Monday, February 22

Salamat, Erpat!



Marahil ang iba sa inyo ay nakilala na ang kool kong ina, siguro'y napapanahon na upang si erpat naman ang gawin kong bida. Bigla kasi akong napatingin sa kalendaryo at ngayong sabado sasapit ang kanyang anibersaryo. Magdadalawang taon na rin nang pumanaw si erpat. Ambilis ng panahon, parang kailan lang ang mga araw na lumipas. Sariwa pa sa isipan ko ang mga pangyayaring naganap. Huwag mag-panic, hindi ito makabagbag damdaming kwentong pangteleserye ng Dos at Siete. Sisikapin kong "dramedy" ang ibabahagi kong kwento at saloobin. At baka magpakita ng wala sa oras si erpat kung kadramahan ang aking gagawin.

Masayahing tao ang erpat ko, maraming alam na mga kalokohan at mahilig magpatawa. Kadalasan ay ingles kung bumanat ng mga jokes niya. Ewan kung style lang niya ang pagiging inglesero, o talagang likas na mayabang lang ito? Teka, ama ko po ba talaga siya? Hehehe.. Biro lang Itay! Aside from being a funny person, may pagka-istrikto din ito. Kapag sinabi niyang hindi, wala ka ng magagawa. Kaya kung may lakwatsa ang barkada, kay ermat ako nagmamakaawa. At ang pinakagusto kong katangian sa kanya ay masarap magluto. Nami-miss ko ang kanyang rellenong bangus at crispy pata. Nami-miss kong kasama siya sa kusina. At nami-miss ko ang asaran naming dalawa. Ako kasi ang kontabida sa buhay niya. Katwiran ko lagi sa kanya, "Sarap naman ng buhay mo kung walang nang-aalaska sa inyo". Sweet ko di ba?

Naging masunurin naman akong anak sa kanya, hindi nga lang halata sa klase ng aking pagmumukha. 'Di ko man lagi sinasabing mahal ko siya, sana ay hindi ako nagkulang na iparamdam at ipakita ito sa kanya. Talagang hindi madali ang mawalan ng isang mahal sa buhay. Masakit, nakakalungkot at nakakapanibago. Ngunit unti-unti mo itong natatanggap, dahil hindi rito nagtatapos ang karera ng buhay mo. Patuloy pa rin ang ikot ng mundo. Nawalan man ng haliging laging sinaasandalan, pero hindi ito dapat maging balakid, bagkus magsilbi itong daan upang maging matatag sa mga hamon ng buhay na haharapin.

Maraming salamat po, PAPA. Salamat sa walang sawang pagmamahal. Salamat sa atensiyon at sa pag-aarugang iyong ibinigay. Salamat sa mga payo at pangaral mo. Salamat sa mga palong natanggap ko (kapag may nagagawa akong masama at sinusuway ko ang mga utos n'yo). Salamat at naging ama ko kayo. Salamat at si ermat ang napili at nakatuluyan n'yo. At maraming salamat sa pamilyang binuo ninyo. Salamat.. salamat.. salamat!

Para sa inyo po ang kantang ito:

Sunday, February 14

Chinese Horoscope

Kung Hei Huat Chai! Ito raw ang tamang pagbati for Chinese New Year sa ating kababayang tsinoy at hindi 'yong nakasanayan nating Kung Hei Fat Choi (na ang literal na ibig sabihin pala ay "congratulation and be prosperous!" at hindi "happy new year" na inaakala ko). Karamihan sa mga tsinoy ay nanggaling pa sa probinsya ng Fujian na kung saan ay Hokkein ang lengguaheng ginagamit. 'Wag ng kumontra, sabi 'yan ng kaibigan kong intsik kaya YES ka na lang. Okey?
Ngayong taon ay Year of the Metal Tiger, Rooooaaaarrrr! Ito ang pangatlong sign sa chinese horoscope na binagbibidahan din ng onse pang mga nilalang (rat, ox, rabbit, dragon, snake, horse, sheep, monkey, roaster, dog at boar). Nagtataka ba kayo kung bakit sila lang ang bida sa mga chinese? At hinahanap kung bakit wala ang paborito nyong hayop? Narito na ang mga kasagutan sa inyong katanungan.

