Friday, August 20

Ramadhan na naman...

Pangalawang ramadhan ko na dito sa gitnang silangan. Una kong lapag noong nakaraan ay kasalukuyan nila itong ipinagdiriwang. Di ko man naumpisahan, ngayong taon ay buo ko itong masasaksihan at mararanasan. Hindi na bago sa akin ang okasyong gaya nito dahil laking Mindanao naman ako (kaya h'wag nyo akong gagalitin, makikita nyo ang bangis na meron ako! Lols).

Pero iba pa rin pala ang pakiramdam, na sa bawat taong nakapaligid sa'yo at nakakasama mo sa trabaho ay ginagawa ito.  Mas lalong nakakapanibago lalo na't ikaw lang ang kristyano, tulad ng sitwasyong meron ako. Kaya wala na akong ginawa kundi ang obserbahan sila, alamin ang kanilang paniniwala at ginagawa.

1.       Ito ang tamang panahon para simulan na ang laging napupurnadang balak magpapayat."No entry" ng kung anu-ano sa bunganga. Bahala na kayong mag-isip kung anong bagay-bagay ang pumapasok sa mga bibig nyo, basta lahat bawal pag nandyan at tirik na tirik si haring araw. Tinanong ko dati sa isang kaklase kung bakit sa takip-silim lang pwede, sagot nya para daw hindi makita ni Allah na sila'y kumakain. Ayos din ang trip ng klasmeyt ko ano? Dahil sa siya'y ini-idolo ko, naniwala namanako sa paliwanag n'ya.

2.       Napapanahon na para makapag-ipon. Bawas kain, bawas gastusin. Oras na para madagdagan ang ipon kong 3,000 Php sa bangko. Tiyak ang Metrobankay magdiwang dahil pero ko'y nadagdagan. Yipee!

3.       Karamihan ng mga empleyado ay masaya dahil nababawasan ang oras na ginugugol sa opisina, kadalasan pang-umaga na lang ang pasok nila. Naka-jackpot kayo kapag nabibilang  ka sa ibang sektor ngmanggagawa - tulad ng sa mall, ospital, restawran atbp. Walang nabawas kundi nabago lang ang oras ng pagpasok mo. Dahil sa ako'y may balat 'ata sa pwet, kabilang ako sa kategoryang ito, PUTIK talagang buhay 'to!

4.       Sagana sa  pagkain. Kapag nababato at walang magawa sa loob ng inyong bahay, lumabas at maghanap ng pinakamalapit na mosque, mall o hotel at i-enjoy ang nakahaing pagkain. Bago umatake ay siguraduhing oras na ng iftar (fast breaking). Kain lang ng kain basta ba walang pumipigil at walang mga matang nanlilisik ang tingin. Pero dapat ka ng huminto sa kakanguya pagsapit ng bukang liwayway o suhoor. Ops, nakalimutan mongmagdala ng pitaka? H'wag mag-alala, libre yan ni Allah.

5.       Maraming"pulubi" ang gumagala. Isa sa kanilang paniniwala at tradisyon ay tulungan ang taong mga nangangailangan. Walang oras kang dapat inaaksaya, bawat minuto aymahalaga para makatulong sa kapwa.

6.       Bawal sa kanila ang magmura! Mortal sin ito sa araw ng pag-aayuno. Kaya napapansin nyong kalmado at tahimik ang data-rati'y galit-sa-mundong-style ng boss mo. TIP: Kung trip mong mapatunayan  hanggang saan ang  level ng kanyang pananahimik at bait-baitan, subukan mo kayang mag-amok nang ito'y iyong malaman?

7.       Inuulit ko, bawal ang magmura. Pero hindi ipinagbabawal ang magmahal!<*beautiful eyes*> Superdupercheezzy! Walang basagan ng trip! inlab ako eh!

8.       Sa mga kristyanong tulad ko, alamin ang ligtas na lugar para makapuslit panandalian para kumain at uminom. Pag-aralan ang tamang pagkain ng mabilisan. In short, maging mahusay sa larangan ng Quickie! PAALA-ALA: Siguraduhing hindi sopas o nilagang  baka ang dalang ulam, kung ayaw mong mangamatis ang iyong dila at lalamunan.

9.       Sa buwan ng ramadhan, matuto kang maging "makasarili". Kung nais mong makinig ng musikang rakrakan, iwasang makabulahaw ng katabi. Gumamit ng earphone lagi! Kung ang trip mo ay ang gumiling-giling sa saliw ng musika ni lady gaga, maghanap ng lugar na ikaw lang ang nakakakita. At kung may opinyon kang kakaiba at out-of –this-world ang tema, mas mainam na h'wag mo na itong ibahagi sa iba. I-sikreto na lang ito sa iyong sarili, baka balang araw ang ideyang yan pa ang dahilan para ikaw ay yayaman.

10.   Magbasa ng banal na Koran kung kinakailangan. Hindi para magpakitang-tao , kundi upang tuklasin ang  maraming katanungan na bumabalot sa iyong isipan. H'wag mahiyang aminin sa sarili na wala kang alam. Mas nakakahiyang gawin ang nagkukunwaring meron kang alam. Isa sa malaking bagay na natutunan ko dito sa disyerto ay ang paggalang sa paniniwala ng iba't-ibang lahi.

Isang patikim lamang ito sa napakayamang kultura dito sadisyerto. Kumbaga, silip lang ito ng ilang bahagi ng kanilang paniniwala.Nawa'y nasiyahan kayo sa pagbabasa.  Hanggang sa susunod muli ng paglalahad ko ng buhay sa Riyadh.

Ramadhan Kareem!

Monday, August 2

Na-MISS ko kayo!

Matagal din akong nawala sa mundo ng blogosperyo. Aminado ako na-miss ko kayo. Sana naman ako’y na-miss niyo rin (sige na, yes ka na! subukan mong makipagplastikan kahit ngayong araw lang). Nakaka-miss ang magsulat ng kung anu-ano, kahit alam mong parang tae lang ang nasusulat mo. Gayunpaman, ang mahalaga ay naibahagi ito sa mga taong nauuto, tulad mo! Hehehe..

Ang mga susunod kong paksa  ay base sa mga karanasan at obserbasyon ko dito sa Riyadh, na iyon naman talaga dapat dahil Buhay Riyadh ang titulo ng blog ko (tanga ko talaga!). Lingid sa inyong kaalaman, mag-iisang taon na ako sa Saudi. Akmang-akma lang para maibahagi ko sa inyo ang mga kakaibang mga kaganapan dito sa disyerto.

