araw na tayo'y unang nagkita ay hanggang "Hi" at "Hello" lang ang inabot ko, at sabay hawak na rin sa iyong kamay para makipagkilala sa iyo (isip ko, kahit man lang sa pamamagitan ng kamay ay makapag-tsansing ako! Hehe). Pagkatapos ng insidenteng 'yon, wala na. Para na lamang akong estatwa sa MOA (mall of asia) na nasa tabi at hindi makapagsalita. Kung may boses man, "Oo", "Hindi" at "Ganun ba?" lang ang mga salitang nabubuo sa bibig ko. Sa madaling salita, hinayaan lang kitang makawala.

 
Buti na lang mabait si Mister Kupido dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkita uli tayo. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kuntodo pa-cute at pa-demure ang inabot at pinakita ko para masigurong mapansin mo lang ako (Nagawa ko 'yun sa ngalan ng pagmamahal, kahit magmukha pa akong engot at abnormal. Litsugas na pag-ibig yan!). 'Di kalaunan ang pa-tweetums ay nauwi sa seryosong usapan. Hanggang umabot sa puntong gusto na kitang ligawan. Halo-halo ang naramdaman habang inaantay ang sagot sa aking katanungan. At para akong nabunutan ng tinik sa pwetan nang sinabi mong "okey lang".

 
Araw-araw kang nasa isipan ko. Nag-aabang na kahit saglit ako'y i-PM (private messaging sa YM) man lang. Kaya minsan kinukulit kita kahit alam kong nadidistorbo ka na (Selfish ba? Wala naman akong panindang isda. Putik ang korni!). Pasensiya na kung minsan ako'y gumagawa ng eksena, ganito lang ako magpakita ng pagmamahal sa aking sinisinta.

 
Ano ba ang dapat gawin para mapaniwala ka na ang pag-ibig ko'y totoo at hindi pambobola kagaya ng iyong inaakala? Kaya ko ginawa ang sulat na ito ay upang ipakita ang tunay na saloobin ko. Hindi man sapat para masagot lahat ng pag-aalinlangang gumugulo sa iyong isipan, nawa'y nagsilbi itong daan para maisiwalat sa'yo ang tunay kong nararamdaman. Seryoso ako, peksman! Tamaan man ng kidlat si Superman.

Nagmamahal,
eSeM

14 comments:

Jepoy said...

Base!

Ang Cheesyness naman ni Doc!

Ganun talaga pag inlabo kahit PM lang sa YM eh masayang masaya na. Pero madalas ayaw nilang mag PM deadma ka sa banga ngayon. Hehehe

Sana mabasa nya ang sulat mong ito na napaka cheese balls :-D

RJ said...

Lagyan mo na 'yan ng tunay niyang pangalan, baka sabihin niya mahina ang loob mo; at para malaman na rin niyang para sa kanya talaga ang liham-pag-ibig mong ito.

Huwag mong sabihing Meha ang name niya, binaliktad na Ahem. o",)

Kumusta naman ang paghahanda ng mga malls ng Riyadh sa nalalapit na Valentine's Day, Sly?

Francesca said...

the heart dictates, sino ang makakapigil? lol

nanonood ka rin ba ng korean telenobela???

Kosa said...

Hahaha.
taena.. ganyan ba talaga ang nagmamahal? Baduy na baduy!
peace:D

_________

goodluck goodluck sa panliligaw. goodluck sa lablayf atbp.

_________

sana magreply sya (kung nabasa nya talaga tong sulat mo)

DRAKE said...

Halata pa ring NAMBOBOLA ka lang!hahaha

Style mo bulok!!

Teka Vet ka? Vet ka ng camel ba dyan? Alam ko kasi sa saudi walang mahilig sa mga hayop? Kaya nagtataka lang ako pre!

Ingat bro

SLY said...

[JEPOY]
base din!

'di ko na pinalampas ang pagkakataon, ngayon lang ako magpaka-keso! hehehe

[RJ]
hindi pa ako nakapag-malling ngayon doc. sa tingin ko wala silang puso day dito. bagay lang naman kasi karamihan wlang mga puso ang mga tga-rito! nyahaha

ok, ialalgay ko ang kanyang tunay na pangalan :)

[FRANCESCA]
tama po kayo, kung ano ang sinisigaw ng puso wala ka ng magagwa kundi sundi ito..hmmm
kanta yun ah?

salamat po sa dalaw. tc.

SLY said...

[KOSA]
oo tama ganito talaga ang mainlab kosa, baduy na baduy. at talagang kailangan ko ang good luck na yan :)

[DRAKE]
hahaha loko ka parekoy! nambobola ba ang dating ng sulat ko? pagbigyan mo na lang ako, kahit ngayong pebrero lang...hehe

oo vet nga ako, mas kailangan nga nila dito ng vet e. kasi pati sila mga asal-hayop din!

kayedee said...

akla ko ba sabi mo lahat ng blogger eh inlab maliban sau! tsk. tsk. inlab din pla e! ahahah..

cgurdong pasado ka sa lab letter u dont wori =)

Jam said...

Bakit c Superman ang gusto mong tamaan ng kidlat db dapat ikaw kc ikaw ung sumumpa hahaha! Naks! inlove ka rin pala ha..

SLY said...

[KAYEDEE]
wahaha nakahabol lang, kala ko tagtuyot ang puso ko :)

[JAM]
si superman kasi walang kamatayan.. ayoko itaya ang buhay ko, e di wala na akong lablyf nun?
hapi puso :)

BlogusVox said...

Unang-una, nagbabasa ba sya ng blog mo? Pangalawa, seryoso ka nga ba? Kung ang sagot ay dalawang oo, abay seryosohin mo ang pagsusulat para maniwala sya sayo. Kesihudang makantyawan kang "cheessy". Ganyan naman talaga ang umiibig, parang loko-loko. >: D

SLY said...

[BLOGUSVOX]
binigyan ko po ng link para mabasa nya :) salamat po sa advice..

isladenebz said...

Tell her. Maniwala ka kay Celine.

Sabi nya (siempre medyo ni-revise ko ung pronoun):

Tell her
Tell her that the sun and moon
Rise in her eyes
Reach out to her
And whisper
Tender words so soft and sweet
Hold her close to feel her heart beat
Love will be the gift you give yourself.

SLY said...

napakanta ako dun ah, sintunado nga lang hehehe

balik-balik kabayan!