Literal ang kahulugan ng bagong buhay para sa akin ngayong paparating ang taong 2010. Siguro nga pinariringgan ko ang aking sarili noong isinulat ko ang paksang "Birthmark sa Wetpu" sa blog ding ito. Lahat na ata ng klase ng pagbubusisi nagawa ko na, pero kahit anong klase pa ng paghahanap ang gawin ko, wala talaga akong nakikitang balat sa aking pwetan para mapatunayan na talagang malas nga ako! Tuesday, December 29
Bagong taon, Bagong buhay
Literal ang kahulugan ng bagong buhay para sa akin ngayong paparating ang taong 2010. Siguro nga pinariringgan ko ang aking sarili noong isinulat ko ang paksang "Birthmark sa Wetpu" sa blog ding ito. Lahat na ata ng klase ng pagbubusisi nagawa ko na, pero kahit anong klase pa ng paghahanap ang gawin ko, wala talaga akong nakikitang balat sa aking pwetan para mapatunayan na talagang malas nga ako! Tuesday, December 22
Ninong, namamasko po!
Kapag parating na ang "BER" months, isa na itong hudyat na ang kapaskuhan ay papalapit na. Simula na para marinig muli ang mga pamaskong kanta at ang mahiwagang tinig ni Jose Marie Chan. Panahon na rin para halukayin ang nakabaong Christmas tree at mga dekorasyon. At oras na para ihanda ang sarili sa todo-todong kainan at kasiyahan! Maliban sa mga ito, oras na rin para mag-ipon ng todo para paglaanan ang mga aguinaldong kakailanganin sa mga inaanak na iyong haharapin.
Nasa isang dosena lang naman 'ata ang mga inaanak ko, partial and unofficial list yan. O di ba, parang halalan na?! Malay mo may mga bugos ka rin palang inaanak, mahirap ng masalisihan! Ano nga bang regalo ang nararapat para sa isang inaanak? Minsan sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung ano nga ba ang magandang bagay na pwedeng ibigay. Kaya kadalasa'y nauuwi na lang sa pera ang ibinibigay. Tag-lilimang daan bawat isa, samakatuwid, anim na libo ang madadali sa'yo sa doseng mga bata kung pera ang gawing aquinaldo.
Bakit limang daan? Ba't hindi na lang gawing isang daan? (Kasi mayabang ako at mataas ang pride ko!) Kasi ayokong makarinig ng pamaskong himig na ang litanya ay, "Thank you! Thank you! Ang babarat ninyo! Thank you!". Ngayon gets mo na? hehehe. Pero seryosong usapan, kakarampot na lang ang mabibili ng isang daan. Tumataas ang presyo ng mga bilihin, kaya dapat taasan na rin ang perang regalo ngayon. Nakakapanghina man at kadalasa'y nakakabutas ng bulsa, ngunit hindi naman masusuklian ang ngiti, saya at pagmamahal na naibibigay ng mga batang itinuturing kang pangalawang ama. Sunday, December 13
MELASON (Melai at Jason)
Kung hindi nyo sila kilala, malamang 'di ka adik sa panonood ng "Pinoy Big Brother: Double Up" o baka solid Kapuso ka lang talaga. Pwes ngayon na ang tamang panahon para maging traydor paminsan-minsan sa nakasanayan mo nang inaaabangan sa telebisyon. Oras na para maiba ang ritwal sa araw-araw, at humanda na sa bagyong hihigitan pa ang lakas ni Ondoy! Ito ay ang bagyong Melason!
MELASON, short for Melai and Jason, sila ang sikat na loveteam sa bagong edisyon ng PBB. Ito ang tambalang tatalo sa kasikatan ni Kim Chui at Gerald Anderson, ang tataob sa tandem nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, at ang dahilan ng nararanasang kaba ni KC Concepcion at Piolo Pascual. Ganyan katindi ang tambalang Melai at Jason, talagang may lason ang hatid nito lalong-lalo na sa akin.
Kapag tapos na sa trabaho, ito lagi ang unang inaaatupag ko. Pang araw-araw na parte na ito ng buhay ko (kaya plano kong idamay pati kayo! Hehe). Hindi kumpleto ang gabi kung 'di nakakapanood ng PBB, at hindi kumpleto ang timpla ng buong araw kaya dapat walang mintis dito. Sa katunayan, sila ang pumapawi ng pagod ko sa buong maghapon. Laging halakhak at minsa'y kilig ang kanilang binibigay. Swak na swak kasi ang kumbinasyon. Si babae ay isang maingay at kikay, at si lalaki nama'y barumbado pero sweet din pala ang loko. Dagdagan mo pa ng anak nilang Denggeh ang pangalan, na 'di mo alam kung saang lupalop ang pinagmulan. Napakaganda kasing tingnan, para bang isang teleserye na dapat mong inaabangan. Mas okey pa nga kasi puro lang tawanan ang mararanasan.
