Wednesday, October 28

Kalibugan ng Buwan

Ewan ko ba sa araw na ito at sa bawat oras na lang ay may napapansin akong kainitan at kapusukan. Bigla tuloy akong napa-isip kung guni-guni ko nga lang ba at puro kabastusan lang nasa utak ko? O bigla lang naging Pebrero ang gamit kong kalendaryo? O, di kaya'y sa kadahilanang init ng panahon na dulot dito sa bansang puro disyerto? O dapat kong ibuntong ang sisi sa mga alaga kong "tortoise" na kanina pa naghaharutan.
Oo, 'yung nakikita nyong naglalakihang pagong sa Zoo. Malaking debate ito kung ang turtle, tortoise at terrapin ay iisa. Sa bansang maka-OBAMA kasi, tortoise or land turtle ang tawag sa mababagal kumilos. Sa bansang dugong bughaw o UK (kung san naggaling ang aming lahi, toink!), tortoise ang tawag sa lahat ng pagong maliban na lang sa mga nakatira sa dagat.

Bakit pa kasi napunta tayo sa paksang kabastusan, hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng puro katarantaduhan. Dito ako magaling, dito nabubuhay ang dugo ko't kaluluwa at dito gumagana ang utak ko. Sa madaling salita, ito ang puso ko. Kung ang kahinaan ni superman ay ang batong "green", ako ito ang power ko, hindi nga lang bato at least "green" pa rin. Kung wala ito, matagal nyo na akong dinadalaw sa sementeryo. Siguro nung pinasabog ng Diyos ang kalokohan, gumamit ang nanay ko ng net para masalo nya lahat at nang maibigay sa akin ng walang labis at walang kulang. Ngayon ko napagtanto na may lahing pagkaswapang ang ermat ko (I LOVE YOU Ma! Libre kita sa pampa-beauty mo. Hehe).
Dapat kasi naisip ng mga professors noon na kailangan din ng subject na tulad nito (DepEd, Gising! Peace..). Dahil kung nagkataon, isa ako sa mga estudyanteng nasa listahan ng mga topnochers. Sigurado akong pila-pila ang linya ng magpapa-enrol, daig pa ang Pinoy Big Brother audition. Kukulangin ang silid-aralan at magde-declare ng emergency crisis ang eskwelahan. Walang sawa akong pabalik-balik sa lectures at laging inspired pagdating sa klase. Dito ko maa-apply ang katagang, "..isa-puso't diwa ang leksyon". Hmmmm sino kaya mga kaklase ko at katabi sa upuan? Si J. Rizal? O si Kgg. Jalosjos kaya? Di bale na nga at baka masensor 'tong blog ko.
Sa mga taong di po ako kilala at aksidenteng napasilip sa blog na ito, wag kayong mag-alala – harmless ang pagkabastos ko. Wika nga sa kantang "Ang Tipo Kong Lalaki"… ako'y "maginoo pero medyo bastos".

3 comments:

abe mulong caracas said...

teka nasaan na kalibugan? hehehe

bro i link kita sa blog ko tapos mag link ka din dun sa mga naka link sa akin...

ask ka lang permission kung ok lang exchange links!

SLY said...

[ABE] ang tanong paano ba maki-linkisan?

Anonymous said...

ok naman normal lang naman yang nafefeel mo marami ka namnag kagaya..kasama na ko dun hahahahahaha