Monday, March 15

Vote wisely!


Dalawang buwan na lang ay halalan na. Kaya naman kayod kalabaw ang ginagawang pangangampanya ng ating nagpipitagang (?) mga kandidato. Artistahing ngiti, kontodo kaway at kaliwa't kanang pangungumusta ang drama ng mga trapo, este, pulitoko. Gagawin ang lahat para maibenta ang sarili sa mga botanteng mamamayan.

Buwan ng Nobyembre palang ay panay na ang banat nila ng mga pakulo sa radio, peryodiko at higit sa lahat sa telebisyon. Samu't-saring political advertisement na ang napapanood natin. Ang iba'y nakaka-antig ng puso, meron ding mga pagkakataon na parang nagmamakaawa o pinilipit na nagmumukhang dukha, at ang iba naman ay pwede ng gawing istorya sa teleserye.

May ideya ba kayo kung magkano ang perang inilabas ng mga pulitoko para lang makuha ang matamis nating "OO"? Hindi pa man nagsisimula ang pangangampanya ay bilyong piso na ang nadaleng pera. Bilyon, at hindi milyon lang. Putik na posisyon yan! Isang bilyong pohonan para sa 60K sahod kada buwan? Ganito ba dapat ang perang iipunin para makamit mo lang ang pinakamataas na katungkulan sa ating bansa? Oo nga pala, hindi natutumbasan ng pera ang pagkakataong makapagsilbi sa ating bansa **insert devil laugh**.

Siguradong kawawa na naman ang mahihirap nating mga kababayan dahil laging sila ang pinupuntirya at ginagamit tuwing halalan. Madali kasing makakuha ng simpatya sa mga taong isang-kahig-isang-tuka. Sila rin ang kawawa kapag naluklok na an lider na kanilang tinitingala. Hindi ko man nilalahat subalit laging ganito ang sitwasyon na kanilang tinatahak. Kailan pa kaya tayo magkakaroon ng matinong mamumuno? May pag-asa pa ba ang minamahal kong bansa para umasenso? O baka naman ay suntok sa buwan na lang at idaan sa matinding dasal ang minimithi nating pagbabago?

VOTE WISELY! Ikaw ang simula…ng pagbabago!

Sabi ko dati sa sarili, hinding-hindi ako magsusulat ng politics ang tema. Dahil sasama lang ang loob ko at iinit lang ang ulo ko. Pero hindi ko pala kaya, kailangan na itong ilabas at baka ako ang sasabog at mawalan bigla ng poging nagbo-blog! Pagbigyan nyo na, sumegwey lang!

10 comments:

Lord CM said...

1 Billion? 20 Billion pre! 20 Billion ang personal budget ng isa sa mga kandidato...

Lupit no?!Kung ginamit na lang sana sa pagkawanggawa yang bilyones na yan edi sana nakatulong pa sya...

Jam said...

Naks..may miting de abanse d2 ah! whahaha..eleksyon na eleksyon ang dating kaw ba yan Kongresman..joke! Ingat..

Kosa said...

huh?
anu ba talaga ang meron sa Pagkapangulo?
pwede naman tayong manilbihan kahit mga simpleng mamamayan lang di ba?

mga Ganid kase sila pare-pareho!!!
mga Tae sila!
mga leche!
mgaa...

wag na nga lang!!!
umiinit ang ulo ko!
wahahaha

DRAKE said...

Nagkamali ako dun ako sa Facebook nagcomment

Uulitin ko

Anong partido ba si Wisely? saka tumatakbo ba sya sa pagkasenador???

Pero dahil kinakapampanya mo sya! Sige bro makakaasa ka sa boto ka para kay Pareng Wisely!

Kay Wisely tayo! Wisely! Wisely! Wisely!

SLY said...

[LODR CM]
punyemes talaga, bilyon-bilyon ang budget. proud pa siyang sabihing bilyon ang kakailanganin para tumakbong pagka-pangulo. sabagay, naliligo naman siya sa dagat ng pera at hindi basura!

[JAM]
magulo na ang pulitika sa ating bansa, ayokong dagdagan pa ito.. ayaw na ayaw kong maging isang pulitiko, kuntento na ako sa pagiging isang gwapo! wahahaha

SLY said...

[KOSA]
tama ka idol, pwedeng manilbihan na walang posisyong pinaghahawakan. talagang mga tae sila! trapo! at ususerong mga palaka!

ayan napasama tuloy ako sa init ng ulo mo! lol

[DRAKE]
salamat at may boto na siya. isulat sa inyong balota.. WISELY! Wisely Snipes ang buo niyang pangalan. at hindi senador at kanyang posisyong tinatakbuhan kundi hangad nyang maging presidente ng ating bayan.

wisely! wisely! wisely!

kayedee said...

grbe nga!! nakakainit sa ulo ang mga politician n yan!! imagine kung mag pondo million! en lyk u sed billion p! tsk.. tpos ssbhn hnd nangungurakot! e obvious nmn! tsk! hla na hayblad n aq! nyahhh...

ayy uu nga noh. wla u wordpress s blogroll u hehhe.. ayos! aq una! hehe,,sa layout po. i add to list lng mo link ko http://kayedee.wordpress.com/
yan link ko.. :)

SLY said...

[kayedee]
wag mahi-bloood..dami na tayo, wag ka ng dumagdag pa! hehe

ayan na add din kita sa blogroll ko, horrayyy!!!

kayedee said...

yeheyyy.. ang sarap s mata aq lng wp u nyahhh... :)

isladenebz said...

Let's. Please.

I hope to also read your 12 choices for senators. Hanggang ngayon, wala pa akong mapili at malapit na tayong bumoto dito sa Saudi.