Sana ay magtagal pa ang pamamalagi nila sa bahay ni kuya. Nang sa ganu'y may inaabangan pa akong nakakakiliting istorya. At sana'y hindi ito gaya ng isang pelikula - na isang palabas lang pala at puro kaplastikan lang ang dala. Nawa'y totoo nga ang kanilang nararamdaman at nang sa bandang huli'y sila ang magkakatuluyan.Thursday, December 10
Simbang Gabi
Tuwing naririnig ko ang salitang "Pasko", nasasagi agad sa isip ko ang salitang bakasyon. Hindi na mahalaga sa akin kung may matatanggap ba akong regalo, o kung meron kaming maihahanda kapag sasapit ang araw na ito. Mas importante sa akin na makapag-bakasyon, 'yun bang wala kang ina-alalang trabaho bagkos puro na lang kasiyahan ang inaatupag mo. Syempre di naman lahat puro kabulastugan lang gagawin mo, andyan din yung panata mo taon-taon na kukumpletuhin ang simbang gabi!
Sunday, November 29
Birthmark sa Wetpu!
Thursday, November 19
Classwork
Simpleng eskwelahan lang ang aking pinapasukan. Simple pero may ipinagmamayabang
Saturday, November 14
K37… eto kami (Part 2)
Karamihan ay alam na kung papano nabuo ang grupong ito. Sa mga taong hindi pa may takdang-aralin kayo, kalikutin at hanapin ang lumang post ko [Kingdom 37 (Part 1)], nang sa ganu'y magkaintindihan tayo.***Ang artikulong 'to ay ibinabahagi ko rin sa taong aming naging inspirasyon, nagsilbing gabay at tumayong aming mga magulang noong kami'y mga musmos pa lamang sa minamahal naming eskwelahan (ULS-USM). Para sa inyo po ito Tatay James Gregoty Salem at Ma'am May Eva Garcia!
Thursday, November 12
Kingdom 37 (Part 1)
Tatlumpo't pitong paslit ang nagsama-sama sa iisang biology class field trip. Dalawang jeep ang inarkilahan at pilit kaming ipinagsiksikan (buti na lang at payat pa ako noon). Tanda ko pa Paradise Beach Resort sa Samal Island, Davao kami namahinga. Puno ng kasiyahan ang bumabalot sa mga oras na iyon... Kantahan, kwentuhan, kulitan at kainan ang nagaganap. Naghahari ang katagang "camaraderie". Biglang isip at sabay tanong sa sarili.. nakakain ba ang "camaraderie"? Tunog kare-kare kasi. Hayaan nyo na, ganito lang ako bumanat ng joke. Kung bakit naman kasi di ako pinagpalang magkaroon ng sense of humor.
Halos ang hirap ng alalahanin kung ano nga bang pagbabago meron ang bawat isa sa amin ngayon. Madalang na kasing nagkikita-kita, at kalimita'y pamilyado na. Hindi mo sila masisisi, tumatanda na tayo at kailangan na nang may makasama (Lagot! Sabay lunok..).
Alam kong pansin nyo rin na paulit-ulit nating kinukwento ang mga karanasang nakatatak na sa ating isipan, mga kalokohan at ating mga kapalpakan. Kasabay nito ay ang papapatugtog ng nakalakhang "Minsan" ng bandang Eraserheads. Tila ito'y isa ng panata na maihahambing sa tuwing sasapit ang mahal na araw. Paulit-ulit ngunit hindi ka magsasawang muli itong pakikinggan, talagang matatawag na musika na kay sarap balik-balikan. Ilang araw na lang, magpapasko na.. Miss ko na ang buong barkada. Sa mga kaibigan kong nakabasa nito, Maligayang Anibersaryo ang bati ko para sa'yo!
Monday, November 9
…miss na kita
Mahigit dalawang buwan din nang tayo'y huling nagkita at nagkasama. Dalawang buwan na walang imikan at kibuan. Dalawang buwang tinitiis ang pagkawalay sa isa't-isa. Pilit kinakalimutan ang bawat araw na wala ka sa piling ko at sa bawat gabing wala ka sa tabi ko. Lagi kang laman ng isip ko, lalung-lalo na sa tuwing ako'y nalulungkot, walang makasama at nababagot sa buhay-OFW.Minsan sa ating buhay, darating ang panahon na kailangan nating magsakripisyo't magtiis. At mag-isip kung karapat-dapat ka nga ba sa piling ko habambuhay o kailangan ko ring maghanap-buhay. Ewan at anong gayuma ang ginamit mo at baliw na baliw ako sa'yo. Laging hanap ang swabeng sipa na dulot mo. Miss na kita, O RED HORSE ko!

