Saturday, March 27

"Siya"


Natagpuan ko na "siya" (na naman)… Dumating na "siya" (na naman uli!)…. Napulot ko "siya" sa isang social networking site. Oo, nakita ko lang kasing pakalat-kalat sa kung saan kaya pinulot ko na at baka ako'y masalisihan pa. TRIVIA: Huwag ng tangkain pang hanapin sa fezbuk at sa jologs na prendster dahil hindi n'yo siya makikita. Itinago ko siya sa kasuluk-sulokan. Ayaw ko kasing maging magulo bigla ang buhay n'ya at 'di pa "siya" handa sa buhay artista.

Koon na kool naman "siya", [1]matinong kausap, [2]matured ang pag-iisip ('di katulad kong parang retarded, halatang kulang sa bitamina), [3]nagjo-joke paminsan-minsan (tawa lang ako ng tawa kahit 'di naman nakakatwa dahil napaglumaan na ang kanyang mga hirit – ganyan ang pag-ibig, bolahan! Este may respeto), [4]maingat sa mga bagay (opposite kami dahil ako burara!), [5] hindi demanding (dahil siguro alam niyang hindi ko mabibili ang gusto n'ya), at [6]ang pinaka-importante sa lahat ay natatagalan n'ya ang kagaya kong adik kung mag-isip.

Noong una nga hindi ako makapaniwala, akala ko nabagok lang ulo n'ya sa semento o 'di naman kaya ay maluwang lang talaga ang kanyang tornilyo. Ang kinakatakot ko ay baka isang araw biglang matauhan at manghinayang sa kalbaryo na kanyang pinasukan. Sana naman Lord ito na ang taong sasalba sa unti-unting pagdilim ng kinabukasan na aking nararanasan. 'Yung tipong "siya" ang magsisilbing liwanag at gabay sa aking dadaanan. Shet! *goosebumps*

Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng magulo,masaya, masarap (insert devil smile) at excitement na dulot ng pag-ibig.

9 comments:

an_indecent_mind said...

goodluck brod!

mangyari sana ayon sa ninanais mo.. wehehe!

SLY said...

salamat ng marami parekoy!

kailangan ko ng libo-libong good luck at dasal, wahahaha!

kayedee said...

naksss. kya pla bz ung artista kong kuya dhil bz s lablyf! hahha..

rigaluhan u ng helmet dali!! bka biglang maumpog.. hehhhe..

am hapi 4 u :)
sana mkita q n din ung akin!(my gnun! oo my gnun!)hehheh

SLY said...

[kayedee]
tenk u beri mats li'l sis :D

nabilhan ko na ng helmet, may reserba pa para walang umpugang magaganap, lol

makakapulot ka rin ng para sa'yo. lakad lang ng lakad diyan sa tabi-tabi at baka may matalisod sa harapan mo. hehehe

kosa said...

naks! kakaiba talaga ang nagmamahal...baduy na baduy! hehe *peace*
malalaman din namin kung sino sya!

hahaha.
LDR din parekoy?

Jam said...

Oisttt..inlab ka dok? hahaha sabi na nga ba kya nwla k ng mtgal e..nag concentrate sa knya hahaha..Ingat

BlogusVox said...

Natatawa ako sa sobrang panlala-it mo sa sarili. Huwag naman ganyan at baka isipin nyang dehado sya! >: D

SLY said...

[KOSA]
alam kong nakaka-relate ka, wag na mangmaang-maangan parekoy! LOL

nandito din siya sa disyerto kosa. tipid nga sa tawag at text e. hahaha
kampay!

[JAM]
kaya nga medyo nawawala sa mundo ng blogosperyo, kinakarer ang bagong pinagkakaabalahan :)

[BLOGUSVOUX]
wahaha, tama ano..baka umatras at marealize na luging-lugi sya. laking gulo ito :)

babawi na lang ako sa susunod na entry. ty kabayan..

isladenebz said...

Pwede mo syang regaluhan ng hard hat...para may proteksyon pag nauntog.

Huwag mo syang bibigyan ng kape...baka maging nerviosa.

Joke lang po.

Happy Easter, Sly. To you and your family.

And yes, good luck sa iyong lovelife. I'm hoping for the best for the both of you.

(BTW, kapag may time ka, dalawin mo naman ang Kablogs Journal. Hope you can share an article or two sa susunod nating issue).