 
Tsismis #1
Ayon sa alamat, pinatawag ni Lord Buddha ang tropa ng mga kahayopan para makipagbeso-beso sa kanya bago pumanaw dito sa mundong ibabaw. Sa kasamaang palad dose lang ang sumipot sa kanyang panawagan dahil hang-over pa raw at talagang pinaninindigan ang pagiging party animals. Kaya bago natsugi si Lord Buddha, ipinangalan sa kanila ang zodiac signs batay sa pagkakasunod ng kanilang pagdating.

 
Tsismis #2
Ayon uli sa alamat, nagpatawag (na naman) ng meeting itong si Mr. Buddha para pangalanan na ang doseng mga hayop para magsilbing inspirasyon sa bawat taon na daraan. Excited si PusiKat sa meeting na magaganap, dahil dyan ay kinuntsabo si Pareng Daga para gisingin sya nang sa gayon ay sabay silang a-attend. Pero ito palang si Daga ay may masamang binabalak at siya'y nagsolo para manalo. Ito ang rason kung bakit wala sa listahan si PusiKat at ito rin ang dahilan ng kanilang bangayan at habulan hanggang sa ngayon.

 
Tsismis #3
Ayon uli sa alamat (ang KULIT!!!!), isang araw nag-rally ang mga kahayopan sa harap ng palasyo ng kanilang Hari para bigyang linaw kung sino ang nilalang para maging pinuno o gawing kauna-unahang zodiac sign. Para maiwasan ang rambolan sa kanyang kaharian, gumawa ng patimpalak itong si Hari. Kung sino ang maunang makakatawid sa ilog ay siya ang tatanghaling 1st zodiac sign. Dahil sa may pagkasakim itong si Daga (basta mga daga, peste talaga!), nakaisip siya ng magandang strategy para makatawid ng walang kahirap-hirap. At ito ay ang pagsampa sa likuran ni Mr. OX, kaya bago makarating sa finish line ang baka, ay siya namang biglang lundag ni Daga. Ang resulta… si Daga uli ang bida, si Baka ang pangalawa at kulelat lagi si Piggy.

Ngayong alam nyo na ang istoryang bumabalot sa Chinese horoscope, sana ay matatahimik na kayo at makakatulog ng maayos gaya ko. Hapi PUSO at Hapi New Year kabayan!

Friday, February 12

Ang kabataan ko [1]


Dahil uso ngayon ang tema during kabataan days, ako' y makiki-uso na rin. Oo, gaya-gaya ako.. anong pakialam mo? Blog ko 'to?! Hehehe. Kakabasa ko lang kasi ng blog nina jepoy, drake at glentot.. opo, yung tatlong itlog na kakalug-kalog! Ang sweet nilang magbangayan sa isa't-isa, kinikilig ako! Akmang-akma sa araw ng mga puso. Ang triong 'to ang wawasak sa kasikatan ng mga love teams ngayon sa telebisyon at pati na rin sa pinilakang tabing! Kaya ang tambalang Edward, Bella at Jacob… humanda na kayo! Wahaha!

 
Hindi naman makulay ang kabataan ko, simpleng bata lang – in short BORING! Sa baryo kasi namin iilan lang ang batang ka-edad ko, kaya kadalasang katropa ko limang taon ang tanda sa akin. Karamihan ng miyembro sa grupo ay mga bagito, ibig sabihin – mapupusok, mahilig mag-eksperimento, pumipiyok at nagsisilabasan ang mga tigidig sa mukha. 'Yung tipong taghiyawat na tinubuan ng mukha. Sa grupo namin, ako ang bunso. So kapag bunso, alam na kung ano ang papel na ginagampanan… siya ang inaalipusta, inuutusan at inuuto kadalasan. Ewan ko ba kung bakit nasisikmura kong inuutusan ako, samantalang pag nasa bahay nandadabog kahit magaan lang ang pinapagawa sa'yo.