 Tipong “TOP 10” ang magiging style ng pagsusulat ko. Ito ang mga bagay-bagay na napuna bunga ng kalikutan/kalokohan/kabastosan/katangahan ng aking kaisipan. Ito ang mga eksenang tumatak na sa aking bumbunan. Hindi ko na patatagalin pa, ito ang una kong nagawa…

  1. Kung tinatamad kang magtrabaho at may kliyenteng nagpapakyut at nagtatanong sa’yo, “Mafi malohm arabi(can’t understand Arabic) lang ang isasagot mo. Malas mo lang kung ang arabo na iyon ay edukado, wala ka ng kawala kundi gamitin ang natitirang ingles na baon.
  2.  Mainam sa balat ang tubig ng Saudi. Dahil sa init nito, siguradong patay ang an-an at buni na ilang dekada ng kumakapit sa katawan ninyo!
  3.  At dahil sa sobrang init ng tubig sa disyerto, kumuha ka lang ng tasa at bumili ng kape sa bakhala (sari-sari store). Voila! May instant coffee ka na, iwas gastos pa sa mamahaling Satrbaks.
  4.  Feeling mayaman ka dito sa Saudi, sapagkat “limousine” ang tawag sa taksing lagi mong sinasakyan.
  5. Kung nais mo naming makatipid at gustong panindigan ang pagiging masa, walang pumipigil sayo at welcome na welcome ka sa bus na iyong masasakyan. Doble ingat lang at baka tetano ang aabutin mo. At tibay ng sikmura ang kailangan para sa sari-saring “putok” na iyong masisinghot.
  6. Usaping limousine pa rin, umupo sa likurang bahagi ng taxi. Lalong-lalo na kapag ang driver ay Pakistani. Wala yata silang pinipili kahit na mukhang sinabugan ng bomba ang iyong pagmumukha. Sa tingin ko, “the uglier, the better” ang kanilang motto. Thanks GOD, I’m soooo gwapito!
  7. Sa mga poging tamad mag-japorms na tulad ko, iwasang magsuot ng shorts kapag nasa pampublikong lugar kayo. Ewan kung anong meron sa cargo shorts ko, o baka ngayon lang sila nakakita ng mala-TROSOng hita na meron ako? Palaisipan pa rin sa akin ang pangyayaring ito.
  8. Ngayon kung gusto n’yo pa ring magshorts, wala na akong magagawa. Basta ba huwag ako ang sisisihin kapag ang mga tao sayo’y nakatingin. Kilatisin muna ng mabuti ang sarili, baka naman talo mo pa ang cover of the month ng FHM sa suot mong shorts na pagkaiksi-iksi! (Nyeta! Bruha ka! Lols)
  9. Huwag makipagtitigan sa kahit sinong tao na makakasalubong mo, at baka pag-initan ka at may balak gawin sa’yong milagro. Pero kung si “Nicole ng Subic” ay iyong ini-idolo, wala na akong masasabi pa kundi GO lang ng GO!
  10. Matuto kang kumain ng shawarna at kapsa (parang tsiken inasal at sari-saring butil ng herbs na inilagay sa kanin). Dahil hindi sa lahat ng oras ay kagustuhan  mo ang nasusunod. Paminsan-minsan ay dapat ka ring makisama at makihalo-bilo, para mas makilala at maintindihan ng husto ang kulturang matagal na nilang nirerespeto.

Ilan lang ito sa eksenang aking napuna. Mga pangaraw-araw na bahagi na ng kanilang buhay. Nakakapanibago, nakakatawa, at minsan ay parang lokohan lang. Pero minsan ay nangyari ito sa buhay ng mga ordinaryong pinoy OFW.

Monday, May 3

Ako’y tutula…baw! #1

Serye ng mga tulang gumigewang-gewang...
Mga salitang di alam ang pupuntahan...
Resulta sa kalikutan ng kaisipan...
Ito'y subok at isang trip lang...
Nawa'y inyong magustuhan...
<*ngiting labas gilagid*>

-=oOo=-

INIT sa Middle East

nabibilad sa araw na parang mga tuyo
kutis na animo'y tutong na lutung-luto
BELO®, Ponds®, at L'oreal® man ang ipahid dito
mamumulubi pa bago makakapansin ng pagbabago

libo-libong pawis na tumatagiktik
sabayan pa ng buhangin na pilit dumidikit
dali-daling binuksan ang aircon upang mapawi ang init
ilang saglit lang ay biglang nakaramdam ng panlalagkit

hindi baleng kasing-asim ng suka ang buong katawan
sapagkat isang paligo't sabay kanta lang ang katapat n'yan
wag lang magkakaroon ng anghit katulad ng sa indian
titindi ang mararamdamang init kapag nalanghap ito sa kapaligiran

Thursday, April 22

India: kapos sa kubeta


India has more mobile phones than toilets: UN

 ...India's mobile subscribers totalled 563.73M, enough to serve nearly half of the country's 1.2B population

....But just 366M people around a third of the population had access to the proper sanitation.(Arab News, 4-16-10, p. 5)

Ito ang artikulo sa diyaryong hindi maalis-alis sa isipan ko at pilit na nakakapit sa aking ulo na parang kuto. Tama! Nagbabasa din naman ako ng peryodiko paminsan-minsan, para naman may alam ako sa aking mundong ginagalawan. Mamaya nyan nabuntis uli si Madam Auring, ako na lang ang kaisa-isang nilalang na hindi pa nakaka-alam. Hindi ba't masaklap ang ganun? 'Di mo man lang natutukan ang makulay at aktibo nyang love life at sexcapades.


Mabalik na nga tayo sa talagang usapin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay bibabagabag pa rin ako ng balitang ito. Kung tutuusin ay di naman ito ang dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng climate change kay Inang Kalikasan. O ito ang puno't dulo ng problema ng pagbagsak ng ekonomiyang ating nararanasan. Hindi nga ba?

Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang mabasa ko ang kahindik-hindik na balitang ito. Pati kubeta pala ay problema sa India? Ganoon na kahirap at pati inidoro ay endangered na? Kaya ba ganun na lang ang amoy ng mga "pana"? Putok dito at putok doon ang ginagawa! Minsan naisip ko ito ang pwede at epektibong pamalit sa biological warfare. Mangalap ka lang ng isang batalyong lahi nila at ibagsak sa isang bansa, tiyak umpisa na ng World War III.


Matagal na siguro akong nasiraan ng bait kung wala ni isa mang palikuran na mapupuntahan. Ano na lang ang iyong gagawin kung saka-sakaling bigla kang nae-ebs habang namamasyal? Biglang sumakit ang tiyan dahil nakakain ng caviar? Hindi dahil sa sira o bulok ang caviar, kundi dahil nalaman mong presyong ginto pala ang walang kalasa-lasang gabutil na mga itlog. Huwag mong sabihing maghuhukay kalang sa lupa na parang mga pusa? O bibisita sa dalampasigan para magpakawala ng yellow submarine? Sabi ko na nga ba't mauuwi rin sa tae ang usapan!


Nakakalungkot isipin na ganito ang kanilang sitwasyon (seryoso na...), kung tutuusin ay gumaganda na ang takbo ng kanilang ekonomiya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mas inuuna pa ang mobile phone kumpara sa kubeta na isang pangangailangan sa ating buhay. Wastong kalinisan at kalusugan ang kailangan para uunlad ang isang bayan. Walastik! Pang-slogan ang dating. Til then, nae-ebs na ako e. LOL

Thursday, April 8

kongrats!

