Thursday, April 8

kongrats!

Adik: Sino siya? Ito ba 'yong tinutukoy mong "siya"?
Ako: Hindi.
Adik: Ah, kapatid mo?
Ako: Hindi rin.
Adik: Alam ko na, kabit mo!
Ako: Lalong hindi! Good boy kaya ako..
Adik: E sino ito? Tatay mo? Bago siya nagpa-sex change?
Ako: Ogag! Hwag mo lulukohin si erpat at baka dadalawin ka pagtulog mo.
Adik: Ok lang 'yun tol, di naman ako natutulog. Kaya pakisabi pwede siyang dumalaw kahit ako'y gising. Baka trip nya maki-session at maranasang makapunta sa heaven.
Ako: Ulol! Nasa heaven na siya, adik!
Adik: E di ayos kung ganun! Kita-kits na lang kami doon.
Ako: Oo, gawin nyong katropa si san pedro <*inis*>.
Adik: Teka, Mabalik na nga lang tayo sa larawang ito.. Sino ba talaga siya?
Ako: Ba't ba atat na atat kang malaman kung sino siya?
Adik: Tae ka! Kaw pala ang adik e. Anong silbi ng larawang ito sa blog mo kung di mo ipapakilala? Bwisit!
Adik: Huh! Tuwid pa pala pag-iisip mo? Sige na nga at baka mapatay pa kita.
Adik: Fine, im listening. Be sure that its a good one.
Ako: (Leche! Umi-ingles pa!).

Siya si Eugenie Marie. Eugie sa kanyang mga malalapit na kabarkada, kapamilya, kapuso at ka-shake na ngayon ay kapatid na pala. BRU ang tawag ko sa kanya, short for bruha! Siya ang kaisa-isa kong pamangkin na babae, sa ngayon. Di lang ako 100% sure baka kasi nangapitbahay ang mga kapatid kong matutulis na parang mga pulis. Hehehe.

Gagradweyt na si Bru ngayong April10 sa kursong Nursing. Kaya naman siya ang napili kong gawing bida sa pahinang ito, pambawi ko dahil wala akong maibibigay na regalo sa kanya. Tsaka na lang kung nakapagtrabaho na siya at nagkasweldo. Tiyak hindi na niya kailangan ang regalong ipinangako ko.

Bigla ko tuloy naramdamang tumatanda na ako. Naaalala ko kasi yung mga panahong sinasama ko siya sa eskwelahan. Naaalala ang itsura nyang puro galis, gusgusin at ang ilong na may pumupilit na sumisilip. Yucks! Eewww to the Nth power! Hindi mo akalain na gaganda din pala ang itsura ng bruhang bata. Totoo pala talagang may himala! Bwahaha!

Ngayong gagradweyt ka na BRU, mas lalo mong pag-iibayuhin ang pag-aaral. Hindi purke't wala ka na sa paaralan ay tigil na rin ang pangangalap ng karunungan. Hindi dito nagtatapos ang kabanata ng iyong buhay, bagkus ito ang simula ng landas na iyong tatahakin. Dito ang unang hakbang kung saan ka ipapasyal ng iyong kursong napag-aralan. Mga hakbang na tutulong sayo para makamit ang pinakamimithi mong mga pangarap.

Laging tandaan na hindi lahat ng iyong paglalakbay ay maaliwalas ang panahon. Paminsan-minsan ay may mga unos at bagyo ring makakasalubong. Paghandaan ang trahedyang kagaya nito, dahil mahirap muli ang bumangon kapag di ka handa. Huwag maging makasarili. Kung ikaw ay napada, huwag mahiyang humingi ng tulong sa iba. Tama ang kasabihan, no man is an island. Talagang hindi pwedeng maging isla ang tao. Korni!

Ang panghuli, laging magpasalamat sa ating Maykapal. Siya ang dapat mong karamay sa hirap man o ginhawa, at hindi ang mga barkada. Because at the end of the day (naks!), bigla ka na lang magising isang umaga na nagsisisi. Hindi lahat ng inaakala mong kaibigan ay totoong mga kaibigan. Gaya rin sila ng mga pulitiko, may mga kaibigan ka ring tae at trapo. Kaya mag-ingat sa pagpili ng ka-facebook at ka-twitter. At kung jologs ka pa, isama mo na rin ang iyong mga ka-friendster.Eewww again. Dapat may pamantayan sa pagpili, e.g., gwapo, magaganda at mayayaman. Wehehe

Huling-huli na talaga ito. I swear, itaya ko pa ang punit-punit kong underwear. Mag-ingat sa mga taong sobrang gwapo. Huwag ma-inlab sa kanila ng todo. Bakit? Dahil baka pareho lang kayo... na lalaki rin ang gusto!

Kongrats BRU!

9 comments:

Jepoy said...

Contratulations kay Bru!

Kunin ko ang cell number nya para ma congratulate ko naman sya on a personal note. LOL

DRAKE said...

insan kamusta na? Ano na balita?

Hayaan mo balitaan kita tungkol sa amin ha!

Maraming salamat sa pag fefeature sa kanya, insan kong hilaw

ingat

Kosa said...

Tito,
pakilala mo naman ako sa pamangkin mo... hehe

congrats Bru!

an_indecent_mind said...

please extend my congrats kay bru!

if makakaabala sau, pakisend na lang ng YM at mobile number nya sa akin...

lol

Jam said...

Hmmm..san ka kya nagtatago this past few days? hahaha? nangelam, anyway tanong ko lang bago koment sya rin ba ung nsa baba na pics ganda nya noh? prang ako lang hahahaha! oo naniniwala ako may himala dahil baka pareho kami ng version nung bata pa kami at ngayon ay nagpakita n ng himala hahaha..bait nmn ni Tito kuripot di man lang bigyan khit isang tsokolate si bru pra panregalo..O sya cge na po..ingats at dahan dahan sa date nawawala ka sa sirkulasyon ng mga bida di2 sa blog..Pakisabi kay Bru congtrats!

kayedee said...

wit wit! ang danda ng pamngkin ntin! (eh kuya kta db! wag n angal!) hehheh. ngyun q lng npagtanto my lahi tlga taung mga almo na! ahahhha... mgandang regalo e2 pra s knya na mapakilala s aming lahat! ;)

isladenebz said...

Hmm....lahi pala kayo ng mga artistahin!

Congrats to Bru.

No Benta said...

ang ganda naman ni Bru. Sabi ko na nga ba at may lahi kayong artista.

Congrats sa kanya...pati na rin sa iyo parekoy dahil naging kalahi mo siya!!

SLY said...

sensya mga bosing, ngayon lang uli nakapag-online. Wala pa din kami connection sa opis.. Til now gamit ko mobile phone. Haist...

nagpapasalamat pa din ako dahil kahit papano may bumibisita :)