Saturday, January 9

Ultimate Libangan


Talagang nakakabagot ang buhay OFW, lalong-lalo na kung ika'y napadpad sa lugar gaya ng Riyadh. Unang linggo ko rito'y tila isang buwan diyan sa Pinas. Pakiramdam ko'y kaybagal ng takbo ng oras. Bagong salta, kaya walang mga kakilala. Nangangapa sa dilim, 'di alam kung ano ang gagawin. Inaasahan ko nang mangyayaring ang ganito, pero hindi ko inaakala ang tindi ng lungkot na bumabalot dito.

Kung ikaw ay isang taong sanay sa lakwatsa at gimik, iwas ka na lang sa lugar na ito. Dahil sigurado akong madidismaya ka rin kagaya ko. 'Di naman talaga ako certified gimikero. Bookstore, internet at sinehan lang naman ang bisyo ko. Kapag meron ang tatlong ito, siguradong abot hanggang tenga ang ngiting nakapinta sa mukha ko. Pero rito, hindi todo ngiti ang nararansan ko sapagkat bawal ang sinehan sa bansang ito.

Bookstore? Nakakadismaya ba at hilig kong tumambay sa madaming libro? Batid kong wala sa itsura ko ang pagiging matalino, pero kahit papano nakakaintindi naman ng likha ng mga inglesero. Naging bisyo ko ang ganito simula nang may nagregalo sa akin ng librong ABNKKBSNPLAko! ni Bob Ong. At mas lumala pa nang mabasa ko ang mga obra nina Dan Brown, David Baldacci at Vince Flynn! Alam kong puro mga banyaga ang mga ito, ngunit may mga talentong pinoy din naman akong sinusubaybayan. Lingid kay Bob Ong, nasa listahan ko rin sina Eros Atalia, Jessica Zafra, Gary Lising at Pol Medina, Jr. ng Pugad Baboy®. Kung isa sa kanila hindi nyo nakikilala, bilisan ang kilos at i-google nyo na!

Internet ang ultimate pastime ko tuwing walang ginagawa. Kadalasan abala sa pagtatanim ng mga gulay at pamimitas ng mga bunga sa FarmVille. Sunod kong pinapakain ang mga isda at nililinisan ang tangke sa FishVille. Nauubos ang oras sa pagdalaw ng mga kaibigan sa YoVille. Sa ngayon, kasalukuyan kong nililigpit ang nabubulok kong tinda sa Café World, at inaayos ang makalat na bahay ni Kolokoy sa PetVille. Iyan ang buhay ng adik sa Facebook! Bukas susubukan ko ang Plants Vs. Zombies ng Yahoo Games para maiba naman. Ikaw anong level ka na ba? Pa-add naman as neighbor oh, please?



photo: http://bellurramki18.wordpress.com/

_sly_

8 comments:

RJ said...

Naku, sayang hindi mo makita sa big screen ang Avatar!

Ako sawang-sawa na sa totoong farm, kaya kapag sa internet wala nang pagsasakang inaatupag.

Chapter 8 palang ako sa The Lost Symbol, at ang The Da Vinci Code at Angels and Demons nabasa ko na rin. Wala pa akong nabasang book ni Balacci o Flynn pero kapag mga likha nina Og Mandino at Paulo Coelho, mayron ako rito.

BlogusVox said...

Hindi naman lahat tumal dito sa Riyadh. Nasa sayo yan kung papano mo libangin ang sarili mo. Ika nga, "it's all in the mind".

Salamat sa pag bisita, kabayan!

SLY said...

[RJ] buti at nasa chapter 8 ka na, ako bibisita uli sa bookstore nang makapag-chapter 3 na! hehe
hay, ang saklap.. no 3D avatar :(

SLY said...

[BLOGUSVOX] singbilis ng kidlat ah! kakabisita ko lang sa blog mo. tama po kayo, its all in the mind kaso ang problema wala akong isip. nyahaha :)
salamat din at napadaan ka kabayan!

Rebecca said...

You should plan to work here, Sly. A lot more to keep you busy and lots of good sinehan and bookstore/library!

Jam said...

Hirap tlga ng buhay OFW kc yan rin ang experience ko..buti na lang at nauso ang facebook kc isa rin akong certified facebook addict..sana i visit mo rin blog ko..Kabayan

SLY said...

[REBECCA] sana nga makakapunta ako dyn :) para naman mahasa ng husto ang ingles ko, hehe.

[JAm] salamat at nadalaw mo ang blog ko.

jean said...

miss ka namin t.sly! sa sunod na pasko, makakauwi ka ba???