Tuesday, November 3
Kagila-gilalas na kwintas
pagkakabasa nyo, isang kwintas ng asong 'di alam anong gagawin sa kanyang limpak-limpak na kayamanan.
g ang kaya? Ngayon napatunayan ko na ayos din pala maging aso. Pero 'di ko pa rin ipagpapalit ang pagiging tao para lamang masabing isa na akong milyonaryo.Paano nga ba mangilatis ng tunay na bato at baka ang sinasabing alahas ay nagmula lang sa puwet ng baso? O 'di kaya'y likas na palabiro at ginu-good time lang ako ng taong ito. Kung sa itsura babasehan mukha namang desente ang pinagmulan. Rolex ang relo at may salaming D&G na nakasabit sa ulo, o uso rin ang mga imitations dito?
Isang daan na diamanteng bato, sa leeg ni Don Kabel nakapulupot ito! Kukunan ko sana ng litrato, kaso napadalawang-isip baka pagagalitan ako. Nilasap ko na lang ang pagkakahawak dito at baka ang swerte malipat sa aking mga kamao. 'Di ko lubos maisip kung bakit may mga taong ganito, marahil napanood lang nila ang "Beverly Hills Chihuahua", ang palihim na sagot ko sa sarili.
Monday, November 2
Mr. Mananabas
pagkatao ngunit 'di ako tulad nila gaya ng nasa isip mo. Ako'y napabuntong-hininga at napatingin sa kisameng lamig ng hangin ang sinisinga. Bigla kasing may sumulpot na ibong Java (Finch) nakawala sa kanyang magarbong longga. Sure na sure ako na tamang breed ang nasabi ko, 'di tulad sa mga nauna kong blog na puro hula ang sagot ko. Feeling ko nga na-possessed akong bigla ni Archie. Hindi mo ba kilala si Archie Mendoza? 'Yung sikat na sikat dati sa telebisyon, siya ang ex-BF at palagay ko'y ang ama ng pinagbubuntis dati ni Madame Auring. Kitam! Nakakapangilabot isipin 'di ba? Hardcore!
Bigla ko tuloy naalala ang isa sa mga nakakatuwang libro na aking nabasa. Si Jessica Zafra ang may-akda, at ang pamagat ay "Manananggal Terrorizes Manila". Nakaka-aliw itong basahin, dahil habang binabasa ko ang libro, katabi ko nama'y isang diksyonaryo. Ingles kasi ang pagkakagawa, kaya isinalin ko muna sa sarili nating wika.
Bisaya ang salitang Mananabas (malamang ganun din kung isalin sa ating wikang tagalog, halo-halo na kasi ang nakalakhan kong mga salita kaya pati ako'y 'di alam kung alin nga ba ang alin, gets?), sa mga walang ideya bibigyan ko kayo ng isang halimbawa. Pwede siyang maihahambing kay Chop-chop King,
na asawa ni Aling Luningning, at may anak na pinaglihi sa isang kuting (mas lumabo pa ata!). Siya si Mr. Mananabas, kakabahan ka tuwing sasapit ang araw ng sahoran! 'Yan ang tawag namin sa isang taong "tumulong" sa amin. Pinauso ng kasamahan kong beterinaryo rin, nabuo ito ng dahil sa masaklap naming karanasan sa isang kapwa pinoy pa man din. Milyonaryo na ata ang gonggong na Mr. Mananabas. Wala na akong balita sa kanya, at wala akong balak na siya'y makita pa. Delikado baka may utang pa ako sa kanya, tiyak ubos ang kakarampot na ipon kong pera. Kaya malaking GOOD LUCK ang ibibigay ko sa mga taong makakasalamuha niya.
Clue? Isa siyang kapreng nagbabalat-kayong tao. Masahol pa nga ata sa kapre ang pagkatao nito. Pero laking pasasalamat pa rin ang alay ko sa'yo. Nang dahil sa "tulong" mo'y, malamang nasa Pilipinas pa rin ako.
Saturday, October 31
L.Q. ni KAT
during mid-term and final exams..) Mabalik na tayo sa pusa at baka buhay ko pa ma-ikwento ko at tuluyan kayong 'di makuntento.Pagkakaintindi ko sa mga galaw ng kamay nya habang nagsasalita, for breeding yung alaga nya. Hinanapan at pinapili ko siya ng ka-partner ayun sa gusto niyang maging lahi sa hinaharap. May lahing British Longhair yung napili nya (Tama ka.. Base uli sa IQ ko!). Ayun at nasa motel na sila, este "mating cage" pala ang tawag namin dito. Pasensya at puro berde nasa utak ko, pigain mo man ng todo, green at green ang lalabas na katas, wala ng pagbabago. Ma pag-asa bang ma-develop into mature working brain? Napakalaking EWAN ang sagot ko 'dyan. Hanggang BRAINlet na lang yan! Minute brain! Respeto naman dyan, konting ngisi sa joke ko. Masaya na ako sa kahit ngiti, basta 'wag lang pilit na nagmumukha kang aso. Sawa na ako sa aso, araw-araw sila ang kaharap ko.
