Monday, November 9

…miss na kita

Mahigit dalawang buwan din nang tayo'y huling nagkita at nagkasama. Dalawang buwan na walang imikan at kibuan. Dalawang buwang tinitiis ang pagkawalay sa isa't-isa. Pilit kinakalimutan ang bawat araw na wala ka sa piling ko at sa bawat gabing wala ka sa tabi ko. Lagi kang laman ng isip ko, lalung-lalo na sa tuwing ako'y nalulungkot, walang makasama at nababagot sa buhay-OFW.

Ilang beses na kitang sinubukang palitan, nagbabakasakaling maibsan man lang itong aking nararamdaman. Subalit iba pa rin ang pakiramdam na dulot kung ikaw ang aking katuwang. Abot langit ang hatid, at walang katumbas na saya ang iyong naipapadama.


Minsan sa ating buhay, darating ang panahon na kailangan nating magsakripisyo't magtiis. At mag-isip kung karapat-dapat ka nga ba sa piling ko habambuhay o kailangan ko ring maghanap-buhay. Ewan at anong gayuma ang ginamit mo at baliw na baliw ako sa'yo. Laging hanap ang swabeng sipa na dulot mo. Miss na kita, O RED HORSE ko!


3 comments:

sha said...

hahahaha...wala jud...nananalayatay na talaga ang kamandag ni pareng red horse sa dugo mo sly hahaha

SLY said...

[SHA] kaya nga e, naglalaway na ako at hanggang pictures na lang :(

jean said...

kainis ka t.sly. naintriga pa naman ako! hmph haha