Adik: Sino siya? Ito ba 'yong tinutukoy mong "siya"?
Ako: Hindi.
Adik: Ah, kapatid mo?
Ako: Hindi rin.
Adik: Alam ko na, kabit mo!
Ako: Lalong hindi! Good boy kaya ako..
Adik: E sino ito? Tatay mo? Bago siya nagpa-sex change?
Ako: Ogag! Hwag mo lulukohin si erpat at baka dadalawin ka pagtulog mo.
Adik: Ok lang 'yun tol, di naman ako natutulog. Kaya pakisabi pwede siyang dumalaw kahit ako'y gising. Baka trip nya maki-session at maranasang makapunta sa heaven.
Ako: Ulol! Nasa heaven na siya, adik!
Adik: E di ayos kung ganun! Kita-kits na lang kami doon.
Ako: Oo, gawin nyong katropa si san pedro <*inis*>.
Adik: Teka, Mabalik na nga lang tayo sa larawang ito.. Sino ba talaga siya?
Ako: Ba't ba atat na atat kang malaman kung sino siya?
Adik: Tae ka! Kaw pala ang adik e. Anong silbi ng larawang ito sa blog mo kung di mo ipapakilala? Bwisit!
Adik: Huh! Tuwid pa pala pag-iisip mo? Sige na nga at baka mapatay pa kita.
Adik: Fine, im listening. Be sure that its a good one.
Ako: (Leche! Umi-ingles pa!).

Siya si Eugenie Marie. Eugie sa kanyang mga malalapit na kabarkada, kapamilya, kapuso at ka-shake na ngayon ay kapatid na pala. BRU ang tawag ko sa kanya, short for bruha! Siya ang kaisa-isa kong pamangkin na babae, sa ngayon. Di lang ako 100% sure baka kasi nangapitbahay ang mga kapatid kong matutulis na parang mga pulis. Hehehe.

Gagradweyt na si Bru ngayong April10 sa kursong Nursing. Kaya naman siya ang napili kong gawing bida sa pahinang ito, pambawi ko dahil wala akong maibibigay na regalo sa kanya. Tsaka na lang kung nakapagtrabaho na siya at nagkasweldo. Tiyak hindi na niya kailangan ang regalong ipinangako ko.

Bigla ko tuloy naramdamang tumatanda na ako. Naaalala ko kasi yung mga panahong sinasama ko siya sa eskwelahan. Naaalala ang itsura nyang puro galis, gusgusin at ang ilong na may pumupilit na sumisilip. Yucks! Eewww to the Nth power! Hindi mo akalain na gaganda din pala ang itsura ng bruhang bata. Totoo pala talagang may himala! Bwahaha!

Ngayong gagradweyt ka na BRU, mas lalo mong pag-iibayuhin ang pag-aaral. Hindi purke't wala ka na sa paaralan ay tigil na rin ang pangangalap ng karunungan. Hindi dito nagtatapos ang kabanata ng iyong buhay, bagkus ito ang simula ng landas na iyong tatahakin. Dito ang unang hakbang kung saan ka ipapasyal ng iyong kursong napag-aralan. Mga hakbang na tutulong sayo para makamit ang pinakamimithi mong mga pangarap.

Laging tandaan na hindi lahat ng iyong paglalakbay ay maaliwalas ang panahon. Paminsan-minsan ay may mga unos at bagyo ring makakasalubong. Paghandaan ang trahedyang kagaya nito, dahil mahirap muli ang bumangon kapag di ka handa. Huwag maging makasarili. Kung ikaw ay napada, huwag mahiyang humingi ng tulong sa iba. Tama ang kasabihan, no man is an island. Talagang hindi pwedeng maging isla ang tao. Korni!

Ang panghuli, laging magpasalamat sa ating Maykapal. Siya ang dapat mong karamay sa hirap man o ginhawa, at hindi ang mga barkada. Because at the end of the day (naks!), bigla ka na lang magising isang umaga na nagsisisi. Hindi lahat ng inaakala mong kaibigan ay totoong mga kaibigan. Gaya rin sila ng mga pulitiko, may mga kaibigan ka ring tae at trapo. Kaya mag-ingat sa pagpili ng ka-facebook at ka-twitter. At kung jologs ka pa, isama mo na rin ang iyong mga ka-friendster.Eewww again. Dapat may pamantayan sa pagpili, e.g., gwapo, magaganda at mayayaman. Wehehe

Huling-huli na talaga ito. I swear, itaya ko pa ang punit-punit kong underwear. Mag-ingat sa mga taong sobrang gwapo. Huwag ma-inlab sa kanila ng todo. Bakit? Dahil baka pareho lang kayo... na lalaki rin ang gusto!

Kongrats BRU!

Saturday, March 27

"Siya"


Natagpuan ko na "siya" (na naman)… Dumating na "siya" (na naman uli!)…. Napulot ko "siya" sa isang social networking site. Oo, nakita ko lang kasing pakalat-kalat sa kung saan kaya pinulot ko na at baka ako'y masalisihan pa. TRIVIA: Huwag ng tangkain pang hanapin sa fezbuk at sa jologs na prendster dahil hindi n'yo siya makikita. Itinago ko siya sa kasuluk-sulokan. Ayaw ko kasing maging magulo bigla ang buhay n'ya at 'di pa "siya" handa sa buhay artista.

Koon na kool naman "siya", [1]matinong kausap, [2]matured ang pag-iisip ('di katulad kong parang retarded, halatang kulang sa bitamina), [3]nagjo-joke paminsan-minsan (tawa lang ako ng tawa kahit 'di naman nakakatwa dahil napaglumaan na ang kanyang mga hirit – ganyan ang pag-ibig, bolahan! Este may respeto), [4]maingat sa mga bagay (opposite kami dahil ako burara!), [5] hindi demanding (dahil siguro alam niyang hindi ko mabibili ang gusto n'ya), at [6]ang pinaka-importante sa lahat ay natatagalan n'ya ang kagaya kong adik kung mag-isip.

Noong una nga hindi ako makapaniwala, akala ko nabagok lang ulo n'ya sa semento o 'di naman kaya ay maluwang lang talaga ang kanyang tornilyo. Ang kinakatakot ko ay baka isang araw biglang matauhan at manghinayang sa kalbaryo na kanyang pinasukan. Sana naman Lord ito na ang taong sasalba sa unti-unting pagdilim ng kinabukasan na aking nararanasan. 'Yung tipong "siya" ang magsisilbing liwanag at gabay sa aking dadaanan. Shet! *goosebumps*

Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng magulo,masaya, masarap (insert devil smile) at excitement na dulot ng pag-ibig.

Monday, March 15

Vote wisely!


Dalawang buwan na lang ay halalan na. Kaya naman kayod kalabaw ang ginagawang pangangampanya ng ating nagpipitagang (?) mga kandidato. Artistahing ngiti, kontodo kaway at kaliwa't kanang pangungumusta ang drama ng mga trapo, este, pulitoko. Gagawin ang lahat para maibenta ang sarili sa mga botanteng mamamayan.

Buwan ng Nobyembre palang ay panay na ang banat nila ng mga pakulo sa radio, peryodiko at higit sa lahat sa telebisyon. Samu't-saring political advertisement na ang napapanood natin. Ang iba'y nakaka-antig ng puso, meron ding mga pagkakataon na parang nagmamakaawa o pinilipit na nagmumukhang dukha, at ang iba naman ay pwede ng gawing istorya sa teleserye.