After a while (Naks, mukhang seryoso ang intro..), dun nagkaproblema. Ang dapat sanang matamis na honeymoon – nauwi sa mapait na rambolang orasyon. Ayaw ni Ms. American Shorthair si Mr. British Longhair! Marahil ayaw ni babae ang English-accent ni lalaki. O pansin nya'ng mas mukha pang babae itong si lalaki, o baka naman ipinanganak na pihikan lang itong si American Shorthair. Napakalaking gulo! kamot sa ulo at kunot sa noo ang reply ko sa may-ari at sabay sabing.. "Let's give them time and privacy to mingle with each other." Haayyy, buti at naniwala rin ang Arabo. Nakatipid ako sa laway, at 'di na umabot sa hukuman ang aking pangangatwiran. Malamang kung nagkataon, imposible na akong makapag-participate sa kantang "I Have 2 Hands", ibang lyrics na yung kanta ko, singular at hindi na plural ang salitang "hands". Bandang huli, laking pasalamat at naging OK din ang magsing-irog. Hiling ko lang na sana ay tuluyang malahian ng Longhait itong si Shorthair.Friday, October 30
Init sa Middle East…
isip ko kung anong klase buhay meron sa disyerto. Kung ito'y naging tubig pa, dahan-dahan akong nilulubog sa sobrang lalim nito. 'Di ko lubos maisip kung gaano kainit ang sinasabi nilang init sa Kaharian ng Saudi Arabia. At totoo bang hirap sa tubig ang bansa? Kaya ganun na lang ang haka-hakang iba ang amoy kung ito'y ikukumpara sa tulad kong pinoy?
Connecting flight ang byahe ng Cathay Pacific patungong Saudi. Una kung lapag ay Hong kong, sumunod sa Bahrain at sa wakas Saudi na! Kung susumahin lahat, halos buong araw akong naglakbay. Buti na lang at pinoy ang katabi ko sa upuan at natipid ang katago-tago kong baon sa Inglesan. Palibhasa, isang balde lang ang dala kong bokabularyo kung nagkataon di ko alam kung san ako kukuha para punan ito. Ewan, at bakit pilipit ang dila ko sa salitang banyaga. Minsan tuloy naisip kung dapat bang ibuntong ang sisi sa mga magulang sa 'di pagsanay sa kanilang anak na maging tunog banyaga? Subalit nangingibabaw pa rin ang aking pagka-Rizal, ayaw kong maging mabantot tulad ng isda – kaya mahalin ang sariling wika. Lusot!
Unang hakbang palang sa paliparan ng KSA, 'dami ng napapansin. Pinanganak lang ba talaga akong mausisa, o pinaganda ko lang ang mga salita sa taong mahilig mamuna? Pero todo iwas ako sa pagpuna, kung meron man sinasarili ko na lang ito at baka pag-uwi ko kalahati na lang ako. Payag ako basta ba pahaba ang hati, at least makikilala pa rin ako.. Yun nga lang side view ang angle for identification. Kaya sa future pictures ko, asahan nyong puro side view na ang mga kuha ko. Naku, change topic tayo, ayoko ng paksang ganito :-X

Pero ubod ako ng saya at 'di totong taghirap ng tubig dito, sa katunayan tatlong beses sa isang araw pa rin ako nakakaligo. 'Yun nga lang, isalin mo na sa malaking batya para ito'y lumamig sa susunod na ligo. At kung likas na tamad ka gaya ko, at may galis sa balat (na tulad n'yo, lambing lang!) pwedeng diretso shower na at nang malagas pati balat mo. Kaya mali ang haka-hakang iba ang amoy nila sa atin. Ibang lahi, maaari pa, pero pag-Arabo hindi naman.
Wednesday, October 28
Kalibugan ng Buwan
e" na kanina pa naghaharutan.
Dapat kasi naisip ng mga professors noon na kailangan din ng subject na tulad nito (DepEd, Gising! Peace..). Dahil kung nagkataon, isa ako sa mga estudyanteng nasa listahan ng mga topnochers. Sigurado akong pila-pila ang linya ng magpapa-enrol, daig pa ang Pinoy Big Brother audition. Kukulangin ang silid-aralan at magde-declare ng emergency crisis ang eskwelahan. Walang sawa akong pabalik-balik sa lectures at laging inspired pagdating sa klase. Dito ko maa-apply ang katagang, "..isa-puso't diwa ang leksyon". Hmmmm sino kaya mga kaklase ko at katabi sa upuan? Si J. Rizal? O si Kgg. Jalosjos kaya? Di bale na nga at baka masensor 'tong blog ko. 




