Monday, February 22

Salamat, Erpat!



Marahil ang iba sa inyo ay nakilala na ang kool kong ina, siguro'y napapanahon na upang si erpat naman ang gawin kong bida. Bigla kasi akong napatingin sa kalendaryo at ngayong sabado sasapit ang kanyang anibersaryo. Magdadalawang taon na rin nang pumanaw si erpat. Ambilis ng panahon, parang kailan lang ang mga araw na lumipas. Sariwa pa sa isipan ko ang mga pangyayaring naganap. Huwag mag-panic, hindi ito makabagbag damdaming kwentong pangteleserye ng Dos at Siete. Sisikapin kong "dramedy" ang ibabahagi kong kwento at saloobin. At baka magpakita ng wala sa oras si erpat kung kadramahan ang aking gagawin.

Masayahing tao ang erpat ko, maraming alam na mga kalokohan at mahilig magpatawa. Kadalasan ay ingles kung bumanat ng mga jokes niya. Ewan kung style lang niya ang pagiging inglesero, o talagang likas na mayabang lang ito? Teka, ama ko po ba talaga siya? Hehehe.. Biro lang Itay! Aside from being a funny person, may pagka-istrikto din ito. Kapag sinabi niyang hindi, wala ka ng magagawa. Kaya kung may lakwatsa ang barkada, kay ermat ako nagmamakaawa. At ang pinakagusto kong katangian sa kanya ay masarap magluto. Nami-miss ko ang kanyang rellenong bangus at crispy pata. Nami-miss kong kasama siya sa kusina. At nami-miss ko ang asaran naming dalawa. Ako kasi ang kontabida sa buhay niya. Katwiran ko lagi sa kanya, "Sarap naman ng buhay mo kung walang nang-aalaska sa inyo". Sweet ko di ba?

Naging masunurin naman akong anak sa kanya, hindi nga lang halata sa klase ng aking pagmumukha. 'Di ko man lagi sinasabing mahal ko siya, sana ay hindi ako nagkulang na iparamdam at ipakita ito sa kanya. Talagang hindi madali ang mawalan ng isang mahal sa buhay. Masakit, nakakalungkot at nakakapanibago. Ngunit unti-unti mo itong natatanggap, dahil hindi rito nagtatapos ang karera ng buhay mo. Patuloy pa rin ang ikot ng mundo. Nawalan man ng haliging laging sinaasandalan, pero hindi ito dapat maging balakid, bagkus magsilbi itong daan upang maging matatag sa mga hamon ng buhay na haharapin.

Maraming salamat po, PAPA. Salamat sa walang sawang pagmamahal. Salamat sa atensiyon at sa pag-aarugang iyong ibinigay. Salamat sa mga payo at pangaral mo. Salamat sa mga palong natanggap ko (kapag may nagagawa akong masama at sinusuway ko ang mga utos n'yo). Salamat at naging ama ko kayo. Salamat at si ermat ang napili at nakatuluyan n'yo. At maraming salamat sa pamilyang binuo ninyo. Salamat.. salamat.. salamat!

Para sa inyo po ang kantang ito:

14 comments:

Kosa said...

makabagbag damdamin yung kanta.

at si Papa eh astig!
mabuhay sya!
aww.. hindi pala....
The Best pala sya!

nice post parekoy.

Ako ba ang Base?

RJ said...

Continue to do things that'll make him proud of you even if he's gone.

Ingat ka sa mga kalokohan diyan sa Riyadh, palagi ka n'yang pinagmamasdan. U

Jam said...

Touch naman ako kc Papa's girl ako i really those days nagkukulitan kami ng papa ko lalo nung medyo nagdadalaga pa lang ako at halos ayaw akong paligwan kc nagiisang baby lang raw nya ako hehehe (only girl kc ako)..Sayang d man lang nabutang ng papa mo ang pagpaparami ng lahi nyo hahaha!

2ngaw said...

Malamang nakangiti sayo ngayon si papa mo :)

SLY said...

[KOSA]
kaw nga ang base parekoy! congrats! at ito ang premyo...mwah! hahaha

[RJ]
tama ka, make your papa proud (MYPP, karibal ng MYMP hehe)

[JAM]
oo nga, di nya maaabutan ang magandang lahi na bubuoin ko. naks, yabang!

[LORD CM]
sana abot hanggang tenga ang ngiti nya :)
ingat!

Anonymous said...

awwww.. kakatouch nmn un!
alm u,yan ang isang biggest fear q, ang mwlan ng taong minamahl lalo n.. kc hnd q alm kung kkyanin q! prmise!..

im sure miz k dn ng tatay u :)

NoBenta said...

idol ko rin si erpats. siya lagi ang bida sa mga essays ko sa Values Education namin noong nasa highschool pa ako.

DRAKE said...

Wow parang tinamaan ako dun ah! Mukhang kay bait bait mo namang ANAK (sabi ko mukha lang)

Kaya hanggat buhay at malakas ang tatay ko pinapakita kong mahal ko sya!naks! Naalala ko tuloy yung post ko tungkol sa tatay ko heto yung oh:

http://utaknidrake.blogspot.com/2008/12/malapit-na-bertdey-ng-tatay-ko-december.html

Yun oh! nagpromote lang!haha

ingat

SLY said...

[KAYDEE]
kata dapat todo buhos na ng pagmamahal ang ibigay sa mg taong importante sa iyong buhay :)

take care!

[NO BENTA]
isa ka rin palang mapagmahal na anak, hehe

[DRAKE]
super bait akong anak.. super duper to the max! pagbigyan mo na ako kahit ngayong araw lang, hehehe

babasakin ko yung link na ibinigay mo. ingat parekoy!

Jepoy said...

Nakakatats naman ang entry na ito. Action speaks louder than words I'm sure nagawa mo ang part mo para kay erpats!

SLY said...

[JEPOY]
sana nga napasaya ko si erpat :)
bato ang puso pag hindi na-touch sa post na ito, wehehe

God bless parekoy!

NoBenta said...

pare-pareho tayong mapagmahal na mga anak. Pero may weakness ako -- hindi ako showy para magsabi ng "iloveyou" o simpleng "happy beerday". Siguro dahil puro kami magkakapatid na lalaki. Di kami sanay sa mga ganun.

Kayo sa inyo, open ba sa mga ganito?

Nagtatanong lang po!

FerBert said...

this is just soo sad :(

i love my dad

SLY said...

[NO BENTA]
showy sa bahay parekoy, nakasanayan na e. kaya nga nakakalungkot minsan dahil hinahanap mo ang ganung mga bagay..

[FERBERT]
its sad, pero wala tayo magagawa dahil 'yan ang realidad.

salamat at nakabisita ka..