Saturday, November 14

K37… eto kami (Part 2)


Karamihan ay alam na kung papano nabuo ang grupong ito. Sa mga taong hindi pa may takdang-aralin kayo, kalikutin at hanapin ang lumang post ko [Kingdom 37 (Part 1)], nang sa ganu'y magkaintindihan tayo.

Sadya kong ipapakilala sa inyo, ang mga taong naging parte at naging inspirasyon at karamay ko sa buhay. 'Langya! Mukhang namamaalam na ah, end of the world na nga ba? K37'ers in any order 'to, naaayon sa taong kung saan ako madaling nakakapagsulat. Maswerte ka kapag lagi kitang nakakasama, at lalong gagandahan ko pa kung sa tuwing inuman at kainan ikaw ang laging taya.. Mahaba-haba ito, mukhang aabutin hanggang Part 40 kaya uumipisahan ko na.

Johnver. Tipong the boy-next-door type, ito ang taong masasabi kong inborn ang pagka-pulitiko, malimit nagiging referee pag may nanggugulo. Siya ang klase ng taong madaling hagilapin, punta ka lang ng sabungan at sa inuman. Kahinaan? Meron sympre, babaeng kanyang kinahuhumalingan. Mr. Torpedo (pinasosyal na torpe) ang tawag namin minsan.

Ruby Ferda. Babaeng Ferdinand kaya siya Ferda. Mama at Lola ng buong barkada. Kim Basinger nung panahon ng kanyang kaseksihan. Ito ang Cory Aquino ng hiskul, makamasa. Isa na siyang doctor at mahilig sa bata. Sa sobrang subsob ng pagiging Pedia, corrupting minor na 'ata. Peace Mama Rubs!

Lee Archibald. 'Di ko rin alam kung bakit nauna si Archie sa listahan. Dapat ko bang ituloy? Or i-delete ko na lang? Madalas ito ang kakulitan ko nung hiskul. Palibhasa, elementary palang kaklase ko na ito. Orator sa grupo, matipuno at magandang lalaki (huh… dumudugo ang daliri ko, ayaw pumayag ng laptop ko). Laking utang mo sa akin, labag sa kalooban itong sinusulat ko.

Jean. Ito ang tunay na idolo ng bayan, ex-member ng grupong 'D BEES ('Tsaka na ang full details ng grupong ito). Si Jean ang namumukod-tanging kilala ko na 'di nangongopya during exams. Itutok mo man sa mukha nya ang test papers…peksman! O baka wala lang siyang bilib sa sagot ko? O palihim na sinasagot din ito pag nalingap ako sa ibang katabi ko? Biro lang.

Denise Ayn. Ang babaeng kinahuhumalingan at dahilan ng kahinaan ng isang tao dyan. Tunog malaswa na ba? Pasensya Dr. Ayn. Hanga ako sa katalinuhan nito, iyun ang 'di nasalo ng ermat ko. Kung bakit naman kasi mas naunang pinasabog ang kalokohan kesa katalinuhan. Nung umuulan ng katalinuhan, punung-puno na ang utak ko ng kalokohan. Maling-mali ang strategy mo mahal kong Nanay!

Marianne. Pharmacist sa aming grupo, nauutangan pag ika'y nangangailangan. Istriktong titser, binagsak pati ang pamangkin ko!

Armando II. Dating junior ngayo'y "the second" na. Matinee Idol na kanyang kapanahunan, at Baseball Star noong kanyang kabataan.

Johanna. Artist ng kingdom, isa sa mga organizers pag may party o reunion. Mahinhin tinggan, pero swabe manuntok! I'm sure kayang-kaya talunin si Cotto ng Puerto Rico.

Dexter. Crush ng Bayan! Ewan at anong meron siya na wala kami (ooppss.. halatang bitter?). Basketball Star sa grupo, kala ko nga makikita ko itong naglalaro sa coliseum o astrodome. Magaling din kumanta, talagang unfair ang buhay minsan ano? Halos nasa kanila na ang lahat! ('Di nga ako bitter sabi eh!).

