Wednesday, March 10

Ang pagbabalik

IM BACK! Kaya kayo'y dapat pumalakpak! Putik pa-importante pa ang loko.  Pasensya mga kabayan at ngayon lang uli ako nagparamdam at hindi man lang ako nakapagpaalam. Dahil sa dalawang linggo kong pananahimik dito sa blogosperyo, may mangilan-ngilan ang nagtanong  kung saang lupalop na ako nakarating (may mga taon pa palang concern sa akin, kala ko wala na akong halaga sa mundo). Marahil ang iba ay nag-isip kung baka may masama nang nangyari sa akin, na ikatutuwa naman ng karamihan dahil mababawasan sila ng kakumpitensiya sa papogihan!  Siguro ang iba naman ang alam na ako'y nagbabakasyon lamang sa France, Spain o Greece (ambisyoso! in your dreams mister!).  O baka nagka-lablyf na kaya bigla nalang nawala na parang bula.

Ang totoong dahilan, nagkasabay-sabay lang ang aking showbiz career at lablyf! Biro lang, hehehe. Baka kasi isipin nyo iiwan ko na ang pagsusulat at maging seryoso nalang sa pag-aartista. Lakas talaga ng tama ko ngayon!. Subsob lang talaga ako ngayon sa trabaho at laging pagod ang katawan kong matipuno. Nagbakasyon ang magaling naming manedyer at ipinasa sa akin ang pamamahala sa mga super-duper-tamad na caretakers. Sakit sa ulo ang laging baon pag-uwi ko.

Hanggang kailan ang ganitong kalbaryo sa buhay ko? Makakayanan ko ba ang pagsubog na ganito? O tuluyan akong mabaliw dahil dito? O baka naman talagang   normal lang na pagdadaanan ito ng tulad kong gwapo? Syet! Kapal muks talaga!

Pahabol:
Seryoso na po ang susunod kong entry, 'di na tulad nito na parang tae! LOL

6 comments:

Jam said...

Sllllyyy....
Wheeee..base ako..hahaha parang ng aabang sa pagbabalik mo noh? Oo namn syempre na miss ko kya ung ka blogger kong matyagang nagbabasa ng wala ko ring kwentang mga ka emohan..musta po..O cge focus ka muna sa mga alaga andito lng kaming mga k blogger mo always waiting 4 u..naks drama! Ingat po..wag msyadong bcbchan nakakatanda yan..hahaha.

Kosa said...

welcome becks..lols

hinanap ka nga namin! nawawala ka!

DRAKE said...

Sinong nagsabing namiss ka namin?
Gulat nga ako dahil nawala ka pala???

Hahhaha ! Joke lang pre! Miss ka nga namin eh! Magkwento ka naman! Hehhee

Welcome back! Pakiss nga ng malutong!

Ingat pre

kayedee said...

uu nga tgl nwla, at d nagpramdam pagblik! hehhe...

ikw p nmn ang main bida(artista k db?! hehe) s isang entry q! hehe..

SLY said...

[JAm]
dahil sa ikaw ang nauna, may premyo ka..isang shawarma at kabsa! hahahaha

ingat kaw din dyn :)

[KOSA]
sa laki kong to di nyo ako mahanap? LOL

di ka na ma-reach parekoy, nakakasilaw ka na with your only sunshine. congrats! kampay!

[DRAKE]
tse! at isa pang tse! LOL

namiss ko kayong lahat, pramis.. ooppsss biglang uminit ng bigla sa labas, di ata naniniwala si madam kalikasan

[KAYEDEE]
pasensya at talagang busy lang sa autograph signing and tours, hahahaha

ako ang bida? siguradong lalong sisikat ang entry mong yan! pano ba kasi ma-add ang wordpresss d2 sa blogroll ko?

No Benta said...

WeeBee!

Libre mo rin ako ng shawarma at kabsa.