Dito ko napagtanto na iba pala ang pamilya sa barkada. Kung sa pamilya ako ang laging bida, sa barkada nama'y ako ang laging kawawa. Dahil nga sa puro binatilyo ang nasa grupo, sila ang nagturo sa akin ng mga bagay na puro kaberdehan, kapusukan, kalokohan at kalaswaan. Ini-idolo ko sila noon, hindi na ngayon, kaya parte sila ng kung anumang buhay meron ako ngayon. Mga lintik! Kung alam ko lang na ganito ang aking kahihinatnan, nagkulong na lang sana ako sa bahay.

Si pareng Bornok (walastik! tunog barok!) ang lider ng grupo, siya 'yung taong taghiyawat na tinubuan ng mukha. Siguro ang basehan ng pagiging pinuno noon ay paramihan ng tigidig. Wala rin naman siyang kalaban sa botohan dahil nagsi-atrasan ang mga kalaban. Si Niel naman ang kanyang side kick (para kasing nakatikim ng libo-libong sipa ang kanyang pagmumukha! Joke! Baka kasi isipin n'yo ampapangit ng dabarkads ko. Naniniwala pa naman ako sa kasabihang, "birds of the same feathers are the same birds". Putik, korni!).

 
Silang dalawa ang lider-lideran sa kalaswaan. At dahil sa ako ang bunso, ako ulit ang pinag-tripan para hagilapin kung saan nakabaon ang mga betamax ('di pa uso ang VHS at pirated CD's noon) na puro kalibogan at ang magasin ng kalaswaan ng pinakamamahal kong mga kuya. Palibhasa sikat ang mga damuho sa pagiging chickboy (pwede sila mapa-chick man o boy!) sa baryo namin, kaya siguradong marami raw itong mga koleksyon. Dahil sa gusto kong maging bida, nagpa-uto uli ako. Hinalukay ko ang kwarto nila at voila! Nakita ko rin ang kanilang kayamanan, 'di man lang ako pinawisan sa paghahanap. Dali-dali kong kinuha ang dalawang betamax at isang magasin sabay eskapo at baka mahuli pa ako. Dumiretso agad ako sa bahay ni Niel (doon kadalasan ang hide-out ng barkada) at tuwang-tuwa sila sa aking dala, parang mga asong ulol na naglalaway. Wala na silang sinayang na oras salang agad sa player. Presto! Para kaming nasa sinehan at tahimik ang lahat , titig na titig sa telebisyon ang mga hayop! Dito na nagsimula ang kalbaryo ng kabataan ko at naapektuhan ang mura kong kaisipan.

Dearest Sister at Wild Things (Hindi ito 'yong pelikula ni Neve Campbell) ang pamagat ng nadengwat kong betamax. Tanda ko pa ang titles ng mga pelikula dahil hanggang sa ngayon 'di pa nababalik sa akin. Nabisto tuloy na pinakialaman ko ang koleksyon ng kuya. 'Di ko na ide-detalye kung anong mga nangyari habang at pagkatapos naming manood ng 'educational film' baka magmukha pa itong xerex story ng Abante. At baka mag-iba ang tingin ng mga taong makakabasa nito (naks, concern ang engot!). 

Ganito ang klase ng kabataan meron ako, pero bahagi lamang ito ng buo kong pagkatao. Sabi ng iba medyo may kahalayan, pero para sa akin naman - pilyo lang. Dahil nasa tao yan kung papaapekto sa mga katropang nakapaligid sa kanya. Swerte ko dahil may magulang akong hindi nagkulang magbigay ng atensyon sa akin. Swerte din nila dahil may anak silang ubod ng bait! O...wag ng pumalag pa. 'Di ba kapani-paniwala ang ubod ng bait? Sige na nga, mala-anghel na lang! :) 

