Thursday, November 12

Kingdom 37 (Part 1)

Nobyembre taong 1994 ang petsa na kung saan nabuo ang pangalang ito. Ikalawang taon sa high school, 'di ko lubos maisip na labin-limang taon na ang nagdaan. Mahigit 180 buwan o katumbas ng 5,475 araw na rin pala ang nakalipas. Whew, 'Antatanda nyo na pala! J

Tatlumpo't pitong paslit ang nagsama-sama sa iisang biology class field trip. Dalawang jeep ang inarkilahan at pilit kaming ipinagsiksikan (buti na lang at payat pa ako noon). Tanda ko pa Paradise Beach Resort sa Samal Island, Davao kami namahinga. Puno ng kasiyahan ang bumabalot sa mga oras na iyon... Kantahan, kwentuhan, kulitan at kainan ang nagaganap. Naghahari ang katagang "camaraderie". Biglang isip at sabay tanong sa sarili.. nakakain ba ang "camaraderie"? Tunog kare-kare kasi. Hayaan nyo na, ganito lang ako bumanat ng joke. Kung bakit naman kasi di ako pinagpalang magkaroon ng sense of humor.

Halos ang hirap ng alalahanin kung ano nga bang pagbabago meron ang bawat isa sa amin ngayon. Madalang na kasing nagkikita-kita, at kalimita'y pamilyado na. Hindi mo sila masisisi, tumatanda na tayo at kailangan na nang may makasama (Lagot! Sabay lunok..).

Isa ako sa mga taong always present pag-reunion. Umuuwi ako pagpanahon ng pasko, malamang ngayon lang mapupurnada ang bakasyon ko. Maswerte na paglampas isang dosena ang nagpapakita. Habang tumatagal, lalong lumiliit ang bilang ng dumadalo. Syempre 'di alintana ang bilang, ang mahalaga'y nagkakasalu-salo sa handaan.

Alam kong pansin nyo rin na paulit-ulit nating kinukwento ang mga karanasang nakatatak na sa ating isipan, mga kalokohan at ating mga kapalpakan. Kasabay nito ay ang papapatugtog ng nakalakhang "Minsan" ng bandang Eraserheads. Tila ito'y isa ng panata na maihahambing sa tuwing sasapit ang mahal na araw. Paulit-ulit ngunit hindi ka magsasawang muli itong pakikinggan, talagang matatawag na musika na kay sarap balik-balikan. 

Ilang araw na lang, magpapasko na.. Miss ko na ang buong barkada. Sa mga kaibigan kong nakabasa nito, Maligayang Anibersaryo ang bati ko para sa'yo!




9 comments:

emelyn said...

bagong logo na ba yan ng k37? ang ganda sly

anjoyce said...

wow... maligayang ika-15th anniv!! yahoo... kita kits mga k37ers ha?

jean said...

ang galing tito sly, i like it! galing mo magsulat;o) i just wish meron ako ng iyong talento. hehe... bakit hindi tayo mag-contribute ng sari-sarili nating kwentong high school?;o) di ba ang saya nun?

jean said...

i-post mo rin kaya to sa website ng kingdom?

Rebecca said...

Happy Anibersaryo... I thought it was November when this happened? :)

SLY said...

tama ka LOT, it should be november not october, pauso ko lang yung october hehehe. i'll edit the post later. thanks for pointing the error. happy anniversary guys!
don't worry jean, ipo-post ko din to sa kingdom blog.

Anonymous said...

sly ang galing....tuwa ako pagkabasa ko sa blog mo..though sa lahat ng reunion i wasn't able to attend but then i miss you guy's....

johanna said...

@Q actually nakalimutan lang talaga ni islay akala nya buwan ng oktubre yun bwahahaha ..
@islay oo paulit ulit na kwentuhang mga pang asar at kahit ilang beses na naikkwento nakakatawa pa ring balik balikan ang mga kwentong ewan ahahaha ..

Ashna said...

Hi Sly,

Ingat ka lagi jan. Nag tambay si Sir Goyo dito kanina sa office, at nagkataon may internet connection, kaya pinabasa ko na lang din sa kanya ang article mo. MARAMING SALAMAT RAW =)

O sige, short lang muna. Puntahan ko muna mga students ko.

Sa kasal ko (di ko alam kelan), hindi ako magluluminous, but, combination ng dark purple at black ang gusto ko na kulay. Sana payag ang maging groom =)

Miss you