Tuesday, December 22

Ninong, namamasko po!



Kapag parating na ang "BER" months, isa na itong hudyat na ang kapaskuhan ay papalapit na. Simula na para marinig muli ang mga pamaskong kanta at ang mahiwagang tinig ni Jose Marie Chan. Panahon na rin para halukayin ang nakabaong Christmas tree at mga dekorasyon. At oras na para ihanda ang sarili sa todo-todong kainan at kasiyahan! Maliban sa mga ito, oras na rin para mag-ipon ng todo para paglaanan ang mga aguinaldong kakailanganin sa mga inaanak na iyong haharapin.

Nasa isang dosena lang naman 'ata ang mga inaanak ko, partial and unofficial list yan. O di ba, parang halalan na?! Malay mo may mga bugos ka rin palang inaanak, mahirap ng masalisihan! Ano nga bang regalo ang nararapat para sa isang inaanak? Minsan sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung ano nga ba ang magandang bagay na pwedeng ibigay. Kaya kadalasa'y nauuwi na lang sa pera ang ibinibigay. Tag-lilimang daan bawat isa, samakatuwid, anim na libo ang madadali sa'yo sa doseng mga bata kung pera ang gawing aquinaldo.

Bakit limang daan? Ba't hindi na lang gawing isang daan? (Kasi mayabang ako at mataas ang pride ko!) Kasi ayokong makarinig ng pamaskong himig na ang litanya ay, "Thank you! Thank you! Ang babarat ninyo! Thank you!". Ngayon gets mo na? hehehe. Pero seryosong usapan, kakarampot na lang ang mabibili ng isang daan. Tumataas ang presyo ng mga bilihin, kaya dapat taasan na rin ang perang regalo ngayon. Nakakapanghina man at kadalasa'y nakakabutas ng bulsa, ngunit hindi naman masusuklian ang ngiti, saya at pagmamahal na naibibigay ng mga batang itinuturing kang pangalawang ama.

•ŠLŸ•

BABALA: Sa mga magulang na plano ako gawing ninong, hanggang bente lang ang quota na kaya ko. Sa mga barkadang kakapanganak lang - first come, first serve ito, kaya tawag na ng makareserba! Ho! Ho! Ho!

6 comments:

Rebecca said...

In that case do you know ninong ka ni Eliana? Hahaha. Since kids grow so fast I think it's good to give clothes ;)

SLY said...

[rebecca] hello inaanak eliana! hayaan mo, bibili si ninong ng large size shirt para hanggang pagtanda masusuot pa din. hehe

Rebecca said...

Cash na lang!!!!! Hahaha

SLY said...

[rebecca] naku! wala na pong bawian.. nakabudget na, hahaha.

Rebecca said...

I guess we have to more specific next time :( Well... I'll make her wear the shirt and send you a picture... I'll make sure maaawa ka to send a smaller one! HAHAHA

johanna said...

hahaha .. islay pag ipunan mo na rin in advance .. advance call na ito .. pag nag ka baby ako ninong ka .. ahahaha ..