May ideya ba kayo kung magkano ang perang inilabas ng mga pulitoko para lang makuha ang matamis nating "OO"? Hindi pa man nagsisimula ang pangangampanya ay bilyong piso na ang nadaleng pera. Bilyon, at hindi milyon lang. Putik na posisyon yan! Isang bilyong pohonan para sa 60K sahod kada buwan? Ganito ba dapat ang perang iipunin para makamit mo lang ang pinakamataas na katungkulan sa ating bansa? Oo nga pala, hindi natutumbasan ng pera ang pagkakataong makapagsilbi sa ating bansa **insert devil laugh**.

Siguradong kawawa na naman ang mahihirap nating mga kababayan dahil laging sila ang pinupuntirya at ginagamit tuwing halalan. Madali kasing makakuha ng simpatya sa mga taong isang-kahig-isang-tuka. Sila rin ang kawawa kapag naluklok na an lider na kanilang tinitingala. Hindi ko man nilalahat subalit laging ganito ang sitwasyon na kanilang tinatahak. Kailan pa kaya tayo magkakaroon ng matinong mamumuno? May pag-asa pa ba ang minamahal kong bansa para umasenso? O baka naman ay suntok sa buwan na lang at idaan sa matinding dasal ang minimithi nating pagbabago?

VOTE WISELY! Ikaw ang simula…ng pagbabago!

Sabi ko dati sa sarili, hinding-hindi ako magsusulat ng politics ang tema. Dahil sasama lang ang loob ko at iinit lang ang ulo ko. Pero hindi ko pala kaya, kailangan na itong ilabas at baka ako ang sasabog at mawalan bigla ng poging nagbo-blog! Pagbigyan nyo na, sumegwey lang!

Wednesday, March 10

Ang pagbabalik

IM BACK! Kaya kayo'y dapat pumalakpak! Putik pa-importante pa ang loko.  Pasensya mga kabayan at ngayon lang uli ako nagparamdam at hindi man lang ako nakapagpaalam. Dahil sa dalawang linggo kong pananahimik dito sa blogosperyo, may mangilan-ngilan ang nagtanong  kung saang lupalop na ako nakarating (may mga taon pa palang concern sa akin, kala ko wala na akong halaga sa mundo). Marahil ang iba ay nag-isip kung baka may masama nang nangyari sa akin, na ikatutuwa naman ng karamihan dahil mababawasan sila ng kakumpitensiya sa papogihan!  Siguro ang iba naman ang alam na ako'y nagbabakasyon lamang sa France, Spain o Greece (ambisyoso! in your dreams mister!).  O baka nagka-lablyf na kaya bigla nalang nawala na parang bula.

Ang totoong dahilan, nagkasabay-sabay lang ang aking showbiz career at lablyf! Biro lang, hehehe. Baka kasi isipin nyo iiwan ko na ang pagsusulat at maging seryoso nalang sa pag-aartista. Lakas talaga ng tama ko ngayon!. Subsob lang talaga ako ngayon sa trabaho at laging pagod ang katawan kong matipuno. Nagbakasyon ang magaling naming manedyer at ipinasa sa akin ang pamamahala sa mga super-duper-tamad na caretakers. Sakit sa ulo ang laging baon pag-uwi ko.

Hanggang kailan ang ganitong kalbaryo sa buhay ko? Makakayanan ko ba ang pagsubog na ganito? O tuluyan akong mabaliw dahil dito? O baka naman talagang   normal lang na pagdadaanan ito ng tulad kong gwapo? Syet! Kapal muks talaga!

Pahabol:
Seryoso na po ang susunod kong entry, 'di na tulad nito na parang tae! LOL

Monday, February 22

Salamat, Erpat!



Marahil ang iba sa inyo ay nakilala na ang kool kong ina, siguro'y napapanahon na upang si erpat naman ang gawin kong bida. Bigla kasi akong napatingin sa kalendaryo at ngayong sabado sasapit ang kanyang anibersaryo. Magdadalawang taon na rin nang pumanaw si erpat. Ambilis ng panahon, parang kailan lang ang mga araw na lumipas. Sariwa pa sa isipan ko ang mga pangyayaring naganap. Huwag mag-panic, hindi ito makabagbag damdaming kwentong pangteleserye ng Dos at Siete. Sisikapin kong "dramedy" ang ibabahagi kong kwento at saloobin. At baka magpakita ng wala sa oras si erpat kung kadramahan ang aking gagawin.

Masayahing tao ang erpat ko, maraming alam na mga kalokohan at mahilig magpatawa. Kadalasan ay ingles kung bumanat ng mga jokes niya. Ewan kung style lang niya ang pagiging inglesero, o talagang likas na mayabang lang ito? Teka, ama ko po ba talaga siya? Hehehe.. Biro lang Itay! Aside from being a funny person, may pagka-istrikto din ito. Kapag sinabi niyang hindi, wala ka ng magagawa. Kaya kung may lakwatsa ang barkada, kay ermat ako nagmamakaawa. At ang pinakagusto kong katangian sa kanya ay masarap magluto. Nami-miss ko ang kanyang rellenong bangus at crispy pata. Nami-miss kong kasama siya sa kusina. At nami-miss ko ang asaran naming dalawa. Ako kasi ang kontabida sa buhay niya. Katwiran ko lagi sa kanya, "Sarap naman ng buhay mo kung walang nang-aalaska sa inyo". Sweet ko di ba?

Naging masunurin naman akong anak sa kanya, hindi nga lang halata sa klase ng aking pagmumukha. 'Di ko man lagi sinasabing mahal ko siya, sana ay hindi ako nagkulang na iparamdam at ipakita ito sa kanya. Talagang hindi madali ang mawalan ng isang mahal sa buhay. Masakit, nakakalungkot at nakakapanibago. Ngunit unti-unti mo itong natatanggap, dahil hindi rito nagtatapos ang karera ng buhay mo. Patuloy pa rin ang ikot ng mundo. Nawalan man ng haliging laging sinaasandalan, pero hindi ito dapat maging balakid, bagkus magsilbi itong daan upang maging matatag sa mga hamon ng buhay na haharapin.

Maraming salamat po, PAPA. Salamat sa walang sawang pagmamahal. Salamat sa atensiyon at sa pag-aarugang iyong ibinigay. Salamat sa mga payo at pangaral mo. Salamat sa mga palong natanggap ko (kapag may nagagawa akong masama at sinusuway ko ang mga utos n'yo). Salamat at naging ama ko kayo. Salamat at si ermat ang napili at nakatuluyan n'yo. At maraming salamat sa pamilyang binuo ninyo. Salamat.. salamat.. salamat!

