Simpleng eskwelahan lang ang aking pinapasukan. Simple pero may ipinagmamayabang
" For 1-1 (ibig sabihin 1st year – section 1), both sides of the road from gymnasium up to the post office. Including the pathways and the hedges." Hindi ito ang bagong panata tuwing sinakulo. At lalong-lalo nang hindi ito dasal ng isang albularyo. Ito ang laging binabanggit ni G. Manmano tuwing sasapit ang araw ng classwork. Kapag may paparating na isang importanteng opisyal, classwork! Kapag bisita'y taga ibang eskwelahan, classwork! Kapag may dadalaw na mga pulitiko, classwork! Buwan-buwan na lang may classwork!
Dito nag-umpisa ang phobia ko sa mga pulitiko (politicophobia). Takot at nginig ang nararamdaman ko. Natatakot na kung ilang dipa na naman ang lilinisin ko at nanginginig kung kakayanin ko ba ito. Biglang napasok ang "Game KNB?" musical scoring, at sabay banggit ni Edu, "DAMO, Game ka na ba?". Kung bakit naman kasi ipinagpapaalam pa kung may bisitang paparating, at hindi na lang nila gawing surprise visit nang sa ganun ay ligtas kami sa classwork? Pero okey na rin dahil dito unang gumana ang utak ko. Dahil hanggang ngayo'y malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit naimbento pa ang mga damo! At kasalukuyang naghahanap ng dahilan kung bakit kahit saan-saan lang sumusulpot ang mga ito! 'Langyang mga damo kayo!
3 comments:
Haha - definitely did not miss classwork sessions.
Nakakatakot maglinis sa gilid ng school building, sa may mga puno ng gemilina. Literal na pugad ng ahas at kung anu-ano pang bungo ang mahuhukay mo. Ala namang tao. Hehe...
Post a Comment