Emelyn at Mary Grace. Ang TWIN Towers ng buong klase, parehong birthday at parehong matatangkad. Ang isa'y chemist at ang isa ay Doktor. Nasaan na nga pala yung hugis kabaong na pencil case Dr. Grace? Si Archie ang promotor n'yan, mabaling lang ang atensyon ni Grace sa iba, 100% sure may krus na sa pencil case at iniiyakan naming dalawa.

Helen. Ang aming muse, sa treseng lalaki ng kingdom – 97% na-link sa kanya o crush siya. Ang aming tagapagtanggol, kaya ang lakas ng ego kong magyabang. Lapit na nga pala ang 30th Birthday mo, ang usapan ay usapan, "Can you hear the music Alex?". Nakatunganga lang si Aga Muhlach.

Pamela. Siya si Miss Sodium (Na+), short cut ng salitang "Nahiya Ako". Madalas kasing ngkaka-bloopers ang barkada kong ito. At siya ang babaeng literal ang liit ng daliring hinliliit. Madalas siya ang aking English critic, tulad na lang ng pagturo ng tamang pagbigkas ng salitang "stomatitis"!

Rebecca Ruth. kung may tall, dark and handsome na tinatawag sa lalaki, siya ang girl version nito. Sports-minded sa barkada. Ayos na ayos kung maglaro ng volleyball, di ko nga natatapatan ang spike nito o baka dinadahilan lang ang pagiging lampa ko?

Ashna. Kilala siya sa pangalang Ms. Luminous. Mahilig kasi sa mga shocking colors, buti na lang at di ako nasa-shock attact pag tinatabihan ko siya. Advantage pagkasama, kitang-kita na parang early warning device sa gabi.

Geraldine. Ang Penshoppe Girl ng K37, kadalasan kasi ay ito ang suot nyang mga damit. Oo, sa panahon namin nagsimula ang kasikatan ng Penshoppe. "Express Yourself" pa nga ang slogan nila noon. At isa ako sa mga taong nakikiuso ng kanilang pabiling bimpo sa pagpapa-ikot gamit ang daliri. Si Geraldine rin ang may alagang aso na nagngangalang Pipoy, 'wag ka, may kumpletong pangalan si Pipoy – limot ko lang sa sobrang haba.

Romel. Nag-iisang anak at tahimik sa klase. Minsa'y naging amplifier sa katabing kaklase. Pano kasi sa tuwing tinatawag ng guro ang pangalan ng katabi, malimit itong wala o 'di kaya'y sarili lang ang nakakarinig ng boses nya.

Angie Joyce. Siya ang Ms. Spaghetti ng kingdom. Sa kanya kinopya ang kantang "Spaghetti Song" ni Lito Camo na isinabuhay ng SexBomb Girls, hehehe. Seryosong usapan, talagang masarap ang lutong spaghetti ni Angie. Marahil siya'y gumigiling ng pataas at pababa habang hinahalukay ang sauce na lulutuin. Iba ang sauce ng spag ni angie, talagang red na red. 'Di tulad sa isa ko pang barkada na kulay dilaw ang sauce. Siguro palabok dapat 'yun nagkamali lang ng bili, imbes pansit, pasta ang nabili. Ang masaklap, kailangang ubusin, ayokong makaranas na matutukan ng baril (As-Salamu Alaykum, Hamsa!).

Roselle, Eleonor, Lizette, Coleen at Mary Razel. Sila ang mga tanyag na miyembro ng grupong 'D BEES. Sa tingin ko sa kanila binase ang show ni Cesar Montano na 'D Singing Bee! Sila ang groupies na nagkukumpol sa tabi, kung saan ang isa, andun ang lahat. "For the group that sticks together, looks like a bubble gum forever". 'Wag ng magre-act, pauso ito!