Para sa inyo po ang kantang ito:

Sunday, February 14

Chinese Horoscope

Kung Hei Huat Chai! Ito raw ang tamang pagbati for Chinese New Year sa ating kababayang tsinoy at hindi 'yong nakasanayan nating Kung Hei Fat Choi (na ang literal na ibig sabihin pala ay "congratulation and be prosperous!" at hindi "happy new year" na inaakala ko). Karamihan sa mga tsinoy ay nanggaling pa sa probinsya ng Fujian na kung saan ay Hokkein ang lengguaheng ginagamit. 'Wag ng kumontra, sabi 'yan ng kaibigan kong intsik kaya YES ka na lang. Okey?
Ngayong taon ay Year of the Metal Tiger, Rooooaaaarrrr! Ito ang pangatlong sign sa chinese horoscope na binagbibidahan din ng onse pang mga nilalang (rat, ox, rabbit, dragon, snake, horse, sheep, monkey, roaster, dog at boar). Nagtataka ba kayo kung bakit sila lang ang bida sa mga chinese? At hinahanap kung bakit wala ang paborito nyong hayop? Narito na ang mga kasagutan sa inyong katanungan.

 
Tsismis #1
Ayon sa alamat, pinatawag ni Lord Buddha ang tropa ng mga kahayopan para makipagbeso-beso sa kanya bago pumanaw dito sa mundong ibabaw. Sa kasamaang palad dose lang ang sumipot sa kanyang panawagan dahil hang-over pa raw at talagang pinaninindigan ang pagiging party animals. Kaya bago natsugi si Lord Buddha, ipinangalan sa kanila ang zodiac signs batay sa pagkakasunod ng kanilang pagdating.

 
Tsismis #2
Ayon uli sa alamat, nagpatawag (na naman) ng meeting itong si Mr. Buddha para pangalanan na ang doseng mga hayop para magsilbing inspirasyon sa bawat taon na daraan. Excited si PusiKat sa meeting na magaganap, dahil dyan ay kinuntsabo si Pareng Daga para gisingin sya nang sa gayon ay sabay silang a-attend. Pero ito palang si Daga ay may masamang binabalak at siya'y nagsolo para manalo. Ito ang rason kung bakit wala sa listahan si PusiKat at ito rin ang dahilan ng kanilang bangayan at habulan hanggang sa ngayon.

 
Tsismis #3
Ayon uli sa alamat (ang KULIT!!!!), isang araw nag-rally ang mga kahayopan sa harap ng palasyo ng kanilang Hari para bigyang linaw kung sino ang nilalang para maging pinuno o gawing kauna-unahang zodiac sign. Para maiwasan ang rambolan sa kanyang kaharian, gumawa ng patimpalak itong si Hari. Kung sino ang maunang makakatawid sa ilog ay siya ang tatanghaling 1st zodiac sign. Dahil sa may pagkasakim itong si Daga (basta mga daga, peste talaga!), nakaisip siya ng magandang strategy para makatawid ng walang kahirap-hirap. At ito ay ang pagsampa sa likuran ni Mr. OX, kaya bago makarating sa finish line ang baka, ay siya namang biglang lundag ni Daga. Ang resulta… si Daga uli ang bida, si Baka ang pangalawa at kulelat lagi si Piggy.

Ngayong alam nyo na ang istoryang bumabalot sa Chinese horoscope, sana ay matatahimik na kayo at makakatulog ng maayos gaya ko. Hapi PUSO at Hapi New Year kabayan!

Friday, February 12

Ang kabataan ko [1]


Dahil uso ngayon ang tema during kabataan days, ako' y makiki-uso na rin. Oo, gaya-gaya ako.. anong pakialam mo? Blog ko 'to?! Hehehe. Kakabasa ko lang kasi ng blog nina jepoy, drake at glentot.. opo, yung tatlong itlog na kakalug-kalog! Ang sweet nilang magbangayan sa isa't-isa, kinikilig ako! Akmang-akma sa araw ng mga puso. Ang triong 'to ang wawasak sa kasikatan ng mga love teams ngayon sa telebisyon at pati na rin sa pinilakang tabing! Kaya ang tambalang Edward, Bella at Jacob… humanda na kayo! Wahaha!

 
Hindi naman makulay ang kabataan ko, simpleng bata lang – in short BORING! Sa baryo kasi namin iilan lang ang batang ka-edad ko, kaya kadalasang katropa ko limang taon ang tanda sa akin. Karamihan ng miyembro sa grupo ay mga bagito, ibig sabihin – mapupusok, mahilig mag-eksperimento, pumipiyok at nagsisilabasan ang mga tigidig sa mukha. 'Yung tipong taghiyawat na tinubuan ng mukha. Sa grupo namin, ako ang bunso. So kapag bunso, alam na kung ano ang papel na ginagampanan… siya ang inaalipusta, inuutusan at inuuto kadalasan. Ewan ko ba kung bakit nasisikmura kong inuutusan ako, samantalang pag nasa bahay nandadabog kahit magaan lang ang pinapagawa sa'yo.

Dito ko napagtanto na iba pala ang pamilya sa barkada. Kung sa pamilya ako ang laging bida, sa barkada nama'y ako ang laging kawawa. Dahil nga sa puro binatilyo ang nasa grupo, sila ang nagturo sa akin ng mga bagay na puro kaberdehan, kapusukan, kalokohan at kalaswaan. Ini-idolo ko sila noon, hindi na ngayon, kaya parte sila ng kung anumang buhay meron ako ngayon. Mga lintik! Kung alam ko lang na ganito ang aking kahihinatnan, nagkulong na lang sana ako sa bahay.

Si pareng Bornok (walastik! tunog barok!) ang lider ng grupo, siya 'yung taong taghiyawat na tinubuan ng mukha. Siguro ang basehan ng pagiging pinuno noon ay paramihan ng tigidig. Wala rin naman siyang kalaban sa botohan dahil nagsi-atrasan ang mga kalaban. Si Niel naman ang kanyang side kick (para kasing nakatikim ng libo-libong sipa ang kanyang pagmumukha! Joke! Baka kasi isipin n'yo ampapangit ng dabarkads ko. Naniniwala pa naman ako sa kasabihang, "birds of the same feathers are the same birds". Putik, korni!).

 
Silang dalawa ang lider-lideran sa kalaswaan. At dahil sa ako ang bunso, ako ulit ang pinag-tripan para hagilapin kung saan nakabaon ang mga betamax ('di pa uso ang VHS at pirated CD's noon) na puro kalibogan at ang magasin ng kalaswaan ng pinakamamahal kong mga kuya. Palibhasa sikat ang mga damuho sa pagiging chickboy (pwede sila mapa-chick man o boy!) sa baryo namin, kaya siguradong marami raw itong mga koleksyon. Dahil sa gusto kong maging bida, nagpa-uto uli ako. Hinalukay ko ang kwarto nila at voila! Nakita ko rin ang kanilang kayamanan, 'di man lang ako pinawisan sa paghahanap. Dali-dali kong kinuha ang dalawang betamax at isang magasin sabay eskapo at baka mahuli pa ako. Dumiretso agad ako sa bahay ni Niel (doon kadalasan ang hide-out ng barkada) at tuwang-tuwa sila sa aking dala, parang mga asong ulol na naglalaway. Wala na silang sinayang na oras salang agad sa player. Presto! Para kaming nasa sinehan at tahimik ang lahat , titig na titig sa telebisyon ang mga hayop! Dito na nagsimula ang kalbaryo ng kabataan ko at naapektuhan ang mura kong kaisipan.