Wednesday, February 10

Usaping puso (lab adbys)


Dahil nga nalalapit na ang araw ng mga puso, nagkalat at nagsilipana ang mga love quotes, love songs, love letters at kung anu-ano pang mga pakulo para ipagdiwang ang balentyns dey. Pati ako ay 'di nakaligtas para makatanggap ng isang forwarded e-mail tungkol sa pag-ibig. Malapit ko na sanang ma-delete pero nagdalawang-isip ako nang makitang may bob ong na nakasulat dito. Kaya hindi na ko nag-aksaya ng oras at dali-dali ko itong binasa. Sa bandang huli, nakaka-aliw at nakakatawa pala ito (s'ympre bob ong, e!) kaya minabuti kong ibahagi din ito sa inyo J.
-=oOo=-
Dear Mr. Bob Ong,

 
Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

 
Lubos na gumagalang,
-MATT -
-=oOo=-
Dear MATT,

 
Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano'ng era ka ba pinanganak?

 
Pero don't worry. It's not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa'yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo 'to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa'yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na "Omega 8." Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: "because you're good for my heart."

 
2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: "I miss hanging out with you."

 
3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, "Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa'yo."

 
4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung "with Omega 8." Hindi na siya magtatanong kung bakit.

 
5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, "natunaw na kakatitig sa'yo."

 
6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: "Walang kulay ang buhay kung wala ka."

 
7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

 
8. Itext mo siya ng: "Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!"

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo "para pag nagkabanggaan ang puso natin."10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: "Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa'kin."

 
11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

 
12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

 
13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

 
14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na "don't leave your valuables unattended"

 
Handang tumulong lagi,
-Bob Ong-

Friday, February 5

Seryoso ako, peksman!


Akala ko hindi na darating ang araw na ako'y magpapaka-cheesy, pero andito ako ngayon kahit sabihin ng iba na ako'y horny corny. Tunay ngang kakaiba pagtimaan ka ng pag-ibig, at pinatindi pa lalo dahil nalalapit na ang araw ng mga puson puso! Kaya sa araw ding ito, gusto kong ibahagi ang sulat na ginawa ko para ipakitang nagkaka-lovelife din ang isang tulad ko. Hehehe

-=oOo=-

 
Mahal kong AheM,

 
Noong araw na tayo'y unang nagkita ay hanggang "Hi" at "Hello" lang ang inabot ko, at sabay hawak na rin sa iyong kamay para makipagkilala sa iyo (isip ko, kahit man lang sa pamamagitan ng kamay ay makapag-tsansing ako! Hehe). Pagkatapos ng insidenteng 'yon, wala na. Para na lamang akong estatwa sa MOA (mall of asia) na nasa tabi at hindi makapagsalita. Kung may boses man, "Oo", "Hindi" at "Ganun ba?" lang ang mga salitang nabubuo sa bibig ko. Sa madaling salita, hinayaan lang kitang makawala.

 
Buti na lang mabait si Mister Kupido dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkita uli tayo. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kuntodo pa-cute at pa-demure ang inabot at pinakita ko para masigurong mapansin mo lang ako (Nagawa ko 'yun sa ngalan ng pagmamahal, kahit magmukha pa akong engot at abnormal. Litsugas na pag-ibig yan!). 'Di kalaunan ang pa-tweetums ay nauwi sa seryosong usapan. Hanggang umabot sa puntong gusto na kitang ligawan. Halo-halo ang naramdaman habang inaantay ang sagot sa aking katanungan. At para akong nabunutan ng tinik sa pwetan nang sinabi mong "okey lang".

 
Araw-araw kang nasa isipan ko. Nag-aabang na kahit saglit ako'y i-PM (private messaging sa YM) man lang. Kaya minsan kinukulit kita kahit alam kong nadidistorbo ka na (Selfish ba? Wala naman akong panindang isda. Putik ang korni!). Pasensiya na kung minsan ako'y gumagawa ng eksena, ganito lang ako magpakita ng pagmamahal sa aking sinisinta.

