Friday, February 12
Ang kabataan ko [1]
Dahil uso ngayon ang tema during kabataan days, ako' y makiki-uso na rin. Oo, gaya-gaya ako.. anong pakialam mo? Blog ko 'to?! Hehehe. Kakabasa ko lang kasi ng blog nina jepoy, drake at glentot.. opo, yung tatlong itlog na kakalug-kalog! Ang sweet nilang magbangayan sa isa't-isa, kinikilig ako! Akmang-akma sa araw ng mga puso. Ang triong 'to ang wawasak sa kasikatan ng mga love teams ngayon sa telebisyon at pati na rin sa pinilakang tabing! Kaya ang tambalang Edward, Bella at Jacob… humanda na kayo! Wahaha!
Hindi naman makulay ang kabataan ko, simpleng bata lang – in short BORING! Sa baryo kasi namin iilan lang ang batang ka-edad ko, kaya kadalasang katropa ko limang taon ang tanda sa akin. Karamihan ng miyembro sa grupo ay mga bagito, ibig sabihin – mapupusok, mahilig mag-eksperimento, pumipiyok at nagsisilabasan ang mga tigidig sa mukha. 'Yung tipong taghiyawat na tinubuan ng mukha. Sa grupo namin, ako ang bunso. So kapag bunso, alam na kung ano ang papel na ginagampanan… siya ang inaalipusta, inuutusan at inuuto kadalasan. Ewan ko ba kung bakit nasisikmura kong inuutusan ako, samantalang pag nasa bahay nandadabog kahit magaan lang ang pinapagawa sa'yo.
Dito ko napagtanto na iba pala ang pamilya sa barkada. Kung sa pamilya ako ang laging bida, sa barkada nama'y ako ang laging kawawa. Dahil nga sa puro binatilyo ang nasa grupo, sila ang nagturo sa akin ng mga bagay na puro kaberdehan, kapusukan, kalokohan at kalaswaan. Ini-idolo ko sila noon, hindi na ngayon, kaya parte sila ng kung anumang buhay meron ako ngayon. Mga lintik! Kung alam ko lang na ganito ang aking kahihinatnan, nagkulong na lang sana ako sa bahay.
Si pareng Bornok (walastik! tunog barok!) ang lider ng grupo, siya 'yung taong taghiyawat na tinubuan ng mukha. Siguro ang basehan ng pagiging pinuno noon ay paramihan ng tigidig. Wala rin naman siyang kalaban sa botohan dahil nagsi-atrasan ang mga kalaban. Si Niel naman ang kanyang side kick (para kasing nakatikim ng libo-libong sipa ang kanyang pagmumukha! Joke! Baka kasi isipin n'yo ampapangit ng dabarkads ko. Naniniwala pa naman ako sa kasabihang, "birds of the same feathers are the same birds". Putik, korni!).
Silang dalawa ang lider-lideran sa kalaswaan. At dahil sa ako ang bunso, ako ulit ang pinag-tripan para hagilapin kung saan nakabaon ang mga betamax ('di pa uso ang VHS at pirated CD's noon) na puro kalibogan at ang magasin ng kalaswaan ng pinakamamahal kong mga kuya. Palibhasa sikat ang mga damuho sa pagiging chickboy (pwede sila mapa-chick man o boy!) sa baryo namin, kaya siguradong marami raw itong mga koleksyon. Dahil sa gusto kong maging bida, nagpa-uto uli ako. Hinalukay ko ang kwarto nila at voila! Nakita ko rin ang kanilang kayamanan, 'di man lang ako pinawisan sa paghahanap. Dali-dali kong kinuha ang dalawang betamax at isang magasin sabay eskapo at baka mahuli pa ako. Dumiretso agad ako sa bahay ni Niel (doon kadalasan ang hide-out ng barkada) at tuwang-tuwa sila sa aking dala, parang mga asong ulol na naglalaway. Wala na silang sinayang na oras salang agad sa player. Presto! Para kaming nasa sinehan at tahimik ang lahat , titig na titig sa telebisyon ang mga hayop! Dito na nagsimula ang kalbaryo ng kabataan ko at naapektuhan ang mura kong kaisipan.
