Sunday, November 29

Birthmark sa Wetpu!



Malas! Ito ang karaniwang maririnig mo kapag hindi nakuha ng isang tao ang gusto niya o may nangyari sa kanyang hindi maganda. Yung tipong, nagmamadali ka papuntang trabaho kasi late na at bigla na lang na-flat ang gulong ng sinasakyan mong jeep. Pagkatapos sabay tingin sa mga katabi at iisipin kung sino ba sa kanila ang may balat sa puwet?

Tumpak! Balat sa puwet! Ano bang nagagawa nito at siya ang laging pinagbubuntungan ng sisi kapag may nangyayaring 'di kanais-nais? At bakit balat ang hinahanap at hindi taghiyawat, kulugo, pigsa o peklat? At sa dinami-dami ng parte ng ating katawan, bakit sa puwet pa? Ewan! Sumasakit ulo ko, sino ba kasi nagpauso ng pamahiing ito?

Ano ba talagang meron sa birthmark? Ito ba'y nakakagawa ng ispesyal na enerhiya para mapalitan ang kaswertehan ng kamalasan? Hay, nakakaawang balat, walang kamuwang-muwang na siya ang pinagdidiskitahan pag may nangyaring nakakagulantang. Kung pagninilayan ng mabuti mas dapat pagtuunan ng pansin natin ang ating mga sarili. Sapagkat tayo ang gumagawa at nagdedesisyon sa bawat araw nating ina-aksyon.. Hind ba't mas nakakagaan sa kalooban at kay sarap tanggapin na may araw talagang hindi para sa atin? Kung anuman ang maging kahihinatnan, tayo ang may sala at hindi ang kaawa-awang balat ni Juan na nasa puwetan.

4 comments:

jean said...

naloka ako sa picture! haha

darius said...

kaya pala mabaho sa middle east lalo na sa south area...diba najan ka sly?

SLY said...

[jean] pati ako naaliw din sa pic nung una ko tong nakita, hehe
[darius] no comment ako diyan dar. baka kasi may mga translators ang mga arabo at maintindihan nila ito..haha

Rebecca said...

hehehe