Thursday, December 10

Simbang Gabi


Tuwing naririnig ko ang salitang "Pasko", nasasagi agad sa isip ko ang salitang bakasyon. Hindi na mahalaga sa akin kung may matatanggap ba akong regalo, o kung meron kaming maihahanda kapag sasapit ang araw na ito. Mas importante sa akin na makapag-bakasyon, 'yun bang wala kang ina-alalang trabaho bagkos puro na lang kasiyahan ang inaatupag mo. Syempre di naman lahat puro kabulastugan lang gagawin mo, andyan din yung panata mo taon-taon na kukumpletuhin ang simbang gabi!


Sa tanda kong ito, mabibilang lang sa aking mga daliri ang pagiging perfect attendance pagsapit ng simbang-gabi (baka nga 'di pa umabot sa limang beses). Kung basehan pa ito ng marka sa eskwelahan, siguradong lagpak ang aabutin ko. Napakadaling isipin pero talagang napakahirap gawin. Habang patanda ka ng patanda, mas lalo kong napapansin na kayhirap nang tuparin. Ewan ko ba, 'di ko maipaliwanag. Malamang kulang lang ako ng words of encouragement, at napapanahon na para palitan ang istilo kong bulok.

Alam kong masama ang may pinupuna kapag nasa loob ng simbahan, pero 'di ko maiwasan na mapalingon sa paligid paminsan-minsan. Instinct ko na 'yan kaya huwag mo ng pagdiskitahan! Andyan 'yung eksenang napapatulog si ale habang nagmimisa, na sa unang tingin akala mo'y taimtim na nagdarasal kasi may pikit to the max pang nalalaman. 'Di rin mawawala sa eksena ang mga magsing-irog na wala ng ginawa kundi ang magharutan, kulang na lang gawing parke ang lugar ng simbahan. Sige na nga, guilty na kung guilty! At least aminado akong mali ako, kaya slight lang pagkakasala ko… Peace Bro!


Aktib si ermat kapag simbang-gabi, tipong nasasaniban ng mga sari-saring superheroes. Kasi kailangan niya sa puntong ito ang mga matitinding superpowers para gisingin ang isang super villain at ang super-lasing na tulad ko. Opo, kadalasan ako'y lasing pagsapit ng disyembre. Para sa akin hindi bakasyon ang tawag kapag walang inuman. Mawala na ang regalo't mga paputok, basta ba may nakareserbang serbesa! Dahilan ko ma'y baluktot, hayaang kayo na lang ang mamaluktot! J

Pero sa estado ng buhay ko ngayon dito sa disyerto, malamang ito ang mga bagay na hindi ko muna maisasakatuparan. Madalas mang nauuna ang puro kasiyahan, ngunit hindi naisasan-tabi ang laging turo ni ermat sa totoong kabuluhan ng kapaskuhan. Ito ay ang diwa ng pagmamahalan, pagbibigayan at ang kapanganakan ng ating Poong Maykapal. Maligayang pasko kabayan!

•ŠLŸ•

6 comments:

jean said...

maligayang pasko din sa yo tito sly! mami-miss ka namin sa pasko;o)

Rebecca said...

Merry Christmas!!! did you take the photos?

SLY said...

[jean] oo nga, absent ako ngayon sa reunion.. first time! babawi na lang sa susunod. maligayang pasko din!
[rebecca] nakita ko lang ang pic sa google, walang nakasulat kung kanino e kaya di ko napasalamatan, hehe. merry christmas!

johx said...

islay .. maligayang bati ngayong kapaskuhan .. tama ba? .. merry christmas .. walang christmas dyan :( .. just celebrate it by heart .. yngatz dyan

SLY said...

[joh] tama ka, ipagdiwang ng taimtim ang kapaskuhan..naks (tagalog na tagalog)

RJ said...

Mahirap ang culture sa KSA, ano? Walang Simbang Gabi. Pakiramdam ko, kahit di mo aminin, nami-miss mo ang 9 mornings. o",)

Sa tono ang post mo, dama ang diwa ng Pasko, at sigurado akong naipagdiwang mo ito ng masaya- yong sayang pasado sa (inilalarawan mo ritong) standards mo. U