Kung Hei Huat Chai! Ito raw ang tamang pagbati for Chinese New Year sa ating kababayang tsinoy at hindi 'yong nakasanayan nating Kung Hei Fat Choi (na ang literal na ibig sabihin pala ay "congratulation and be prosperous!" at hindi "happy new year" na inaakala ko). Karamihan sa mga tsinoy ay nanggaling pa sa probinsya ng Fujian na kung saan ay Hokkein ang lengguaheng ginagamit. 'Wag ng kumontra, sabi 'yan ng kaibigan kong intsik kaya YES ka na lang. Okey?
Ngayong taon ay Year of the Metal Tiger, Rooooaaaarrrr! Ito ang pangatlong sign sa chinese horoscope na binagbibidahan din ng onse pang mga nilalang (rat, ox, rabbit, dragon, snake, horse, sheep, monkey, roaster, dog at boar). Nagtataka ba kayo kung bakit sila lang ang bida sa mga chinese? At hinahanap kung bakit wala ang paborito nyong hayop? Narito na ang mga kasagutan sa inyong katanungan.
Tsismis #1
Ayon sa alamat, pinatawag ni Lord Buddha ang tropa ng mga kahayopan para makipagbeso-beso sa kanya bago pumanaw dito sa mundong ibabaw. Sa kasamaang palad dose lang ang sumipot sa kanyang panawagan dahil hang-over pa raw at talagang pinaninindigan ang pagiging party animals. Kaya bago natsugi si Lord Buddha, ipinangalan sa kanila ang zodiac signs batay sa pagkakasunod ng kanilang pagdating.
Tsismis #2
Ayon uli sa alamat, nagpatawag (na naman) ng meeting itong si Mr. Buddha para pangalanan na ang doseng mga hayop para magsilbing inspirasyon sa bawat taon na daraan. Excited si PusiKat sa meeting na magaganap, dahil dyan ay kinuntsabo si Pareng Daga para gisingin sya nang sa gayon ay sabay silang a-attend. Pero ito palang si Daga ay may masamang binabalak at siya'y nagsolo para manalo. Ito ang rason kung bakit wala sa listahan si PusiKat at ito rin ang dahilan ng kanilang bangayan at habulan hanggang sa ngayon.
Tsismis #3
Ayon uli sa alamat (ang KULIT!!!!), isang araw nag-rally ang mga kahayopan sa harap ng palasyo ng kanilang Hari para bigyang linaw kung sino ang nilalang para maging pinuno o gawing kauna-unahang zodiac sign. Para maiwasan ang rambolan sa kanyang kaharian, gumawa ng patimpalak itong si Hari. Kung sino ang maunang makakatawid sa ilog ay siya ang tatanghaling 1st zodiac sign. Dahil sa may pagkasakim itong si Daga (basta mga daga, peste talaga!), nakaisip siya ng magandang strategy para makatawid ng walang kahirap-hirap. At ito ay ang pagsampa sa likuran ni Mr. OX, kaya bago makarating sa finish line ang baka, ay siya namang biglang lundag ni Daga. Ang resulta… si Daga uli ang bida, si Baka ang pangalawa at kulelat lagi si Piggy.
Ngayong alam nyo na ang istoryang bumabalot sa Chinese horoscope, sana ay matatahimik na kayo at makakatulog ng maayos gaya ko. Hapi PUSO at Hapi New Year kabayan!
14 comments:
teka, teka, teka. Bakit wala ang tsismis tungkol sa mga dragon? Bakit siya lang ang hindi totoong hayop? Lalaki ba siya o babae? Sadyang walang kasarian o di tiyak?! katulad din ba siya ng okra na wala sa kantang "bahay kubo"?
Gusto ko ang 'tsismis number 2' Sly, pero ngayon ko lang nalamang ang Rat pala ang nangunguna pagdating sa Chinese Horoscope.
Kung Hei Huat Chai! (Ito ba ang natutunan mo sa Singapore?) o",)
[NO BENTA]
ooppss, magandang tanong yan parekoy. pati ako biglang napaisip dyan.. hmmm, hayaan mo't itatanong ko yan ka kaibigan kong intsik.
talagang napaisip ako dito, di na naman ako makakatulog ng maayos :-X
[RJ]
naku andami pang dapat malaman dyan sa lintik na horoscope nila. sumakit ulo ko habang ini-explain ng singkit, daming ek-ek. di ko na sinali kasi pati ako di ko lam pano sisimulan :)
"Xin Nian Kuia Le" (mandarin) naman ang batian sa Singapore doc. o di ba nakakalito talaga sila?
Ganun ba ung kwento nun..kc ang alam ko may sakit ung pusa kya c daga ang nakapunta dat time kc b4 bff pa cla hahaha..
yun pala ang kwento! Grabe veryinformative naman nito tyak matuto kami ditong maging.....tsismoso!
Hehhe!ingat pre
daming kwentong nagkalat, 'di ko alam na nagkasakit si PusiKat... sige yan ang tsismis #4! hahaha
Mahilig ka sa Tsika parekoy... Dagdagan mo kaya ng Bebs para maging Tsika Bebs..lols
astig ang mga Tsismis ahhh..
pero parang may poot ka sa pangunguna ng Daga ahhh!?
Maabilidad lang talaga sila..
Blog mo to alam ko... pero comment ko naman 'to! lolz
Kung may reklamo ka, suntukan nalang ohhh!
hehehe..jokeness
tsika bebs? sana may makita ako dito sa disyerto, nalimot ko na itsura nila. LOL!
suntukan ba kamo? oo ba..hehehe
ingats
ahh gnun b un?? cgurado kb? sure nb yan? wla n bng bawiin yan? hehhe..
paki ulit nga ung wento ehehe..jowk
ok xa xge mag slip n me kc mkk2log n me ng maaus lyk u! shalamt s wento :)
tsika bebs? Madami sa dito sa disyerto. Nakatago nga lang!
Hehehe :D Very informative, makwento nga sa mga anak ko lolzz
Add kita parekoy :)
[NO BENTA]
uso pa rin ba ang taguan-pong sa mga tsikabebs? (kornni!, pagbigyan nyo na. 'la kayo magagawa blog ko to. hehehe)
akisali nga sa laro nila...
[LORD Cm]
buti at napadaan po kayo, salamat! :)
bilis at ikwento na sa mga anak, i-explain ng mabuti with actions ok? LOL
Yan ang hirap pag Pebrero ka. Hindi mo alam kung anong hayop ka sa kalendaryo ng intsik.
Hindi ko alam kung tusong rat o masipag na ox ako. Baka naman kaya tusong masipag? : D
ehehehheee, parang aesops fables ang dating.
Alam ko yung kwento ng rabbit at ng turtle.
Nauna naman si turtle kesa kay rabbit, kasi nga natulog si rabbit thinking, bukas pa darating si pagong.
Kaya ang rabbit naman ang idolo sa ibang bansa kung easter, called easter bunny.
Pero hindi ako naniniwala sa mga ganung kwento, kasi kristyano ako.
Ang bibliya lang ang basehan ko. ¨pag wala new year or bday ni jesus, or birthday celebrations, di ko na lang ginagawa, iwas gastos pa.
On the whole, basta masaya ang lahat kahit wala ang ganung pagan gatherings, enjoy na rin ako.
Ayus ang tsismis!!!Haha.
It will stay as tsismis...
PS, ayoko lang paawat sly, hehe.
I was born daw sa year of the monkey.
I dont believe it, sa ganda kong to? lol
Post a Comment