Dearest Sister at Wild Things (Hindi ito 'yong pelikula ni Neve Campbell) ang pamagat ng nadengwat kong betamax. Tanda ko pa ang titles ng mga pelikula dahil hanggang sa ngayon 'di pa nababalik sa akin. Nabisto tuloy na pinakialaman ko ang koleksyon ng kuya. 'Di ko na ide-detalye kung anong mga nangyari habang at pagkatapos naming manood ng 'educational film' baka magmukha pa itong xerex story ng Abante. At baka mag-iba ang tingin ng mga taong makakabasa nito (naks, concern ang engot!). 

Ganito ang klase ng kabataan meron ako, pero bahagi lamang ito ng buo kong pagkatao. Sabi ng iba medyo may kahalayan, pero para sa akin naman - pilyo lang. Dahil nasa tao yan kung papaapekto sa mga katropang nakapaligid sa kanya. Swerte ko dahil may magulang akong hindi nagkulang magbigay ng atensyon sa akin. Swerte din nila dahil may anak silang ubod ng bait! O...wag ng pumalag pa. 'Di ba kapani-paniwala ang ubod ng bait? Sige na nga, mala-anghel na lang! :) 

Wednesday, February 10

Usaping puso (lab adbys)


Dahil nga nalalapit na ang araw ng mga puso, nagkalat at nagsilipana ang mga love quotes, love songs, love letters at kung anu-ano pang mga pakulo para ipagdiwang ang balentyns dey. Pati ako ay 'di nakaligtas para makatanggap ng isang forwarded e-mail tungkol sa pag-ibig. Malapit ko na sanang ma-delete pero nagdalawang-isip ako nang makitang may bob ong na nakasulat dito. Kaya hindi na ko nag-aksaya ng oras at dali-dali ko itong binasa. Sa bandang huli, nakaka-aliw at nakakatawa pala ito (s'ympre bob ong, e!) kaya minabuti kong ibahagi din ito sa inyo J.
-=oOo=-
Dear Mr. Bob Ong,

 
Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

 
Lubos na gumagalang,
-MATT -
-=oOo=-
Dear MATT,

 
Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano'ng era ka ba pinanganak?

 
Pero don't worry. It's not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa'yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo 'to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa'yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na "Omega 8." Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: "because you're good for my heart."

 
2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: "I miss hanging out with you."

 
3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, "Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa'yo."

 
4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung "with Omega 8." Hindi na siya magtatanong kung bakit.

 
5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, "natunaw na kakatitig sa'yo."

 
6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: "Walang kulay ang buhay kung wala ka."

 
7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

 
8. Itext mo siya ng: "Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!"

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo "para pag nagkabanggaan ang puso natin."10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: "Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa'kin."

 
11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

 
12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

 
13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

 
14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na "don't leave your valuables unattended"

 
Handang tumulong lagi,
-Bob Ong-

Friday, February 5

Seryoso ako, peksman!


Akala ko hindi na darating ang araw na ako'y magpapaka-cheesy, pero andito ako ngayon kahit sabihin ng iba na ako'y horny corny. Tunay ngang kakaiba pagtimaan ka ng pag-ibig, at pinatindi pa lalo dahil nalalapit na ang araw ng mga puson puso! Kaya sa araw ding ito, gusto kong ibahagi ang sulat na ginawa ko para ipakitang nagkaka-lovelife din ang isang tulad ko. Hehehe

-=oOo=-

 
Mahal kong AheM,

 
Noong araw na tayo'y unang nagkita ay hanggang "Hi" at "Hello" lang ang inabot ko, at sabay hawak na rin sa iyong kamay para makipagkilala sa iyo (isip ko, kahit man lang sa pamamagitan ng kamay ay makapag-tsansing ako! Hehe). Pagkatapos ng insidenteng 'yon, wala na. Para na lamang akong estatwa sa MOA (mall of asia) na nasa tabi at hindi makapagsalita. Kung may boses man, "Oo", "Hindi" at "Ganun ba?" lang ang mga salitang nabubuo sa bibig ko. Sa madaling salita, hinayaan lang kitang makawala.

 
Buti na lang mabait si Mister Kupido dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkita uli tayo. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kuntodo pa-cute at pa-demure ang inabot at pinakita ko para masigurong mapansin mo lang ako (Nagawa ko 'yun sa ngalan ng pagmamahal, kahit magmukha pa akong engot at abnormal. Litsugas na pag-ibig yan!). 'Di kalaunan ang pa-tweetums ay nauwi sa seryosong usapan. Hanggang umabot sa puntong gusto na kitang ligawan. Halo-halo ang naramdaman habang inaantay ang sagot sa aking katanungan. At para akong nabunutan ng tinik sa pwetan nang sinabi mong "okey lang".

 
Araw-araw kang nasa isipan ko. Nag-aabang na kahit saglit ako'y i-PM (private messaging sa YM) man lang. Kaya minsan kinukulit kita kahit alam kong nadidistorbo ka na (Selfish ba? Wala naman akong panindang isda. Putik ang korni!). Pasensiya na kung minsan ako'y gumagawa ng eksena, ganito lang ako magpakita ng pagmamahal sa aking sinisinta.

 
Ano ba ang dapat gawin para mapaniwala ka na ang pag-ibig ko'y totoo at hindi pambobola kagaya ng iyong inaakala? Kaya ko ginawa ang sulat na ito ay upang ipakita ang tunay na saloobin ko. Hindi man sapat para masagot lahat ng pag-aalinlangang gumugulo sa iyong isipan, nawa'y nagsilbi itong daan para maisiwalat sa'yo ang tunay kong nararamdaman. Seryoso ako, peksman! Tamaan man ng kidlat si Superman.

Nagmamahal,
eSeM

Monday, February 1

ROSAS, walang kupas


Anak ng putakti! Buwan na ng Pebrero… ibig sabihin putukan blues na naman! Este balentyns dey pala. Magsusulputan na naman na parang kabute ang mga bagay-bagay na korteng puso. S'yempre always present ang nakakatabang tsokolate at keyk na hugis puso. Ume-epal din ang mga naglalakihang stuffed toys na kung hindi man heart-shaped, e may nakaburda namang "I Love You.. blah.. blah.. blah!#$%&@". At eto pa, mawawala ba naman sa eksena ang paboritong binibigay tuwing araw ng mga puso – ang sariwa at malalagong bulaklak gaya ng mga rosas. Putik! Sariwa at malalagong bulaklak? Hindi rosas ang naiisip ko, pero kakaibang bulaklak nga lang ito…oppsss.