 
Ano ba ang dapat gawin para mapaniwala ka na ang pag-ibig ko'y totoo at hindi pambobola kagaya ng iyong inaakala? Kaya ko ginawa ang sulat na ito ay upang ipakita ang tunay na saloobin ko. Hindi man sapat para masagot lahat ng pag-aalinlangang gumugulo sa iyong isipan, nawa'y nagsilbi itong daan para maisiwalat sa'yo ang tunay kong nararamdaman. Seryoso ako, peksman! Tamaan man ng kidlat si Superman.

Nagmamahal,
eSeM

Monday, February 1

ROSAS, walang kupas


Anak ng putakti! Buwan na ng Pebrero… ibig sabihin putukan blues na naman! Este balentyns dey pala. Magsusulputan na naman na parang kabute ang mga bagay-bagay na korteng puso. S'yempre always present ang nakakatabang tsokolate at keyk na hugis puso. Ume-epal din ang mga naglalakihang stuffed toys na kung hindi man heart-shaped, e may nakaburda namang "I Love You.. blah.. blah.. blah!#$%&@". At eto pa, mawawala ba naman sa eksena ang paboritong binibigay tuwing araw ng mga puso – ang sariwa at malalagong bulaklak gaya ng mga rosas. Putik! Sariwa at malalagong bulaklak? Hindi rosas ang naiisip ko, pero kakaibang bulaklak nga lang ito…oppsss.

 Teka mabalik na tayo sa usapang rosas, baka tuluyang mawalan ng mambabasa ang naghihingalo kong blog. Dahil interesado ako sa mga rosas (kahit na wala naman akong pakabigyan), minabuti kong alamin kung ano ang istoryang bumabalot sa iba't-ibang mga kulay nito. At dito ko nalaman na hindi lang pala sa kulay ng rosas may kabuluhan, pati ang bilang nito ay may kahulugan. Gustuhin ko mang isalin sa tagalog ang bawat kahulugan, inunahan ako ng takot at baka 'di ko mabigyang wasto ang ibig sabihin. Baka ako pa ang sisisihin kapag palpak 'yung naibigay kong meaning. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, heto na sila:

 
Color of Roses
RED – Love, Romance, Respect, Courage and Passion
WHITE - Purity, Innocence, Sympathy, Secrecy and Worthiness
PINK – Love, Gratitude, Elegance and Appreciation
YELLOW – Freedom, Joy, Friendship and Get Well
ORANGE – Passion, Desire, Enthusiasm and Fascination
LAVENDER – Love at first sight, Enchantment and majesty

Number of Roses
1 – Love at first sight; You are the one
2 - mutual love, deeply in love with one another
3 – I love you
6 – I wanna be yours
7 – I'm infatuated with you
9 – An eternal love, together as long as we live
11 – You are my treasured one; The one I love most in my life
12 – Be my steady
13 – Secret admirer
15 – I am truly sorry, please forgive me
20 – Believe me, I am sincere towards you
21 – I am devoted to you
24 – Can't stop thinking about you, 24 hours everyday
33 – Saying "I Love You" with great affection
36 – I will remember our romantic moments
40 – my love for you is genuine
50 – Regretless love, this is
99 – I will love you for as long as I live
100 – Harmoniously together in a century
101 – You are my one and only love
108 – Please marry me
365 – Can't stop thinking about you, each and everyday
999 – Everlasting and eternal love

Sa mga loverboys, may ideya na kayo kung anong kulay at ilang rosas ang dapat ibigay sa mga minamahal. Kaya siguro hindi ako sinasagot ng aking nililigawan ay dahil sa kulay at bilang ng rosas ay wala akong pakialam. Malay ko bang merong mga kaek-ekang gaya nito, disin sana'y nagka-syota na ako! Lintik! Tae! Ano?! Ako..Bitter Ocampo? HINDI ah, kool pa ako!!!!

•ŠLŸ•
Sources: http://www.proflowers.com/; http://www.loveletterbox.com/; google