Aris. Ang mala-pastor sa aming silid-aralan. Ito ang taong seryoso sa pag-aaral, 'yung tipong may patutunguhan sa buhay. Miss ko na ang gawa nilang sago't gulaman. Iyon kasi ang lagi naming pinapahanda sa tuwing kami'y dadalaw.

Florante at Ophelia. Bagong loveteam? Panlaban sa tambalang Kimerald? Dyan kayo mali, sila ang aming aso't pusa. Naghaharutan hanggang sa humantong sa eksenang suntukan at sakitan.

Alexander, Janis, Irene Faye at Phalasig. Sila ang mga "Housing Boys and Girls" . Sikat ang subdivision na ito sa aming eskwelahan, kadalasan ang nakatira'y may sinasabi sa buhay. Kung sila ang Forbes Park, ang amin nama'y Tondo! Ganun kalaki ang agwat, promise.. Dito sa lugar na ito una akong namulat sa bisyo. Hoy! Alak at sigarilyo lang ang alam kung bisyo. Final answer! Sure na! Game na!

Tristan at Cherry Joy. Ang magpinsang-buo na parehong doctor. Ang una ay beterinaryo at nasa human med naman ang pangalawa.

Amos Gene. Ang Mad Scientist sa eskwelahan, kahit ano na lang kasi ang naiisip at naiimbento.

James. Ang Mighty Destroyer ng paaralan. 'Wag akong hanapan ng dahilan, 'di ko alam ang maaaring sagot dyan.

Cristilita Paz at Wilma. San na nga ba kayo? Paramdam naman kahit utot man lang.

Sylvester. Ako, ang pang-tatlumpo't pito at ang may pakana ng blog na ito.. Baw!

***Ang artikulong 'to ay ibinabahagi ko rin sa taong aming naging inspirasyon, nagsilbing gabay at tumayong aming mga magulang noong kami'y mga musmos pa lamang sa minamahal naming eskwelahan (ULS-USM).  Para sa inyo po ito Tatay James Gregoty Salem at Ma'am May Eva Garcia!

13 comments:

Rebecca said...

Sly... Thanks for sharing your thoughts. Good memory ;) Happy anniversary to all!!!

johanna said...

hahahaha .. wish i can comment paisa isa .. habang binabasa ko tipong ang dami ko pang gustong idagdag .. pero teka lang bakit pag dating sa sylvester na part e yun lang ang nakasulat .. naku memories ahahaha

Darius said...

hahahaha... di ako makatulog sa kakaisip ng full name ni Pipoy! Magpa-trivia ka nga dito sly...

Question: Anong full name ni Pipoy?

SLY said...

[REBECCA] your welcome..
[JOHANNA] puro bad memories kasi experiences ko kaya walang nakasulat sa akin. Yan ang advantage pag ikaw ang may-ari ng blog,hehe.
[DARIUS] see pati ikaw din di mo na naalala fullname ni pipoy? pati breed nung aso di ko na din tanda..

jean said...

tito sly! hanga na talaga ako sa'yo. Ikaw pala ay matalinghaga... at ang mga hirit mo, patok na patok;o) hmmm nang-intriga ka pa. talagang pinangalandakang ex-... hahaha no (further) comment!

Anonymous said...

pam: nice one sly. Really good memory. Eto name ni pipoy. In english, peter paul nicole bley. Sa tagalog, pipito paulito nicolas blaya. O dba? Hahaha. Hapy aniv to all k37ers! Mis u all

Anonymous said...

galing sly!

Anonymous said...

sarap sana mag comment o magdagdag, hehehehe

cute said...

halu sly! nice work? san ka na ngayon , sa singapore pa rin?

Rebecca said...

Jean, what is pinangalandakang ex?

jean said...

hi becs. i was referring to his comment on me;o)

cute, kumusta ka na?

Jam said...

Tindi ng memorya mo! Isipin mo tanda mo pa halos lahat ng Classmate mo nung high school kayo..Saludo ko sayo!

Anonymous said...

SmoortKeeft
[url=http://healthplusrx.com/benefits-of-flax-seed]benefits of flax seed[/url]
Finyhissush