 Teka mabalik na tayo sa usapang rosas, baka tuluyang mawalan ng mambabasa ang naghihingalo kong blog. Dahil interesado ako sa mga rosas (kahit na wala naman akong pakabigyan), minabuti kong alamin kung ano ang istoryang bumabalot sa iba't-ibang mga kulay nito. At dito ko nalaman na hindi lang pala sa kulay ng rosas may kabuluhan, pati ang bilang nito ay may kahulugan. Gustuhin ko mang isalin sa tagalog ang bawat kahulugan, inunahan ako ng takot at baka 'di ko mabigyang wasto ang ibig sabihin. Baka ako pa ang sisisihin kapag palpak 'yung naibigay kong meaning. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, heto na sila:

 
Color of Roses
RED – Love, Romance, Respect, Courage and Passion
WHITE - Purity, Innocence, Sympathy, Secrecy and Worthiness
PINK – Love, Gratitude, Elegance and Appreciation
YELLOW – Freedom, Joy, Friendship and Get Well
ORANGE – Passion, Desire, Enthusiasm and Fascination
LAVENDER – Love at first sight, Enchantment and majesty

Number of Roses
1 – Love at first sight; You are the one
2 - mutual love, deeply in love with one another
3 – I love you
6 – I wanna be yours
7 – I'm infatuated with you
9 – An eternal love, together as long as we live
11 – You are my treasured one; The one I love most in my life
12 – Be my steady
13 – Secret admirer
15 – I am truly sorry, please forgive me
20 – Believe me, I am sincere towards you
21 – I am devoted to you
24 – Can't stop thinking about you, 24 hours everyday
33 – Saying "I Love You" with great affection
36 – I will remember our romantic moments
40 – my love for you is genuine
50 – Regretless love, this is
99 – I will love you for as long as I live
100 – Harmoniously together in a century
101 – You are my one and only love
108 – Please marry me
365 – Can't stop thinking about you, each and everyday
999 – Everlasting and eternal love

Sa mga loverboys, may ideya na kayo kung anong kulay at ilang rosas ang dapat ibigay sa mga minamahal. Kaya siguro hindi ako sinasagot ng aking nililigawan ay dahil sa kulay at bilang ng rosas ay wala akong pakialam. Malay ko bang merong mga kaek-ekang gaya nito, disin sana'y nagka-syota na ako! Lintik! Tae! Ano?! Ako..Bitter Ocampo? HINDI ah, kool pa ako!!!!

•ŠLŸ•
Sources: http://www.proflowers.com/; http://www.loveletterbox.com/; google

Tuesday, January 26

Just married: 10 years validity



Napangisi ako at sabay iling nang makita ko sa GMA News ang balita hinggil sa proposal ng mga kababaehan na ipasa bilang batas ang marriage with expiration date. Sampung taon ang itatagal ng kontrata. Kung sa tingin ninyo'y kayong dalawa ang itinadhana para sa isa't-isa, i-renew at pagtibayin pang lalo ang inyong pagsasama. Sounds cool di ba? Para ka lang namili ng isang kagamitan na kung ayaw mo na at may nakita kang mas kaaya-aya, ay iiwan mo siya. Pero konting pasensya at tiis nga lang, dahil sampung taon pa ang gugugulin para makasama ang bagong mamahalin.

Ang panukalang ito ay pakana ng 1-Ako Babaeng Astig Aasenso o 1-ABAA. Adbokasiya ng makakaliwang grupo, este partylist group pala na hikayatin ang bawat babae na maging bukas sa larangan ng negosyo, magkaroon ng magandang trabaho, at sa paraan na sila'y maging stable sa pananalapi.

Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging konserbatibo, lalong-lalo na karamihan sa atin ay mga katoliko. Sa tingin n'yo ba'y makakalusot ang probisyong katulad nito? Bilang isang kristyano, ipinamulat sa akin na sagradong maituturing ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Ipinangako ng bawat isa na walang makapaghihiwalay sa hirap man o ginhawa, at hanggang sa malagutan man sila ng hininga (ganun talaga, always tragic ang ending).

Alam kong 'di ako bihasa sa mga paksang gaya nito, sino ba naman ako para manghusga at pumuna gayong 'di ko pa nararanasan ang makapag-asawa. Pero sa mura kong kaisipan (naks! feeling virgin…), nakakabaliw ang panukalang ito. Hindi ko lubos maisip na sa hinaharap ay papalit-palit ako ng misis. Hindi ba pwedeng punan na lang ng pang-unawa at pagtitiis, kapag may mga bagay na sa tingin mo'y hindi kanais-nais? Talagang hindi perpekto ang pagsasama ng mag-asawa, parte ito ng buhay para ang inyong relasyon ay lalong tumibay. Kaya bago magpatali sa inyong mga dyowa, pag-isipan ng maigi kung ika'y handang-handa na nga bang talaga!

•ŠLŸ•

Wednesday, January 20

Hithit-buga



Cigar, yosi, tabako, sigarilyo… 'yan ang tawag sa bagay na hinihithit at usok ang ibinubuga. Isang paglilinaw lang mga ka-tropa ito lang ang alam kung bagay na hinihithit at usok ang dinidighay at wala ng iba, peksman… mamatay ka man! Sa Ingles, Cross my heart and hope you'll die. (Malala na sakit ko sa kakornihan, pati ako'y nasusuka na.)

Dito sa Saudi, ito ang lagi mong napapansing eksena. Hithit doon, buga rito. Palibhasa'y bawal ang alak dito sa disyerto, kung meron man hindi brewer's yeast ang pinagmulan, kundi malt ang source ng inumin. Kung ikaw ay lasingerong tulad ko, tiyak maninibago ka, pero swak na rin sa panlasa. Mabuti na ang meron kesa sa wala, kaya pinag-aralan kong makuntento habang maaga pa. Problema nga lang hindi ka malalasing. Kung tatamaan ka man, sigurado akong hindi 'yun sa alak nangggaling. Dahil lasing ka sa nagasto mong inumin.

Sari-saring brands ng yosi ang makikita mo. Syempre di mawawala ang nakasanayan nating si Pareng Marlboro at Phillip Morris. Katabi nito sina Ginoong Davidoff at Dunhill. Iilan lang 'to sa mga brands ng sigarilyong bubungad sa'yo. Dati-rati'y si Pareng Marlboro ang aking kapiling subalit ngayon nag-iba ang ihip ng hangin. Opo, nakakapag-yosi ako rito mahal kong Inay. Huwag ako ang pagagalitan… Ibuntong mo ang galit sa Saudi, at subukang mag-rally sa harap ng embassy na gawing legal ang alak dito sa Saudi. J

Isang araw nagkataong wala si Pareng Marlboro, kaya si Ginoong Davidoff ang aking sinubukan. Ayos ang feeling sa lalamunan, "ultra light" nga ang iyong mararanasan. Matapang kasi at tila lagi akong uhaw pag si pula ang aking natitikman. Dito ko napatunayan na sa yosi 'andaming matitigas ang ulong kagaya ko. Tila walang epekto ang "Government / Health Warning", at lalong di napapansin ang iba't-ibang naidudulot na sakit at sa mga nakakadiring larawang nakadikit. Hindi ko naman ito sinasawalang bahala, alam kung ito ay masama kaya nga moderate lang ang aking paghihithit-buga.

•ŠLŸ•

Tuesday, January 12

Kool kong INA

Ermat, Mama, Berk Chit at Tita Titz.. 'Yan ang kadalasang tawag ko at ng mga barkada sa pinakamamahal kong Ina. Hindi ko na gaano matandaan kung san nagsimula ang Berk Chit at Tita Tits. Marahil doon 'yun sa kasikatan ng Youth Oriented Show ng Dos na ang pamagat ay "BERKS". Ito'y pinagbibidahan nina Heart Evangelista, John Prats, Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Kung 'di nyo talaga ma-gets, paki-ask na lang si Henyong Google.