Dearest Sister at Wild Things (Hindi ito 'yong pelikula ni Neve Campbell) ang pamagat ng nadengwat kong betamax. Tanda ko pa ang titles ng mga pelikula dahil hanggang sa ngayon 'di pa nababalik sa akin. Nabisto tuloy na pinakialaman ko ang koleksyon ng kuya. 'Di ko na ide-detalye kung anong mga nangyari habang at pagkatapos naming manood ng 'educational film' baka magmukha pa itong xerex story ng Abante. At baka mag-iba ang tingin ng mga taong makakabasa nito (naks, concern ang engot!).
Ganito ang klase ng kabataan meron ako, pero bahagi lamang ito ng buo kong pagkatao. Sabi ng iba medyo may kahalayan, pero para sa akin naman - pilyo lang. Dahil nasa tao yan kung papaapekto sa mga katropang nakapaligid sa kanya. Swerte ko dahil may magulang akong hindi nagkulang magbigay ng atensyon sa akin. Swerte din nila dahil may anak silang ubod ng bait! O...wag ng pumalag pa. 'Di ba kapani-paniwala ang ubod ng bait? Sige na nga, mala-anghel na lang! :)
Labels:
barkada,
kaberdehan,
karanasan,
trip
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
wahaha.
kakaiba pala ang kabataan mo parekoy. Puro ng kahalayan.. kaya naman hindi na ako magtataka kung single pa hanggang ngayon..hehe
Pero ayus yan, atleast eh atleast..lols
iba-iba talaga tayo ng kwnetong kabatann enoh? pero lahat masaya!!
Ay ayoko na ang halay ng kabataan.
FYI, Hindi ko friend si Drake si Glentot lang ang friend ko. 'Yuckie si Drake noh eiw! LOL
God Bless!
[KOSA]
hindi naman lahat kahalayan, slight lang. yan ang nakaraan, nagbago na ako! LOL!
kinakabahan na nga ako bakit single pa din, baka di na ako makahabol sa byahe ng pagiging ama..tsk..tsk..tsk
[JEPOY]
at talagang nilaglag si Drake? hahaha
SLY..buti na lang d mo nabanggit kung ano ang mga uso that time kung hindi bistado ka kung anong generation ka hehehe..TC
@Jepoy!
Lamunin ang tae mong mabaho! Hindi rin kitang PWEND!HMMP (Please insert IRAP here)
@Sly
Sori kala ko post ito jepo! Sarap talga ang buhay ng bata! Masarap balikan talaga ang nakaraan!heheh
[JAM]
sinadya kong di banggitin ang mga uso, hahaha
til now di ko pa din lubos maisip matanda na talaga ako, kaya eto emo during kabataan days..
ingat!
[DRAKE]
korek! nakaka-miss ang buhay bata..
God bless din :)
ntwa aq s pagka describe u s mga tropa u prAMIS!hehhe..
sus watz new! gnyan nmn tlga trippings ng mga guys e. aminin!hehhe
d gud ting is hnd u xa dnala hanggang s pagtanda u, i min paglaki pla hehhe..(hnd nga b?) :)
May part 2 ba ito? Aabangan ko baka nandoon na ang kwento kung ano ang nagyari matapos niyong mapanood ang Dearest Sister at Wild Things. o",)
[KAYEDEE]
garantisado 'goodboy' ako, hindi ko nadala ang kahalayaan sa pagtanda ko (biglang sumakit tiyan ko at ako'y nasusuka habang tina-type ko ito)...
[RJ]
yes, may part 2 ito. hehehe pinag-iisipan ko rin kung ipapadala ko ba sa mga tabloids baka kasi mabenta ito sa masang pilipino. LOL
Post a Comment