Tuesday, November 3

Kagila-gilalas na kwintas

Anong gagawin mo kapag ikaw ay may tumataginting na 100K Saudi Riyals? Ang halaga nito'y mahigit 1.2M pesos sa atin. Saan galing ang perang binabanggit ko? Hindi ito premyo ng isang lottery draw at lalong hindi ito galing sa pork barrel ng mga pulitiko. Ito ay ang halaga ng isang "dog collar" lang naman. Opo, tama ang pagkakabasa nyo, isang kwintas ng asong 'di alam anong gagawin sa kanyang limpak-limpak na kayamanan.


'Langyang buhay talaga, halos mabitawan ko ang alaga n'ya at ako'y napatunganga nung sinabi niya sa akin kung magkano ang halaga. Isang napakaswerteng Chihuahua ang kasalukuyang ngsusuot ng "dog collar" na 'yan. Alam kaya nya na ang kwintas nyang dinadala ay milyon ang halaga? At kinaiinggitan din ba siya ng mga kapwa asong mumurahing "dog collar" lang ang kaya? Ngayon napatunayan ko na ayos din pala maging aso. Pero 'di ko pa rin ipagpapalit ang pagiging tao para lamang masabing isa na akong milyonaryo.



Paano nga ba mangilatis ng tunay na bato at baka ang sinasabing alahas ay nagmula lang sa puwet ng baso? O 'di kaya'y likas na palabiro at ginu-good time lang ako ng taong ito. Kung sa itsura babasehan mukha namang desente ang pinagmulan. Rolex ang relo at may salaming D&G na nakasabit sa ulo, o uso rin ang mga imitations dito?


Isang daan na diamanteng bato, sa leeg ni Don Kabel nakapulupot ito! Kukunan ko sana ng litrato, kaso napadalawang-isip baka pagagalitan ako. Nilasap ko na lang ang pagkakahawak dito at baka ang swerte malipat sa aking mga kamao. 'Di ko lubos maisip kung bakit may mga taong ganito, marahil napanood lang nila ang "Beverly Hills Chihuahua", ang palihim na sagot ko sa sarili.

2 comments:

iresh said...

weeeheheheheh!!!na ores ako diamond ring. inahak!

sha said...

Hala! ang swerte naman ng chihuahuang yan! pwede magpaalaga sa may ari ng aso? kaya ko rin namang tumahol at kumain ng dog treats, dog food...sayaw aso pwede rin...kung gusto nya halik aso kaya ko rin ibgay.:P....eto nga't amoy aso na rin ako... LOL! P.S. Ayoko ng hindi premium na dog food ha...gusto ko human grade....hahahha