 
Extreme si Ermat pagdating sa pananamit at sa kanyang lifestyle. May panahon na donyang-donya ang ayos, at may oras din na gusgusin ang dating. Okey lang sana kung sa bahay , pati ba naman sa pamamalengke minsan ay punit-punit ang susuotin?! Walastik talaga! Sa kasalukuyan nyang edad na 66, nagmamaneho at nakikipagkarerahan pa yan gamit ang bulok naming wheels. Nagbibisikleta papuntang simbahan na akala mo'y sasali sa cycling marathon. Pero simula noong siya'y natumba at tumilapon sa kalsada, pinakadena ko na ang paborito niyang bisikleta. Nakupo, aantayin ko pa bang mababalian siya?

Barkada ni Ermat ang mga kaibigan ko. Minsan nga pakiramdam ko'y sila na ang magbabarkada at ako ang kanyang istriktong ama! Kung may dadalaw na kaibigan hindi ako ang unang hinahanap, siyempre sino pa ba kundi siya. Pero ok na rin at least bagets pa rin si Tita Tits. Nitong buwan nga nakipagreunion siya, pero hindi sa kanyang mga ka-batch, kundi sa mga beterinaryo kong kaeskwela. Ganyan siya katindi! Hardcore! At nagdahilan pang siya raw ang proxy. Haayyy.. nakakamiss talaga ang aking Ina at ang mga barkada. Lalong-lalo na kapag ika'y nag-iisa sa ibang bansa. Ikaw? Ka-Barkada mo ba ang iyong Ina?

Trip nyo ba'y pruweba kung gaano ka-KOOL ang aking ina? Ito ang ilang larawan kasama nang kanyang mga katropa :


Ang DEBUTANTE at kanyang mga ESCORTS (L-R: Paul, Gemma, Gay, Ermat, Hamsa, Chengot at Mark), .


Kayo lang ba marunong ng ganitong peace sign?!


Sa araw ng kanyang kasal, 'di sumipot ag GROOM(L-R: Mark, Melissa, Love2, Hamsa, Ermat, Maricel at Angie).


Posing na man dyan mga repa pipz! (w/ Atty. Gel)

Saturday, January 9

Ultimate Libangan


Talagang nakakabagot ang buhay OFW, lalong-lalo na kung ika'y napadpad sa lugar gaya ng Riyadh. Unang linggo ko rito'y tila isang buwan diyan sa Pinas. Pakiramdam ko'y kaybagal ng takbo ng oras. Bagong salta, kaya walang mga kakilala. Nangangapa sa dilim, 'di alam kung ano ang gagawin. Inaasahan ko nang mangyayaring ang ganito, pero hindi ko inaakala ang tindi ng lungkot na bumabalot dito.

Kung ikaw ay isang taong sanay sa lakwatsa at gimik, iwas ka na lang sa lugar na ito. Dahil sigurado akong madidismaya ka rin kagaya ko. 'Di naman talaga ako certified gimikero. Bookstore, internet at sinehan lang naman ang bisyo ko. Kapag meron ang tatlong ito, siguradong abot hanggang tenga ang ngiting nakapinta sa mukha ko. Pero rito, hindi todo ngiti ang nararansan ko sapagkat bawal ang sinehan sa bansang ito.

Bookstore? Nakakadismaya ba at hilig kong tumambay sa madaming libro? Batid kong wala sa itsura ko ang pagiging matalino, pero kahit papano nakakaintindi naman ng likha ng mga inglesero. Naging bisyo ko ang ganito simula nang may nagregalo sa akin ng librong ABNKKBSNPLAko! ni Bob Ong. At mas lumala pa nang mabasa ko ang mga obra nina Dan Brown, David Baldacci at Vince Flynn! Alam kong puro mga banyaga ang mga ito, ngunit may mga talentong pinoy din naman akong sinusubaybayan. Lingid kay Bob Ong, nasa listahan ko rin sina Eros Atalia, Jessica Zafra, Gary Lising at Pol Medina, Jr. ng Pugad Baboy®. Kung isa sa kanila hindi nyo nakikilala, bilisan ang kilos at i-google nyo na!

Internet ang ultimate pastime ko tuwing walang ginagawa. Kadalasan abala sa pagtatanim ng mga gulay at pamimitas ng mga bunga sa FarmVille. Sunod kong pinapakain ang mga isda at nililinisan ang tangke sa FishVille. Nauubos ang oras sa pagdalaw ng mga kaibigan sa YoVille. Sa ngayon, kasalukuyan kong nililigpit ang nabubulok kong tinda sa Café World, at inaayos ang makalat na bahay ni Kolokoy sa PetVille. Iyan ang buhay ng adik sa Facebook! Bukas susubukan ko ang Plants Vs. Zombies ng Yahoo Games para maiba naman. Ikaw anong level ka na ba? Pa-add naman as neighbor oh, please?



photo: http://bellurramki18.wordpress.com/

_sly_

Saturday, January 2

Uso ang BILOG!


Pagbirthday, may cake dapat na nakahain. Kung binyag ang pag-uusapa'y may litsong inaabangan, lalong-lalo na kapag fiesta sa mga probinsya o lalawigan. Sa panahon naman ng pasko, hindi nawawala ang mga paborito kong hamon at keso de bola. At pagbagong taon, laging nasa hapag-kainan ang mga pagkain at mga prutas na hugis bilog!

Lahat dapat ay bilog! Hindi lamang sa tsibog, kundi pati na rin sa mga damit na susuotin ay prerequisite na may bilog din! Paano na lang kung katulad ko na mukhang bilogin? kailangan pa bang sundin ang ganitong pamahiin?

Isa si ermat sa mga panatikong naniniwala sa mga ganitong pamahiin. Nakikinita ko na kung ano ang itsura ng bahay namin ngayon kahit na wala ako doon. Karamihan ng makikita mo ay hugis bilog. Kasi nga raw swerte ang bilog sa pagpasok ng bagong taon. Pera raw kasi ang ibig sabihin ng bilog. Kapag maraming bilog, maraming salapi! Kaya ganito na lang kaseryoso ang pinakamamahal kong Nanay. Nagbabakasakali pa ring balang-araw siya'y yayaman.

Bakit ba bilog lang ang pwede? Bakit hindi na lang parihaba? Isip ko kasi kung bilog, barya-barya lang ang aabutin. Samantalang kapag parihaba, siguradong libo-libo ang nanamnamin. Dahil bills na ang pinag-uusapan, hindi na coins. Big time!

Isa lamang ito sa mga tatak Pinoy nating pamahiin. Samo't-saring ginagawa at sari-saring paniniwala sa taon-taon nating paggugunita. Pero dapat nating tandaan at hindi dapat kalimutan na magpasalamat sa magandang taon na nagdaan at sa panibago na namang taon na haharapin. Manigong bagong taon!

_sLy_